Chapter Six

531 12 1
                                    

NANUNUOD ng anime si Marione sa entertainment room. Ouran High School Club ang pinapanuod niya. Natutuwa siya sa kambal. Gumawa kaya siya ng nobela na kambal ang bida? Tuloy-tuloy na ang pagdaloy ng imahinasyon niya. Hindi niya na masyadong naiintindihan ang pinapanuod niya. Masyado na siya nagumon ng pantasya niya nang maramdaman niyang may umupo sa tabi niya.

Nilingon niya ito and he was greeted by Ike’s handsome face. He looked so gorgeous wearing gray sando and khaki shorts. Hilot pa nito ang ulo nito. Marahil ay may hangover pa ito dahil lasing na lasing ito kagabi.

Kagabi…

Damang-dama niya ang pag-iinit ng mukha niya nang maalala niya ang nangyari kagabi. Ang paghalik nito sa kanya at ang pag-amin niya sa totoong nararamdaman niya para sa lalaking katabi niya.

“About last night…” panimula niya.

“Yeah. About last night, did I do something stupid to you? Wala kasi akong maalala dahil sa sobrang kalasingan. Nang tanungin ko ang mga kainuman ko kung paano ako nakapasok sa kwarto, ang sabi nila ay ikaw daw ang tumulong sakin.” Anito. Nakapikit pa rin ito habang hinihilot ang sentido nito.

What? Pagkatapos siya nitong halikan ay nakalimutan nito iyon? That was her fist kiss! Tapos mababaon nalang sa limot ang halik na iyon? Hindi pwede! Pero hindi niya rin naman pwedeng ipaalala dito ang nangyari kagabi dahil nakakahiya siya kung sakali. Lasing na lasing ito nang ginawa nito iyon samantalang siya ay nasa tamang huwisyo. Kahit pa medyo inaantok pa siya ng mga panahong iyon ay hindi pa rin sapat iyon para magagamit bilang matibay na rason para sa kagagahan niya.

 Ang masama pa, mas nakakahiya dahil ginusto niya rin ang nangyari. Hindi niya namalayang nagumon na pala siya sa malalim na pag-iisip. 

“Marione?” pumitik si Ike sa harap ng mukha niya. “Nandiyan ka pa ba?”

“Ha? Ah, ano… wala kang ginawa na kahit ano kagabi.”

“Talaga?”

“Oo. Talaga.”

“Ok.” Hindi na ito nagkomento pa pero halata sa mukha nito na hindi ito naniniwala na wala itong ginawang masama kagabi. “Ahm… Marione?”

“H-Ha?” natabig niya ang remote at nalaglag iyon sa lapag.

Sabay nilang dinampot ang remote kaya imbes na remote ay ang kamay niya ang nahawakan ni Ike. Awtomatikong napatitig sila sa isa’t isa. Nararamdaman niya nanaman ang biglang pag-iiba ng tibok ng puso niya. Gahibla na lang ang layo ng mukha nila at kung gugustuhin niya ay maaari niya itong halikan.

Halik. Nang maalala niya uli ang halikan nila ay tila napapasong binawi niya ang kamay niya mula sa pagkakahawak ni Ike. Tumikhim siya para mawala ang bara sa lalamunan niya. She counted from one to ten then she took a deep breath. Saka lamang niya naramdaman ang pagkalma ng puso niya.

“Ano nga pala ang sasabihin mo?”

Tumikhim muna ito bago nagpatuloy sa pagsasalita. “Fiesta sa bayan. Baka gusto mong mamasyal?”

“Kasama ka?”

“Yes.”

“Tayong dalawa lang?”

“Oo.”

“Parang date?”

“O---no! A-Ah.. well, you can say that. But only if you want to. Pero kung ayaw mo, ok lang rin. Baka kasi inaya ka na ni Jere---”

“I’d love to.” Putol niya sa ano mang sasabihin pa sana nito. Hindi na siya magpapakipot pa. Ang lalaking mahal niya na ang nang-aaya sa kanya. It was not everyday na aayain siya nitong mag-date.

Journey To Your Heart [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon