---
This chapter is dedicated to my boys Rhod (@rhodko) & Nikki (@iamnikkii) ♥
---
"She might not make it."
Halos gumuho ang mundo ni Vice ng marinig ang huling sinabi ng Doctor. He punched the wall beside him at umalis muna para pakalmahin ang sarili.
Bago pa makatungo si Vice sa pupuntahan nya ay tumigil sya ng may makitang bagong ina-admit sa ER. Isang batang namukaan nya agad agad kahit duguan ang buong katawan nito.
"No..."
---
"Teka lang ho! Teka!" sinabi ni Vice at pinigil yung mga lalaki na nagtutulak sa trolley bed."Sir, excuse me lang po!" sabi ng isang lalaki at tinulak papalayo si Vice.
Lumaban naman si Vice hanggang sa malapitan nya na yung bata sa may trolley bed.
"No, no, no, no, no!" sabi ni Vice ng makita ang sarili nyang anak na si Parker na walang malay at duguan na nakahiga sa kama.
"Sir, pasensya na po pero kailangan nyong tumabi!" sabi ng isa pang lalaki at tuluyan na ngang umalis ang mga ito patakbo sa ER.
Kasunod naman ng mga lalaki ay yung yaya na pinag iwanan ni Vice kay Parker.
"Ser, sorry po ser." sabi ng yaya kay Vice habang umiiyak at ito at umiiling na sising-sisi sa nangyari.
"Anong nangyari?!" sabi ni Vice na hindi makatingin ng diretso sa yaya at sa ER parin kung saan dinala si Parker nakatingin.
"Gustong gusto nya kasing malaman kung ano nangyari kay Ma'am K, kinulong nya po ako sa kwarto at tumakas sya." sabi nung yaya na umiiyak parin.
Napapikit naman si Vice ng ma-realize na kasalanan din nya ito, "Ano pang nangyari?!"
"Tapos nung nakalabas na ako ser, hinahanap ko po sya sa village, tapos nung makita ko sya ser, wala na po... HIndi ko na po alam kung ano nangyari, hindi ko na po nakita kung ano man yung nakabunggo eh... Tapos si Ser Parker po, duguan na sa kalsada." kwento ng yaya at umiiling pa rin sabay sa pag iyak.
"Nasagasaan ang anak ko?" sabi ni Vice at napasandal na naman sa dingding at humawak sa may dibdib nya.
"What's happening here?" tanong ni Anne na kasama si Vhong na may dalang coffee, "Vice?"
"Ate Milena, anong ginagawa nyo rito? Kasama mo ba si Parker?" tanong ni Vhong at pilit inaabot ang cup of coffee kay Vice, "Brad, inom ka muna o, pampakalma."
Tiningnan ni Vice si Vhong na parang wala na ito sa sarili.
"Vice? What's with all the blood?" tanong naman ni Anne ng makita ang kaninang clean shirt ni Vice na may stains na of blood, pati din mga kamay nito.
"P*tanginang buhay toh!" sabi ni Vice at pinag susuntok na naman ang dingding. Inabot bigla nina Anne at Vhong yung kape dun sa yaya at pinigilan si Vice.
"Vice! Walang magagawa yang galit mo!" sabi ni Vhong at tintigan mata sa mata si Vice.
"Si Parker.... Yung anak ko Vhong....." yumuko si Vice at umiling sabay pagtulo na naman ng luha sa mga mata nito.
Nakita ni Anne na tumuro sandali si Vice sa may ER kaya naman na-gets nito agad ang ibig sabihin ng kaibigan.
"Oh no...." sabi ni Anne ng mahina kaya napatakip ng bibig at naluha na rin.
BINABASA MO ANG
Castle Walls | Vicerylle
RomantikEveryone thinks that he has it all, but all he really wants is her forgiveness...