Chapter Two

679 15 0
                                    

“MANONG, matagal pa ba 'yan?” Marione asked. Nakapamewang siya habang nakatingin sa bus na sinakyan niya.

Nawalan pala ng preno ang bus na sinasakyan niya. Mabuti nalang at maayos pa itong naitigil ng driver. Kung hindi ay ang supposed to be bakasyon niya pa sana ang maghahatid sa kanya sa kabilang buhay.

“Naku, Ineng. Matatagalan pa ito. Kung ako sa iyo ay mag-abang ka nalang ng ibang masasakyan. Sigurado namang may iba pang dadaan na bus dito mamaya.” Sagot ng matandang driver. Kasalukuyan nitong kinukumpuni ang bus.

“Sige po. Salamat.”

Napatingin siya sa lalaking katabi niya kanina. He was now wearing the bull cap covering his face a while ago. The guy was staring at the bus intently. His face was still devoid of any emotion. Maya-maya ay napailing ito at nagsimula ng maglakad palayo. Higit kanino man na nakasakay sa bus kanina, dito siya may lubos na tiwala. Kaya hindi na siya nag-aksaya ng panahon at sinundan niya ito.

Ilang minuto na siyang nakasunod sa lalaki saka lamang nito napansin ang presensiya niya. How could he know? She was keeping her distance from him. Estranghero pa rin kasi ito. Para kung sakali mang magtangaka ito na gawan siya ng masama ay mas makakatakbo siya. Sabagay, wala rin naman sa itsura nito ang gagawa ng masama. Pero sa base sa mga napapanuod niya, kung sino pa 'yung mga mukhang hindi gagawa ng masama ay iyon pa ang gumagawa ng krimen kaya hindi talaga siya pwedeng magtiwala nalang basta-basta. Now look at her? Nagkakaroon na ng contrast ang judgement niya para dito.

Ah, ewan!

“And what do you think you’re doing, lady?” he asked through frowned eye brows.

“Ah… following you?” alanganing sagot niya.

“Sino naman ang nagsabi sa 'yong pwede mo akong sundan?”

“Wala. Ako lang.”

“Stop following me.” Nagpatuloy ito sa paglalakad. Sumunod pa rin siya dito. Binilisan pa nito lalo ang paglalakad. She did the same. He turned to her again. Irritation was all over his handsome face now. “Damn it, woman! I just told you to stop following me!”

“Why not?”

“Because I said so. Bumalik ka na doon sa bus bago dumilim. It’s dangerous for a woman like you to roam around this place.” Tinalikuran na siya nito.

Hinayaan niya itong maglakad palayo at hindi niya na ito sinundan. Mukhang may galit kasi sa mundo ang lalaki. Palipat-lipat ang tingin niya sa pinanggalingan niya at sa pinanggalingan ng lalaki. Hindi niya na matanaw ang bus na sinakyan niya kanina dahil malayo-layo na rin ang nalakad nila at papalayo na rin ang lalaki.

            She was contemplating if she would go back to where their bus is or follow the man. Kung babalik siya, anong gagawin niya doon? There was no guarantee na maaayos agad ang bus. Kung maayos naman ang bus, what’s next? Saan na siya pupunta? Pero kapag naman sinundan niya ang lalaki, ano rin ang mangyayari? She could feel that he didn’t want to be with her. Pero mukha naman itong harmless.

Kinakabahan na siya dahil nag-aagaw na ang dilim. Hindi siya pwedeng abutan ng dilim doon dahil delikado. Will she take the risk of trusting this snob but overly handsome man?

She can’t decide so she sat on the road in lotus position.  She kept her eyes shut. Pinag-iisipan niyang mabuti kung ano ba ang dapat niyang gawin. Pero wala pang ilang minuto siyang naka-upo sa  kalsada ay may kumapit sa braso niya at hinila siya patayo. Hahatawin niya sana ng hand bag niya ang nangahas na humawak sa kanya nang makita niya kung sinong salarin. It was no other than the snob guy from before. He seemed mad now.

Journey To Your Heart [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon