Chapter 6- First Day High
Unang araw ng pasukan sa Bradford’s Academy… Ito ang pinakahinihintay ng mga karamihan ng mga estudyante. Ito ay dahil magkikita na sila ulit after a long time ng kanilang mga kaibigan, may baon na naman, at higit sa lahat, makikita na nila ulit sa kanilang campus ang mga crush nila after not seeing them for the whole summer.
And now running on my Junior year, I should be excited, too on my new school and in meeting new friends. But I’m not. Dahil para sa’ken, ito ang araw na pinagdasal ko sana’y hindi na dumating pa. Because this day is the day that I’ll see him again after the day he broke my heart. Imagining that I’ll be able to see him after a very long time makes me want to throw up. Kung pwede sanang hindi pumasok ng school, eh ginawa ko na sana. Pero hindi pwede, eh. Kailangan kong pumasok. Dapat akong pumasok. Bakit? Well, ito lang naman ang araw na sisimulan ko ang paghihigante ko sa Alex. And I swear he’ll regret ever messing with Lexina De Guzman’s sensitive heart.
Bumalik ako sa realidad noong tumunog yung cellphone ko. Tinignan ko ito. May isang message.
From: Troy
6:15 am
Good morning, sweetie. Handa ka na ba?
I smiled. Ang bestfriend ko talaga. Si Troy ang bestfriend ko na kasama ko the whole summer para pagplanohan ang aking paghihigante kay Alex.
To: Troy
6:16 am
More than ready! Excited na nga ako sa plano, eh. Haha. XD
Sent.
What a lie. Kinakabahan ka nga dahil alam mo na kapag makikita mo siya ay matatameme ka!
Manahimik ka nga damdamin! Pwede bang wag mo nang guluhin ang isip ko? Handa na ako. Kaya huwag ka nang sumingit pa jan. May plano na kami at may back-up plan pa kaya sigurado akong magtatagumpay kami at hindi ako papalpak. And that is final.
Tumunog ulit ang phone.
From: Troy
6:19 am
That’s good to hear. And by the way, being your bestfriend, alam kong hindi ka latecomer. Andyan ka na sa loob ng sasakyan mo, humihiga lang. Papunta na ako sa school. Remember, 7:30 ang flag ceremony. If I were you, you better make kuya Jeje start driving NOW.
Napasmile ulit ako. Tama siya. Andito na ako sa sasakyan ko. Ano ginagawa ko? Facebook surfing. And I mean by watching the post and status of my friends, not stalking JAM’s (Jay Alexander Monteclaro) account. Blinock ko na siya sa Facebook. Anyways, I am a morning person at wala sa motto ko ang maging late sa school. Para saan ba’t nagging top 3 ako sa school namin?
Ginising ko na ang parating natutulog kong driver at pinastart na ang pagd-drive. After a few seconds ay wala na kami sa bahay.
~0~0~0~
After 15 min. ay abot na kami sa bago kong school.
Bradford’s Academy, here I am. Jay Alexander Monteclaro, humanda ka na. Isip ko.
As expected, Andun si Troy sa maingate. The unexpected? Kasama niya ang mga naging kaibigan ko noong summer. Andun si Andrew, ang baklaret kong bessie. Katabi niya si JJ, ang malaboyish kong kaibigan at sumunod naman si Chelsea, well, let’s just not describe her coz you might not like what you hear. And besides, you’ll just know it sooner or later. But I really can’t help to get mad at her kasi yakap siya ng yakap ng mahigpit sa katawan ni Troy na kulang na lang ay ialay niya ang katawan niya sa bestfriend ko. Bakit ba gustong-gusto niya si Troy?

BINABASA MO ANG
My Sweet Revenge
Teen FictionTake it, or leave it. Either way, YOU will fall in love with me. And not for long, you will be mine. -My Sweet Revenge