The Princess

57 3 0
                                    

sino pa kundi si Marco..

dating Alicia si Marco, maraming taon ding nagtago ng tunay na katauhan.. pero kahit hindi pa nakatapos ng ComSci si Marco ay nagkaron na kaagad ito ng malakas na negosyo ng mga second hand na high technology tools.. may dalawang malalaking bodega ito ng mga second hand na computers, laptops, scanners, palm pilots at iba pa.. may apat na malakingtindahan naman ito ng mga ganitong second hand gadgets sa iba't ibang malls.. Megamall, SM City, Rockwell at Alabang Town Center! bagay na bagay naman talaga sila ni Marco eh money wise..

siya naman kasi ay may sampung branches ng Lea Salon sa pitong malls na nakakalat sa Metro Manila, bukod pa sa may sampung franchises siyang naipagbili.. may royalty siyang natatanggap sa bawat customer ng mga franchise holder niya.. of course, milyon ang halaga ng bawat franchise na naipagbili niya, kaya silang dalawa ni Marco ay dito sa Wack-Wack subdivision nakatira.. isang  stately mansion ang kanilang tahanan..

meron din silang sariling gwardiya sa gate eh, kaya lang antukin ang may edad na nilang guard na si Mang Robert.. at kahit pa siguro gaano kalaki ang kasalanan nito gawa ng pagkaantukin gaya nga nito ngayon na hindi alam na may nakapasok na mga intruders na hindi alam ni Mang Robert, pustahang hindi pa rin nila ito magawang alisin sa trabaho.. aba! sampung taon na sa kanila si Mang Robert nuh! kapamilya na rin ang turing nila dito gaya ng mga maids nilang sina Rose, Sela, at Dina.. pati na rin ang dalawang drivers nilang sina Romeo at Carlo.. at pati na rin ang hardinero nilang si Baste..

lahat ng mga tauhan nila ay humigit kumulang na sa sampung taon na naninilbihan sa kanila, panatg na silang dalawa ni Marco sa kanilang mga ousehold employees.. kaya nga kahit ano pa ang kasalan ng mga ito basta hindi naman masyadong masama, napapatawad nila.. 

siya ay isang bakla at si Marco naman ay isang tomboy, at silang dalawa.. sa ngalan ng kanilang damdamin sa isa't isa, sila ay mag-asawa.. matagal na talaga sila ni Marco at mnsan man ay hindi sila nagmuntikang maghiwalay.. very devoted sila sa isa't isa, sila rin ay magbff! nagkakaintindihan sa lahat ng bagay, kahit sa pagnenegosyo.. pinagtatawanan man sila ng lipunan, taas-noo pa rin sila sa kanilang kalagayan.. wala silang dapat ikahiya, dahil wala silang minomolestiyang tao, mga marangal na mamamayan sila ng Pilipinas.. hindi sila nandadaya sa pagbabayad ng buwis, bawat taon ay umaabot sa sampung milyong piso ang combined tax payment nila ni Marco..

happy sila ni Marco, walang problema.. pero gusto niya ng baby! at ito na ba ang sagot ng kanyang pangarap?

biglang na lang nagkaroon ng baby sa kanilang terrace? karga na ni Lea ang baby at dinala niya ito sa mas maliwanag na bahagi ng bahay nila, sa salas..

The PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon