Chapter 3.5- Someone's POV?!?!

104 9 2
                                    

Well, I said it once, and twice, then I'll say it again :D

Votes and comments are highly appreciated!

 

And Click like, comment share! XD

-- 0 -- 0 -- 0 --

Pumasok ako sa mansion. 10 pm na noong nakarating ako sa bahay namin.

I never expected na ito ang magiging epekto sa ginawa ko. Na magkakaganun si Lexi. She's too sweet para ganun ang magiging attitude niya . If I knew that she's gonna be a bitch after the wrong choice I made, malamang, hindi ko na sana ginawa yun. I treated her as one of my bestfriends after all.

Pumunta ako sa kusina. Di ko na inabalang buksan ang ilaw. Kumuha ako ng isang malinis na baso at binuksan ang ref at kinuha ko ang tubig. Nilagyan ko ng tubig ang baso at uminom ako. Di pa ako nakuntento at uminom pa ako ng isang basong tubig. Ewan ko parang nauuhaw ako dahil sa mga nangyari. Pagkatapus nun ay napabuntong hininga ako.

"Masaya ka na ba at natupad na din ang gusto mo?"

Tinignan ko kung sino ang nagsalita. It was dark pero nakita ko ang isang pamilyar na tao sa may pintuan ng kusina. Nakasandal ito sa may pintuan habang ang mga braso niya ay nakaekis.

"Ang alin? Ang pagbabago ni Lexi? Ang pagiging bitch niya? Ang biglang desisyon niya tungkol sa nalaman niya? Hell no! Hindi naman 'yun ang gusto ko ah!"

"Not that."

"Then what is it? Ano ba ang ibig mong sabihin?"

"Breaking her heart. Ang pagkawalan niya ng pag-asa sa pag-ibig. Yan lang naman ang gusto mong matupad, di ba?"

Napatahimik ako. Di ako umimik. Yumuko na lang ako. Yun nga lang naman ang gusto ko, di pa naging tama. Naging bitch pa siya dahil sa ginawa ko.

"Alam mo namang mali ang ginawa mo, di ba?" Tumango ako.

"Isa lang naman ang solusyon nyan eh."

"Ano?" Tanong ko.

"Sabihin mo sa kanya ang totoo! Sabihin mong kasalanan mo ang lahat na 'to. Sabihin mong hindi mo sinasadya ang ginawa mo sa kanya-- Well, sinadya mo nga at damay pa ako pero di naman yun ang inexpect mo eh.Sabihin mo kung gaano mo siya kamahal at nagsisisi ka sa ginawa mo para hindi na matutuloy ang plano ni Lexi."

Umiling-iling ako noong narinig ko ang pinagsasabi niya sabay ngisi. "Are you nuts?! Naririnig mo ba ang pinagsasabi mo, ha?" Tanong ko sabay turo sa kanya. "Kung malalaman niya ang totoo ay magagalit na 'yun sa'kin! Hinding-hindi talaga niya ako mapapatawad sa ginawa ko. She won't love me the way she used to." Medyo nalungkot ako noong sinabi ko sa kanya ang huling pangungusap. It is true. Hinding-hindi na ako mamahalin ni Lexi gaya ng dati pag nalaman niya ito.

Nanghilamos ako. Tapos ay kumuha ako ng malinis na towel at isinubsob ko ito sa mabasa kong mukha. Habang ipinahid ko ang towel sa aking mukha ay may sinabi ako sa kanya. "Kaya gagawin ko ang lahat para maging masaya ulit si Lexi. One way or another."

Tapos ay nilinis ko ang kamay ko gamit ang puting towel at itinapon ito sa may labada. Lumapit ako sa kanya hanggang nakatayo na ako sa harapan niya. Pareho kaming nakasandal sa may pader. "And you are not gonna ruin or interrupt that plan." Pagkatapos kong sabihin ito sa kanya ay naglakad na ako papunta sa hagdan. Noong nasa hagdan na ako ay narinig ko siyang sumigaw.

"Kapag hindi mo sasabihin sa kanya ang totoo, ako mismo ang sasabi!" Banta niya.

I looked at him through my shoulder. "You're not gonna do that."

He shrugged. "Really? How sure are you?" He smirked.

"Dahil una ay may utang ka pa sa akin at alam nating isa lang ang paraan para makapagbayad ka sa utang na yun. at pangalawa: sino ba sa tingin mo ang paniniwalaan niya? Ikaw o ako?" Hindi na siya kumibo. I sighed. "Well, tonight's been a tough night, right? How about we get some good sleep now, shall we?" Di pa rin siya sumagot.

Umakyat na ako sa itaas but before that ay lumingon pa ulit ako sa kanya at binati siya. "Get some good sleep, brother."

He scowled. "Have a goodnight too, stepbro." Sagot niya na parang galit.

I smirked. Pagkatapos nun ay pumunta na ako sa kwarto ko at binuksan ang puting pintuan nito at isinara. Nag-ayos na ako sa aking sarili bago matulog.

I will do the best that I can para maging masaya ulit si Lexi. Kahit magiging bitch pa siya, I'll make sure she'll have new inspiration and most of all, new friends. Mga kaibigang hinding-hindi siya sasaktan.... Di tulad ko...

Good night, Lexi. I promise, I will do the best that I can to make you happy again.

Pagkatapos kong isipin yun ay dinalaw na ako ng antok at bago ko napansin, nakatulog na ako ng mahimbing.

=> End of Chapter 3.5<=

OMG!!!! Kanino kaya ang POV na toh?! And yeah, the two of them are stepbrothers! ano kaya ang ibig sabihin nito?!?!  XD Well, kayo na ang bahalang manghula... hahaha.... So for the next chapters ay makikilala na rin ninyo ang mga ibang characters sa story na 'to! Sana ay nagustuhan ninyo ang chapter na to kahit short lang ay sana napasaya ko kayo.. Echos... XD hahaha... Thank you at binasa at sinubaybayan ninyo ang MSR! Kayo ang inspiration ko! hahahaa (feel na feel ang moment) XD

Lovelots,

Lyn <3

My Sweet RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon