Chapter Nine

488 11 1
                                    

“PWEDE ka na daw ma-discharge sabi ng doctor,” turan kay Marione ni Ike.

Nakaupo si Marione sa kama niya. Bago siya idinis-charge ng doctor ay isang katutak na bilin ang ipinabaon nito sa kanya. Bawal siyang magpuyat, bawal magpagod, bawal magbabad sa computer, bakit hindi na rin sinabi nitong bawal na siyang mabuhay? Anak ng teteng! Paano na ang trabaho niya? Oh, well. Maybe, she would take a break from writing. Kapag hindi niya sinunod ang mga sinabi nito, baka lalo siyang lumala. At kapag nagkaganoon, hindi lang ang trabaho niya ang maaapektuhan kundi pati na rin ang ibang aspeto sa buhay niya. Kaya susundin niya ang lahat ng bilin nito… for the mean time. Napangisi siya.

“Stop that!” narinig niyang saway ni Ike sa kanya.

“Stop what?” tanong niya.

“That. Stop that doing that face. It kinda freaks me out.”

Binelatan niya lang ito. Tumawa lang ito.

“Ready to go home?” maya-maya’y tanong nito.

“Yes.”

“Let’s go then.”

Inalalayan siya nitong makababa sa kama at habang naglalakad ay sa siko naman siya nito inaalalayan. Pinagbuksan rin siya nito ng pinto. What a guy! His every gestures make her fall for him even more. Habang nasa biyahe ay tahimik lang silang dalawa. Mapayapa lang pero walang tensyon sa pagitan nila. Nakakapag-relax siya kapag kasama niya ito. Everything seemed so perfect now. Sana hindi na matapos ang mga sandaling ito.

Nang marating nila ang farm ay mukha ng balisang si Jeremy ang nabungaran nila. He looked so uneasy.

“What’s wrong?” tanong ni Ike dito. Bumaba na sila sa van.

“You can’t go in there.” Anito sabay turo sa mansion.

“Why not?” nakakunot-noong tanong niya.

“Something came up. Sinusubukan ng resolbahin nila Theo at Misha ang gulo. Just… go. Anywhere but here.”

“Bakit ba? Ano bang nangya—”

“Zayn! Oh, my God! I missed you so much!” bigla nalang sumulpot ang babae mula sa kung saan. Lumingkis ito sa braso ni Ike.

Who the heck was this woman? Parang gusto niyang sabunutan ito at kaladkarin palayo kay Ike. Anong karapatan nito para yakapin ang taong mahal niya? Sino ba ito sa buhay ni Ike.

“Kathreen. Let go. Umalis ka na.” narinig niyang sabi ni Jeremy.

Kathreen? Nang titigan niya ito ay tila binundol ng tatlong jeep ang puso niya. Ito si Kathreen? Well, look at that. A pretty face with a rotten personality to match. Ano naman kaya ang kailangan nito kay Ike? Speaking of Ike, nang tingnan niya ang itsura nito ay tiim na tiim ang ekspresyon ng mukha nito. Tila ba gustung-gusto na nitong kaladkarin ang babae para lang maalis sa pagkakalingkis sa kanya.

“Anong ginagawa mo dito?” may pagbabanta sa boses ni Ike nang magsalita ito.

“Oh, Ike, baby. Don’t you miss me?” maarteng sabi ng babae. “It’s been what? Two years? Yes. It’s been two years since we last saw each other. Hindi mo man lang ba ako na-miss?”

“Let go of my arm.” Galit na talaga si Ike. Tila anumang oras ay susuntukin na nito ang babae.

“Fine.” Binitiwan nito ang braso ng binata. Tila naman ngayon lang siya napansin nito. She looked surprised. Tila hindi ito makapaniwala. “H-How come? Bakit kamukhang-kamukha kita?”

“I don’t know. Ask the elephants.”

“Aren’t we being a little hospitable here?” nakataas ang kilay na sabi nito, sa kanya naka-focus ang buong tingin nito. Mula sa mansion ay magkakasunod na lumabas ang mga ito. “And who the hell is this woman? Is she a doppelganger? She’s freaking me out.”

Journey To Your Heart [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon