"because I'm trapped into this kind of life!" galit na deklara ni Elia, nanggigigil itong nakaupo sa gilid ng kanyang mamahaling kama.. nagpakalayu-layo sa akin.. para bang nandidiri ito..
"trapped? Elia, binibigyan ka namin ng magandang buhay.. lahat ng gusto mo, binibili ko" taranta kong sabi
"wala na akong gustong ipabili sa inyo!"
"kaya ba sinisigawan mo na lang ang iyong mama?" nasa gilid ko na pala si Marco at galit ito kay Elia
kay Marco sya halatang takot dahil tahimik lang ito sa kanya at hindi malambing..
"tinatanong ka naman ng mama mo kung ano ang problema, bakit ayaw mong sabihin? anuman yun, have the guts to tell it to our face! nakahanda ako!" nakapamaywang pa ito, sabay yuko naman ng dalaga..
pinandilatan ko naman ito..
"Marco, ano ba? huwag mong ganyanin ang bata"
"hindi na bata yan Lea, kaya nga iba na kung mag-isip eh.. at isang araw siguro ay ipapamukha nya saten ang mga gusto niyang iparating!"
hindi pa rin kumikibo si Elia, nanatiling nakayuko.. pero alam mong hindi ito nakayuko dahil nangingimi.. ito ay nakayuko lamang ay dahil sa ayaw niyang makita niya ang mga magulang niya..
"iha, kumain ka na.. utang na loob.. padadalhan na lamang kita ng pagkain dito sa loob ng room mo sa iyong mga yaya, okay?
hahawakan ko sana ang buhok ni Elia ng umiwas ito na parang nandidiri.. napakagat-labi na laman ako nun..
"hindi talaga tayo dapat nag-aampon ng isang bata" gigil na panunumbat nito saken..
"malaki na ang ating anak, ngayon ka pa nagsisisi? ha Marco?" sumbat ko naman sa kanya..
"hindi niya tayo matanggap, na ang ina niya ay isang bakla at ang ama niya naman ay isang tomboy.. para sa kanyang opinion she had a better choice pero sa atin siya napunta"
"Marco, sinabi ko naman dun sa bata na..."
"na ang kanyang ina ay anak ng isang kilala at mayaman na angkan dito sa Pilipinas, nabuntisan lang ito ng isang mayamang may asawa kaya napilitang ibigay sa atin ang bata.."
"napakalaking kasinungalingan Lea!" napasuntok na lang ito sa dingding..
"kaya naman di ko masabi ang totoo na siya ay isang yagit na sanggol na iniwan sa ating terrace at nangangamoy pang usok ng tambutso.. dahil ayaw kong manliit siya sa sarili niyang pinanggalingan"
"sa iyon ang totoo, ayaw mong ibigay sa kanya? ang nangyari tuloy, masama pa ang loob ng bata dahil bakit nga naman hindi na lamang siya napunta sa mayamang angkan ng kanyang ina at ama?"
"Marco, I have to protect her feelings"
"hindi siya natatahimik at nahihirapan siyang tanggapin tayo dahil akala niya ay kilala natin ang kanyang mga magulang na parehong mayaman" na nangagalaiti sa galit habang sinasabi niya ito..
BINABASA MO ANG
The Princess
Teen FictionPROLOGUE Ako ay isang prinsesa na inampon ng isang gay at isang lesbian, ako ay nagrebelde dahil ayaw ko silang maging magulang at ayoko sa kanila kase di naman sila yung totoo kong nanay at tatay. Pero naisip ko na di ko na kailan...