After the test!!!

3 0 2
                                    



Pagtapos ng test, parang...parang....lalagnatin ako dahil ang hirap-hirap pala ng mga tanong akala ng lola madali kaya't maliit lang ang aking pagre-review! Hay! Sana makapasa para dito na talaga ako mag-aaral... Biglang...

Chloe: Hoy!!! Ellaynne, are you sure na dito ka din mag-aaral?

Gelaisha at Ria: Oo nga!!!

Aryan: Bakit sa inyo ba 'tong school?

Archelle: Siguro nga!!!

Apple: Naku! Huwag na kayong makikipag-away sa kanila!

Cion: Let's go! Aalis na tayo!!!

Chloe: Hey! Kinakausap pa kita! Huwag ka ngang bastos!!!

Ria: Chloe, ang boses mo, baka marinig tayo!

Gelaisha: Oo nga! Tsaka ayokong madamay!!!

Ellaynne: (Binelatan silang tatlo).

Pinatawag sila dahil ang ingay-ingay ni Chloe. Pinapunta silang tatlo sa Principal's Office.

Dr. Welshins Grace: Magandang umaga!!!

Chloe, Ria at Gelaisha: Magandang umaga!!!

Dr. Welshins Grace: Pinapunta ko kayo dito dahil may nakapagsabing sumisigaw kayong tatlo sa hallway ng paaralan. Hindi ninyo alam na mataas ang tingin sa inyo ng inyong mga kamag-aral.

Hindi na niya natapos ang kanyang sasabihin dahil...

Chloe: Sorry po, Ma'am sa nangyari.

Ria at Gelaisha: Sorry po!!!

Chloe: Hinding-hindi na po mauulit!

Dr. Welshins Grace: Basta aasahan ko 'yan. Sabihin din ninyo sa inyong mga magulang na pumunta dito bukas.

Chloe,Ria at Gelaisha: Ano?!?( Gulat na gulat)

Dr. Welshins Grace: Narinig nyo ba?

Chloe, Ria at Gelaisha: Opo.

Dr. Welshins Grace: Siguro sasabihin nyo 'yan sa magulang nyo dahil aasahan ko sila dito! Pwede na kayong umalis.

Chloe, Ria at Gelaisha: Salamat po!!!

Dr. Welshins Grace: Walang anuman!

Pagkatapos nilang umalis sa Principal's Office ay nagsisihan ang tatlo kung sino nga ba ang may kasalanan...

Ria: Ikaw kasi!

Gelaisha: Bakit ba kasi inaaway mo siya?

Ria; Hindi naman siya mayaman tulad natin, ah!

Chloe: Basta!

Gelaisha: Basta?

Chloe: Basta nakakainis siya!!!

Ria: But she's nobody!!!

Gelaisha: At dahil sa'yo baka paagalitan pa kami!!!

Ria: Oo nga! Tigilan na lang natin sila!!!

Chloe: No way!!! As in no,no way!!!

Habang kami na man ay nag-eenjoy at kumakain sa canteen. Pinag-uusapan ang test na kinuha lang kanina pati na rin ang pangyayari sa hallway...

Cion: Ellaynne, kumain ka nga at kumalma!

Aryan at Archelle: Oo nga!!!

Apple: At kanina ka pa pabalik-balik.

Aryan: Baka matumba ka at mawalan ng poise!!!

Ellaynne: Hay, naku!!!

Cion: O, bakit?

Ellaynne: Ang hirap talaga ng test natin!

Apple: Sinabi mo pa!

Archelle: May test ba na madali?

Cion: Ang recess

Ellaynne: Ay! Oo nga!!!

Archelle: Sige, kakain muna tayo!!!

Cion: Alam ninyo siguro ipapatawag ang mga parents ng mga bruha!!!

Aryan: Nakuha nila ang kanilang premyo sa pang-aasar sa 'tin!!!

Archelle: Sana titigilan na nila tayo!!!

Apple: Laong-lalo kana Ellaynne!!!

Sinabihan na nina Chloe, Ria at Gelaisha ang kani-kanilang mga magulang.

Chloe: Dad, are busy for tomorrow?

Mayor Sancho Tan: What is it, my dear princess?

Chloe: Kasi po pinapupunta po kayo sa school para bukas.

Mayor Sancho Tan: O, sige ika-cancel ko muna ang pupuntahan ko bukas.

Chloe: Hay, Salamat!!!(Bulong sa sarli).

Samantala, si Ria naman ang nagsabi sa kanyang mga magulang...

Ria: Dad, Mom...

Rey: O, Ria, bakit?

Ria: Kasi po ano???

Iya: Kasi ano?

Ria: Pinapupunta po kayo sa school bukas?

Iya: Hindi ba may Interview kayo?

Ria;Opo!!!

Rey: O, sige, pupunta kami ng Mommy mo!!!

Ria: Thanks a lot! Dad, Mom.

Si Gelaisha naman ay talagang takot na malaman ng kanyang Mommy kaya't kinausap na lang niya ang Nanay ni Ellaynne. At doon nalaman ng Nanay ni Ellaynne ang nangyari...

(Tok!tok!Tok!)

Elai: Sandali lang!

Gelaisha: Magandang hapon po!!!

Elai: Magandang hapon din po!!! O, bakit kayo napadalaw?

Gelaisha: Kasi po?

Elai: May ginawa ba si Ellaynne sa inyo?

Gelaisha: Wala po!

Elai: Eh! Ano po ang kailangan ninyo?

Gelaisha: Nakiki-usap po ako na samahan po ninyo ako, bukas?

Elai: Saan???

Gelaisha: Sa school po!

Elai: O, sige.

Gelaisha: Basta huwag na huwag nyo pong sasabihin kay Mommy!

Elai: Eh! Bakit po?

Gelaisha: Kasi po inaway namin si Ellaynne at pinatawag kaming tatlo sa Principal's Office!

Elai: Hay, naku!!!

Cˋ6

LOVE LETTERSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon