Mornings would be better if I woke up next to you.
---
A day or Forever
Hindi ko maexplain ang kaligayahan ko. Ang feeling na mainlove. For 21 years of my existence ngayon lang ako nainlove. First Love, First Kiss ko si Marcus.
Nakatulog ako habang iniisip at inaalala ang mga nanyari sa amin sa loob pa lang ng isang buwan.
Nung tanghali na ay nagising nalang ako na nakita ko ang mukha ni marcus. Tinanong ko siya kung bakit siya nasa bahay ang tanging sagot niya lang ay basta. Naligo at nagbihis ako habang inaantay niya naman ako sa baba. Nang natapos na ako ay lumabas na ako ng kwarto.
"Ellisse alis na kami okay ka lang ba dito?".tanong ko sa pinsan ko.
"Oo okay lang ako. Sanay naman na akong iniiwan".kunyaring pagdradrama naman nito.
"Sus! Hugot te? Sa tanghaling tapat? Kaloka to".natatawa kong sabi sa kanya.
"Di pwede? Baka lang makaramdam kayo! Ganyan naman lagi ako lang ang nakakaramdam".paghuhugot ulit nito.
"Baliw! Sige na".tawa ko sa kanya sabay babye.
"Hoy! Marcus alagaan mo pinsan ko! Huwag kang gumawa ng milagro! Baka mapatay ako ng nanay ko at nanay niya! Madodouble dead ang beauty ko".sambit nito kay marcus.
Ramdam ko ang pag-iinit ng pisngi. Anu ba tong iniisip ng pinsan ko. Milagro?. Masyadong mahalay. Ayoko nun hindi pa kami kasal.
"She will be safe don't worry".sagot naman ni marcus sa kanya.
I feel protected connected. Natatawa ako sa iniisip kong kanta. Kanta ni barbie sa diamond castle.
Lumabas na kami ni Marcus pero hindi ko maiwasang macurious kung saan niya ako dadalhin.
"Babe saan tayo pupunta?".tanong ko sa kanya.
Pero imbes na sumagot at pinagsalikop niya ang mga kamay namin at kumindat lang siya sa akin.
Medyo mahaba haba na rin ang nilalakad namin ng dumating kami sa isang park at natawa lang ako nung narealize ko na dito lang pala kami pupunta.
"Dito lang pala tayo babe".sabi ko sa kanya.
"Turn around".utos naman niya sa akin.
"H-huh?".nagtataka kong tanong sa kanya.
"Basta talikod ka".utos niya ulit.
Tumalikod naman ako. Mamaya ay bigla nalang dumilim ang lahat. Piniringan niya ako.
"Para saan yung piring?".tanong ko.
"Basta".sagot niya naman sa akin.
"Baka madapa ako".natatakot kong sabi sa kanya.
"Babe don't you trust me?".bulong niya sa tenga ko.
Napakislot ako sa ginawa niya. I can feel his breath sa tenga ko. Mainit at nakakakiliti.
"I-i do".sagot ko naman sa kanya.
"Good".sagot niya naman sa akin.
Inalalayan niya akong maglakad. May mga nadaanan kaming hagdan. Hagdan? Mags-slide kami? Pero bakit parang ang haba?. Mamaya pa ay tumigil kami. Naramdaman kong nawala ang presenya niya sa likod ko.
"Babe!".tawag ko sa kanya.
Hindi pa rin siya sumagot.
"B-babe!!".sigaw ko ulit sa nanginginig na boses.
BINABASA MO ANG
Lovers Of SADNESS [ #Wattys2016 ]
Teen FictionWhat if you think you're meant for each other but you're other half thinks you're not? What if yesterday the two of you were just like there is no tomorrow? And today everything is change. Is it real that after the SADNESS there will be HAPPINESS. o...