Part 5: Heart to Heart talk with Ate ❤
writerJHiO (10/29/13)
*kasalukuyang nag sa-soundtrip si calum sa kanyang kwarto nang..*
*knock2x*
Trish: Cal ? can I come in ?
Calum: oo ate..
Trish: uhm bunso.. ilang taon ko ng napapansin. Ni wala ka man bespren na pinakilala samin ah. Ano bang problema? Alam ko mahiyain ka, at hindi komportable sa circle of friends. Lalo na nung mamatay si mommy. Alam mo bunso, you should reach out sa ibang tao, kasi hindi sa lahat ng panahon kaya mong gawing mag-isa.
Calum: ahm ate, susubukan ko. Alam mo namang ‘musika’ lang ang tanging kasama ko simula nung namatay si mommy. Musika ang nagpagaling sa puso at tumulong na magbura ng mapapait na alaala. Musika lang ang pinagkakatiwalaan ko dahil alam ko hindi nito ako iiwan tulad ni mommy. Ang musika nanjan lang. Natatakot ako ate, natatakot akong maiwan muli. Ate may ipagtatapat ako sayo..
Trish: ano un bunso ?
Calum: Ate, may gusto akong ligawan. Actually sinimulan ko na nuong mga nakaraang araw. Ngunit natatakot ako, baka iwan niya rin ako tulad ni mommy. Ate naguguluhan ako kung dapat ko pa bang ituloy o itigil na. Ate ayokong makasakit at ayokong masaktan. Ate si Ariana, sya ang tipo kong babae. Ate tulungan mo naman ako.
Trish: Nako bunso ah. May nililigawan ka na pala. Alam mo bunso, parte ng buhay ang masaktan at ang maiwan. Kasi kung hindi nating mararanasan iyon, para na ring walang saysay ang buhay natin sa mundo. Walang thrill, walang sakit. Puro sarap lang bunso. Parang musika din yan bunso. Hindi maganda pakinggan kung kulang ang mga lyrics ng kanta. Dapat sa lyrics ng kanta, anjan ang pighati, nanjan ang kasiyahan. Parang sa totoong buhay din bunso. Kaya huwag kang matakot, bagkus ay harapin mong matapang ang mga hamon ng buhay.
Calum: ate, salamat hah. Ngayon ko lang narealize na ang buhay ay walang saysay kapag walang paghihirap.
Trish: Kaya ipagpatuloy mo lang iyang panliligaw mo kay Ariana. Kung masaktan ka naman dahil sa kanya. Anjan naman ang musika para tulungan ka muli. Pero huwag kakalimutan na andito kaming pamilya mo na aagapay sayo.
-END OF PART 5-