I love you. Don't ever think that I don't, and don't ever forget that I do.
---
Happy or Happier or Happiest
MARCUS's POV
Noong nag-usap kami ni Therese at sinabi ko sa kanya na gusto ko siyang makasama 24 hours siguro ay pinalampas ko muna ang gig namin para mapagdesisyonan ko na ang dapat kong gawin.
Kaya nandito ako ngayon sa harapan ng isang instruments store para ibenta si rockie.
"Rockie! Sorry kailangan ko lang talagang gawin to".iyak ko pa habang kinakausap yung gitara ko.
Si Rockie ang kasama ko sa kada gig ng buhay ko pero alam kong worth it to sacrifice naman to dahil makakasama ko yung taong mahal ko.
Habang hinimas ko ang lalagyan ng gitara ko ay may mga tao na lumabas sa store at nasagi ako at naging dahilan na mabitawan ko si rockie.
"Hoy! Tingan niyo nga yung dinadaanan niyo!".pasigaw ko pang sabi sa kanila.
Pero unfortunately they didn't hear me. Dirediresto lang sila sa paglalakad nila.
Kinuha ko agad si rockie at nilabas sa kanyang lalagyan.
"Rockie okay lang?".tanong ko sa gitara na akala mo naman na sasagot ito na okay lang ako o kung anu pa man.
Pagkatapos ng kadramahan namin ni rockie ay dinala ko siya sa loob ng store at binenta na sa may ari.
"Sa ngalan ng pag - ibig".bulong ko pa sa sarili ko.
Noong lumabas ako ay nakaramdam ako ng lungkot dahil sa wala na si rockie pero nagangako naman ako na babalikan ko siya at yun din ang sinabi ko sa sa may ari ng instrument shop.
Malaki rin ang perang natanggap ko para sa pagbenta sa gitara ko sapat na para sa pambayad ng boarding house namin ni Therese.
Pinuntahan ko agad ang boarding house na plano kong rentahan para sa aming dalawa. Doon ko nakilala si Ms. Claire. Maganda naman ang bahay at marami ang nagre-rent. Tinanong niya pa sa akin kung asawa ko ba ang ibabahay ko pero ang sinabi ko ay ang girlfriend ko. Nagtaka pa siya kung bakit dalawang kwarto ang kinuha ko at hindi isa lang. Ipinaliwanag ko naman sa kanya na against kami ni Therese sa tinatawag na pagsasama ng hindi kasal inshort live-in.
Pagkatapos ko siyang makausap at nagkaayusan na kami ay pinuntahan ko agad si Therese. Nagdoorbell ako sa bahay nila Ellisse kung saan nakatira si ang aking minanamahal. Hindi naman nagtagal ay pinagbuksan ako ni Ellisse ng gate.
"Yes how may help you?".bungad nito sa akin.
"Si Therese?".tanong ko agad sa kanya.
"Hirap talaga mag assume akala ko ako na. Kailan ba mangyayaring ako naman ang hahanapin mo".pagdradrama nito sa akin.
Naaliw ako sa kanya pero hindi ko ipinakita o ipinaramdam ito. Magpinsan talaga sila.
"Andyan ba siya?".kunyaring pagbabalewala ko sa sinabi niya.
"Ouch! Nakakasakit ka na Marcus kailan mo ba maaapreciate ang feelings ko sayo".sabi pa nito sabay tapat ng kamay sa puso niya na parang nasasaktan.
Tiningnan ko lang siya. well Ellisse is pretty pero feeling ko mas bagay sila ni Rex.
"Okay no comment! deny ang beauty ko. Andun sa kwarto at nagfefeeling na si sleeping beauty".sabi niya sabay bukas ng gate at pinapasok ako.
Pumasok ako at pinuntahan si Therese sa kwarto niya

BINABASA MO ANG
Lovers Of SADNESS [ #Wattys2016 ]
Teen FictionWhat if you think you're meant for each other but you're other half thinks you're not? What if yesterday the two of you were just like there is no tomorrow? And today everything is change. Is it real that after the SADNESS there will be HAPPINESS. o...