Nineteen -

43 3 2
                                    

Okay na yung makita mo siyang may kasamang iba pero ibang usapan na yung katabi mo na at nakausap mo pa.

Ang pinakamasakit sa lahat ay magsinungaling sa isang tao na HINDI MO NA SIYA MAHAL pero ang totoo ay pakiramdam mo ay mamatay kana sa bawat minuto na hindi ko siya kasama.

---

Gabi na ng nakarating ako sa appartment. Nakita kong nakahilata sila Rex at Jake sa sahig. May mga bote din ng inumin at lamesa.

"Nag-inuman sila?."tanong ko pa sa sarili.

"Dalawa lang sila?."dugtong ko pa.

Dahan-dahan akong naglakad dahil na rin para hindi maistorbo ang dalawa.

Iniisip ko kung kasama ba siya sa inuman o hindi nanaman siya umuwi.

Pumasok ako sa kwarto ko at nagbihis ng damit.

Iniisip ko pa rin kung sino ang babaeng sumagot sa phone niya.

Napagdrsisyonan kong lumabas ng lawaryo at silipin si Marcus sa kwarto niya.

Dahan-dahan ko itong binuksan at sinilip pero nadisappoint lang ako sa nakita ko.

Walang tao sa kwarto. Malinis at parang hindi nagalaw ang gamit.

"Saan ka ba nagpunta? Sino ang babaenh sumagot sa phone mo? May girlfriend ka na ba ulit?."mga tanong ko sa sarili ko na alam ko namang si Marcus lang ang makakasagot.

Lumabas din ako para tingnan ang motor niya pero wala din doon.

Laglag ang braso akong pumasok ulit sa kwarto ko.

Someday you'll gonna realize,
One day you'll see it through my eyes,

Hindi ko mapigilan ang kumanta. At hindi rin napigilan ng mga mata ko ang makawala sa aking mga mata.

Tuloy tuloy lang ang pagkanta ko.
Yakap yakap ko ang mga tuhod ko.

"Wala namang tao ngayon. Siguro naman kahit ngayon lang ay pwede kong ilabas ang nararamdaman ko."sabi ko sa sarili habang nag-uunahan ang mga luha ko sa pag-patak.

"Hindi ko naman ginusto eh kailangan ko lang talagang gawin."sabi ko sa sarili ko.

Hindi nagtagal ay hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.

"Hiwalayan mo siya! Ikaw lang ang nakaksira sa mga pangarap niya!."

"Hiwalayan mo siya!."

"KUNG MAHAL MO SIYA HIHIWALAYAN MO SIYA!!."

Nagising ako sa hindi magandang panaginip.

Halos hindi ako makahinga. Hanggang ngayon ba naman.

Hawak hawak ko ang aking dibdib pakiramdam ko hindi ako makahinga.

Ang mukha ng babaeng 'yon ang napanaginipan ko. Ginawa ko naman ang gusto niya ano pa ba ang kailangan niya sa akin.

Tama kayo ng iniisip hindi ako nakipaghiwalay kay Marcus dahil lang sa rason na hindi ko na siya mahal dahil sa isang matinding rason.

Lovers Of SADNESS [ #Wattys2016 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon