The Princess

400 11 5
                                    

ako ay isang prinsesa, ang pangalan ko ay Elisa Aya Gomez "Elia" for short.. kase sabi saken ng mother & father ko mukha daw kase akong prinsesa, maganda na matalino pa.. pero di ko masasabing mabait ako, oo aaminin ko yun.. dahil ayaw nila sabihin ang aking buong pagkatao kaya naging rebelde ako.. eto ang kwento ng aking buhay..

Chapter 1

"ayyy! babyy!" ang lakas ng sigaw ni Lea, nag-igkasan anbg kanyang mga daliri at nanlaki ang mga mata..

muntik na niyang matapakan ang isang nakabalot sa isang maruming lampin o punit na kumot ba iyon? hindi umiiyak ang baby, maaaring masyado na itong mahina para umiyak.. gutom kase, hindi pa rin makapaniwala si Lea.. baka nga naman namamalimata lamang siya.. eh paano ba naman magkakaron ng baby dito sa kanilang terrace? sino ang nag-iwan ng baby dito?

"hoyyy, baby ka nga ba ha?" na tinunghayang mabuti ni Lea ang tila isang balutan na iyon..

dahan-dahan niyang hinawakan ang mukha, dadalawang daliri ang kanyang ininutdot ng mahina sa mukha.. doon umiyak ang baby..

"OMG! at bata nga! hindi manika, hindi ibon mga basahan, kundi talagang bataa!"

nakalapit na sa kinaroroonan nina Lea si Marco.

"ano ba yan? nagpapractice ka na naman ba ng pag-iemote? ha Lea?"

"Marco, look!" itinuro ni Lea ang nasa sahig..

"anak naman ng tokwa oh Lea, anong gimik na naman to? bakit may bata dito?" HB na agad si Marco..

"aba, malay ko? baka nga anak mo yan eh! nakabuntis ka siguro tapos takot kayong lumantad ng nabuntis mo, kaya kunwari ay may iniwan na lang ditong bata!" nanghahabang nguso ni Lea.

"gaga! sino ba ang nakakabuntis sa ating dalawa, hindi bat ikaw?" pinandilatan siya ni Marco..

inis na inis si Lea, ayaw na ayaw niyang ipinaaalala sa kanya kung ano siya.. babaing-babae na kasi siya, sa salita at sa feelings niya.. kailan? aba, matagal na matagal na! mula pa ng ipinanganak siya nuh? tapos hanggang sampung taon siyang nagtago ng tunay niyang pagkatao, kumbaga ay naging closet girl siya in those years.. pero noong sampung taon na nga siya, di na siya natakot sa tatay niyang terror.. inilantad na niyang siya ay isang babaing natrap sa katawan ng isang lalaki, in short siya ay isang genuine na bading! muntik na siyang mapatay ng tatay niya, hindi rin siya kaagad natanggap ng tatlo niyang kapatid, dalawang lalaki at isang babae.. lalo na ang mga macho niyang kuya ay galit na galit talaga ang mga ito, syempre ng dahil sa kanya ay naquestion na rin kasi ang tunay na pagkalalaki ng mga ito.. pero noong successful na siya, noong yumaman siya na ala Ricky Reyes at nagkaroon siya ng matinding pangalan sa larangan ng mga beauty salons, sinuyo niya ang kanyang mga kapatid..

sa pamamagitan ng walang prenong pagtulong ay nakuha rin naman niya uli ang loob ng mga ito, ok na rin kahit sa tulong ng pera kung kaya't bati-bati na naman sila ng buong pamilya niya.. hindi naman mahalaga sa kanya kung bakit siya pinahalagahan eh, bilang bading tanggap na niya na hindi siya libusang magawang mahalin kahit pa ng mga taong labis niyang minamahal.. well, meron nga pa lang labis na nagmamahal sa kanya na labis din niyang minamahal at iginagalang..

The PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon