Part 13: Teamwork ❤
writerJHiO (11/3/13)
*Kinabukasan*
*Sa bahay nila calum*
Trish: Oh ano yan bunso ? bakit dala mo yang gitara ? atsaka bakit may karatola pa ? para san ba yan ?
Calum: Ate, para to sa performance namin mamaya.
Trish: Mamaya ? Para saan ?
Calum: Para makabenta kami ng maraming ticket.
Trish: Para saan ?
Calum: Para sa halloween program ng school
Trish: Ahh.. nako ah bunso, may napapansin yata akong kakaiba, sinapian ka ba ?.
Calum: haha ate naman eh, hindi.
Trish: balita ko nagdala ka na daw sa wakas ng mga kaibigan dito sa bahay.
Calum: oo ate, mga ka bandmates ko sila.
Trish: Aba-aba ha ? bandmates mo pa pala.
Calum: yup, ang galing nga ate eh, nag effort pa sila para mapasali nila ako sa group, pero hindi naman kailngan kasi gusto ko ring sa mga ganito.
Trish: Nako-nako, sige lang, ipagpatuloy mo yan bunso, basta tandaan, wag papa impluwensya sa barkada, kung alam mong mali, wag nang gawin at kung alam mong makakasama, huwag ng subukan, ok ?
Calum: opo
Trish: O cge o sha-sha, mauna na ako sayo at baka malate pa ako. Bye bunso ingat.
Calum: Bye, ingat.
--
Calum: Manong Yong, tara na po!
--
*Paglabas ni Calum ay napunta agad ang tingin ng mga kapwa niya estudyante sa kanya at sinundan ito na para bang inaakay nito sila.Marahil ay sa sulat sa karatola sila naakay na nagsasabing “Buy tickets to us”*
*papasok si calum ng masalubong niya ang mga ka banda niya*
Trevor: Oh calum ano yan ?
Calum: Ganito, Trev, ikaw mag gigitara, Tyler ikaw maghahawak nitong karatola sa harap ka at trev sa likod ka ni tyler. Kaming dalawa ni Axel ang sasayaw at kakanta. Habang kami ay sumasayaw at kumakanta, lilibutin nating ang skul.
Axel: Nahihibang kaba calum ?
Calum: Hindi, guys isipin niyo na lang para sa banda natin ito, para sa mga batang tutulungan natin.
Trevor: Game ako ano ?
Axel: O sige na nga!.
*At ayun nga! Ang Caxette ay umarangkada na sa boung campus*
*May mga natuwa at sinamahan pang maglibot habang sila’y tumutugtog. May mga nainis, may mga nainsecure, may nainggit may mga natuwa at may mga nainlove. Habang si trevor naman ay kinukulit itong si tyler.
Tyler: mamaya ha ? bili kayo ng ticket samin sa canteen. (Pag-aya nito sa mga estudyanteng nasaalubog niya)
Trevor; uy, anong oras na ?
Tyler: May 15 minutes pa! ano ba, enjoy na lang muna tayo, ang saya pala nito.
--
Maya-maya ay natapos din sila at mga pagod~
(The bell rings)
Calum: Naku! Tara takbooooo!
^Matapos ang flag ceremony ay pumunta na sila sa classroom at .. ^
(First period teacher arrives)
ALL(except CAXETTE) : GOOOOOOOOOOOODMOOOOOOOOORNING MAAAAAAAA’M!
Teacher: Goodmorning, take your seat.
(Tumayo ang teacher nila at pinagkakalbit ang mga ulo nila upang gisingin ang apat)
Teacher: Ano ? Napuyat ba kayo ? bakit umagang umaga mga nakatulog kayo ?
CAXETTE: Sorry po ma’am.
Teacher: Ok, let’s start the lesson. For today we are going to discuss … ..
--
*Simula ng araw na iyon, laging gumaganda ang araw ng bawat estudyante sa pagdaan ng CAXETTE sa classroom nila. Tuwing recess at lunch naman ay ay napupuno ng mga estudyante ang canteen upang bumili ng ticket sa kanila. Sa Tulong ng Caxette at ni Ariana na walang sawang nagbebenta ng ticket para sa mga bata sa orphanage. Ganun din ang MP5 na ang gimik naman ay magsuot ng Cosplay costume tuewing break at nagoofer ng Papicture kapalit ay isang ticket*
--
(Kinagabihan bago ang nalalapit na programa ay nagpadala ng mga Gm’s ang Caxette para sa lahat ng bumili ng ticket sa kanila, nagpasalamat ang mga ito sa suporta nila sa knila at sa ibinigay na tulong para sa orphanage.Mahigit 2 libo ang nabentahan ng caxette ng ticket sa loob ng 5 araw, at bukas malalaman ang resulta kung sino nga ba ang mabibiyayaan ng tropheo)
*Dahil sa teamwork, pagtitiyaga ng Caxette ay malaki ang maitutulong nila para sa orphanage. Katunayan na ang caxette ay hindi susuko sa hamon ng buhay*
-END OF PART 13-