GINISING si Marione nang sunod-sunod na kumatok ang kung sino sa pinto niya. Pupungas-pungas pa siyang bumangon. Hilong-hilo pa siya. Nang mabuksan niya ang pinto ay ang nakangiting mukha ni Jeremy ang nabungaran niya.
“Jeremy.”
“Did I wake you up?” tanong nito.
“No.” kasi hindi pa naman ako nakakatulog. “May kailangan ka ba?”
“Yes. Fix yourself. We’re going somewhere.”
Hindi na siya nagtanong pa. Saglit siyang naligo at nagbihis. Lalo lang sumakit ang ulo niya nang maligo siya. Magdamag kasi siyang gumawa ng nobela at patulog pa lang sana siya. Deadline na niya kasi ngayon kaya kinailangan niyang tapusin ang nobelang ginagawa niya. Medyo nanlalabo na ang mga mata niya. Kinuha niya ang dark rimmed eye glasses niya at isinuot ito.
Nang matapos na siyang mag-ayos ay dali-dali siyang hinila ni Jeremy papunta sa garahe. Nadaanan pa nila si Ike sa may sala. Nginitian niya lang ito dahil nahihilo na talaga siya.
Limang nobela na ang nagagawa niya mula nang dumating siya sa mansion nila Jeremy. Napangisi siya. Malaki-laking pera na rin ang naiipon niya. Sobra pa sa pang-renta ng bahay ang naipon niya. May pang-handa na rin siya sa birthday ng kapatid niya. Pampalubag-loob niya na ang kinita niya sa ilang linggong pagpupuyat niya. Awa ng Diyos, hindi pa naman siya nauubusan ng maisusulat. It was all thanks to Ike.
Ito kasi ang naging insperasyon niya sa pagsusulat. Salamat din sa estrangherong emosyong hatid ni Ike sa kanya, dahil doon, mas lalo pang gumaganda ang mga sinusulat niya.Sumakay sila ni Jeremy sa owner. Come to think of it, hindi niya pa nga pala alam kung saan sila pupunta. Nilingon niya si Jeremy.
“Saan tayo pupunta?”
“Sa cake shop.” Sagot nito. Naghahanda na ito para umalis.
“Bakit? Sinong may birthday?”
“Si kuya Ike.” He smiled and turned to her. Napakunot-noo ito nang mapagmasdan siya. “Are you ok? You don’t look good.”
“Sorry.” Naghikab siya. “Hindi pa kasi ako nakakatulog kaya medyo inaantok ako.”
“I see. You can sleep while we are on our way.”
“Thanks.”
Pinatakbo na ni Jeremy ang owner. Ipinikit niya ang mata niya. Kahit medyo bako-bako ang daan ay nagawa niya pa ring matulog. Dala siguro ng matinding antok kaya hindi na niya alintana kung nasaan ba siya. Basta ang kailangan niya lang ay matulog. Maya-maya nagising din siya dahil sa panunuyo ng lalamunan niya. Binilihan siya ni Jeremy ng tubig at pagkain sa nadaanan nilang gasoline station.
Sinimulan niya ng lantakan ang binigay nito.
“I’m sorry if I dragged you with me.” Narinig niyang sabi ni Jeremy. “I just thought that the cake will be more special if you are the one who’s gonna choose it. Siguradong magugustuhan ni kuya 'yun.”
“How old is he?”
“Twenty six.” Sagot nito. “We’re here.”
Ipinarada nito ang sasakyan sa gilid ng kalsada. Parang wala siyang lakas na bumaba pero pinilit niya ang sarili niyang gumalaw. Bakit ba ngayon pa sumama ang pakiramdam niya? Birthday pa naman ni Ike. Hindi bale, magtitiis nalang muna siya saglit.Pumasok na sila sa cake shop. They scanned the cakes.
Iba-iba ang shape at flavor ng mga iyon. Hindi siya makapili agad sa mga cake na nakikita niya sa harapan niya. Mukha kasing masarap lahat. In the end, they ended up with chocolate mousse cake. Pinalagyan nila ito ng simpleng ‘Happy Birthday, Ike!’ Bumiyahe na uli sila pabalik. Pero nasa kalagitnaan na sila ng high way nang bigla silang tumirik. Nagkatinginan lang sila ni Jeremy.

BINABASA MO ANG
Journey To Your Heart [COMPLETED]
Teen FictionKahit na walang sense of direction ay tumuloy pa rin si Marione sa pagbabakasyon niya ng mag-isa. Kaya naman hindi na kataka-taka kung maligaw siya. Ang pakonswelo nalang, nakatabi niya ang masungit na lalaking may maputing batok. Ito ang tumulong s...