Part 14: The show must go on ❤

96 5 2
                                    

Part 14: The show must go on ❤

writerJHiO (11/5/13)

Dumating na ang pinakahihintay na araw ng Caxette at lahat ng estudyante sa buong school.

--

Mga alas quatro ng gabi nang makarating ang Caxette at ang iba pang magpeperform. Nagtulung-tulungan sila upang ayusin ang stage para sa programa. 

--

Alas sais na ng natapos sila. At sakto namang nagsisidatingan na ang mga estudyante. Ang mga volunteers naman ay nandoon sa may harap ng gym upang asikasuhin at icheck ang mga ticket ng mga estudyante.

Calum: Guys, pwede ba muna taying magdasal?

Trevor: oo nga, sige, you lead calum.

Calum: Sa ngalan nang Ama, ng Anak at nang Espirito Santo Amen. Makapangyarihan Ama, Maraming Salamat po sa oportunidad na ibinagay mo sa aming grupo upang ipakita ang mga ibinigay mong talento sa amin. Sana'y kami'y iyong gabayan upang magawa namin ng tama at maganda ang aming parte sa programa. Ipagpatuloy mo pong gabayan kaming lahat. At gabayan mo rin nawa ang mga manonood ngayong gabi, na sana ay walabg masamang mangyari sa kanila. Lahat ng ito'y aming hinihiling sa ngalan ni Jesus.

CAXETTE: AMEN!

*Napatingin ang MP5 sa kanila*

--

Eksena sa MP5

Rukawa: ano ba yun? Nagdadasal pa? Tss ang cheap huh.

Ashton: Oo nga, kala mo kung sinong mga relihiyoso!

Kaito: Wish ko lang ma sabotahe sila.

Kim: haha, ano ba kayo? Ansasama niyo ah? Haha sana nga. 

Rukawa: Tara na! Naghihintay na sila sa atin!

Ashton: oo nga excited na ako eh!

--

Maya-maya'y nagsimula na ang programa.

Host: Magandang Gabi sa inyong lahat. Nandito tayo ngayon gabi upang sariwain ang mga alaala ng mga yumao natin, sa pamamagitan ng mga kantang ibabahagi sa inyo ng ating 2 banda dito sa eskwelahan ang MP5 at CAXETTE!

All: (claps)

Host: At ngayon nga! Simulan na natin ang programa kasama ang MP5!

All: Claps

--

Nagperform na ang MP5 ngunit sa kalagitnaan ng pagpeperform sila ay pumiyok si Ashton ang kanilang vocalist at naapektuhan ang mga tumutugtog dahil nagulat sila at hindi na naka concentrate bunga nito ay hindi na magkakapareho ang timing kaya inulit ito.

--

Host: Maraming salamat MP5!

At ngayon, ito na siguro ang pinakahihintay niyong lahat ang mga loverboys na lumigaw sa inyo para lamang bumili kayo ng ticket sa kanila. Ang CAXETTE!!

ALL: Woooh! GO GO GO CAXETTE (10x)

--

Backstage habang papalabas na sa stage ang CAXETTE.

Ashton: Bwisit! Minalas tuloy. Mukang talagang malakas ang kapit nila kay Bro ah. Magdasal din kaya tayo.

Rukawa: Tss, shunga ka lang!

Ashton: Ano? Ulitin mo nga sinabi mo?!

Kaito: oh oh oh! Ano ba? Mag-aaway nanaman ba kayo? Hays!

Music is My LIFE ❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon