Kinakabahan ako dahil malalaman na ang results kung pasok nga ba ako sa Mary Immaculate Academy... Pero sabi ng mga kapatid ko chillax lang daw kasi papangit ako kapag hindi. Ang sabi naman ng cute kong mga pamangkin, tiwala lang sa sarili dahil tiyak pasok na pasok daw ang kanilang tita. Sinabi naman ni Tatay na bibilhan niya ako ng paborito kong pagkain, ang hamburger. Buy 1 take 1 pa nga raw ang bibigay niyang premyo. Samantala, si Nanay ay bibilhan daw ako ng maraming magagandang damit para daw hindi naman ako malait sa susuotin ko...
Rosei: Ellaynne, para na akong nahihilo sa kasusunod sa 'yo!
Ellaynne: Eh! Ate... Kasi...
Jay-R: Maupo ka nga rito, Ms. U!!!
Ellaynne: Alam n'yo po kasi bukas na bukas na po ang pinakahhihintay kong pagkakataon!
Khylere: At ano 'yon, aber!!!
Ricky: Sabihin mo na !
Ellaynne: Bukas na po ang results kung pasok nga ba po ako sa M.I.A.!!!
Iska: Chillax ka lang!!!
Jay-R: Oo nga!!!
Rio: Siguradong yakang-yaka mo 'yon!!!
Ellaynne: Kahit na!
Rosei: Gusto mo bang pumangit?
Edi: Para hindi ka na lang mapansin ni Jurey!!!
Khylere at Ricky: Chillax, sis!!!
Bienne: Dapat tita may tiwala ka sa 'yong sarili!!!
Benj: Oo nga po!!!
Keith: 'Yong tulad po sa sinasabi niyo na "You can do it if you believe in yourself!"
Qerke: Wow Keith, naalala mo pa 'yan!
Keith: Oo, kasi parating sinasabi ni tita sa 'tin!
Joycee: O, tita huwag na kayong kabahan baka pupunta dito si Jurey...
Kate: At puno na kayo ng pimples...
Rosei: Huwag naman sana...
Ellaynne: Heh!!!
Biglang dumating sina Nanay at Tatay...
Elai: O, ang ingay dinig na dinig hanggang kanto.
Ellaynne: Sila po kasi...
Macoy: At bakit?
Ellaynne: Inaasar po nila ako kay...
Bienne, Benj at Joycee: Kay Jurey
Macoy: Eh! Totoo naman, 'nak!
Sinabi ko na sa kanila na bukas na bukas na ang results...
Macoy: Bibilhan kita, 'nak.
Ariah: Nang ano po?
Macoy: Nang paborito niyang pagkain!
Iska: At ano po naman po 'yun?
Macoy: Hamburger!!!
Ellaynne: Buy 1 take 1 pa!!!
Macoy: Oo, para dalawa!!!
Ijah: 'Tay, pwede po ba sa 'kin ang isa?
Macoy: Ijah, alam mo na importante 'yon sa Ate mo?
Ijah:( Iiyak)
Elai: Hay! Naku! Ijah, bibilhan na lang kita ng siomai.
Ijah: Yehey!!!
Elai: 'Nak, bibilhan kita ng mga mura pero magagandang damit!!!

BINABASA MO ANG
LOVE LETTERS
RomancePosible bang magkatuluyan ang isang lalaki sa isang babae na siya ang crush nito? Tunghayan ang kwento nina Ellaynne at ng kanyang crush...