pero sa totoo lang di ako mahilig sa bata at ngayon pa lamang ay naglalaro na ang mga mabibigat na katanungang ito..
"Marco kailangan na nating pabinyagan si baby at may naisip na pati akong name"
"paano mo pabibinyagan yan? sino ang ilalagay mong legal na parents? pwede ba tayo na isang bakla at isang tomboy?" irita kong sagot
habang natutulog ang baby ay nag-uusap sila ni Lea.. naiconvert na namin ang isa sa malalaking guest rooms sa mansion namin na ginawang nursery at dahil sa tulong ng aming kaibigan na bakla na isang interior designer ay ginawa nyang colorful na nursery room..
tila isang munting prinsesa na nga ang natira dito ngayon..
"ikaw naman Marco, kung sumagot ka para bang wala ka ng balak na gawing Kristiyano ang ating anak"
"Lea kung hindi lang sayo, alam mong dapat nai-turn over na lamang natin sa bahay-ampunan ang batang yan!"
"alam ko, pero dahil mahal na mahal ko na si baby.. dapat lang na mahalin mo na rin sya at ituring na anak"
"kapag may isip na yan, matutuwa ba sya na tayo ang kanyang magulang?"
"matagal pa yun Marco, huwag mo munang problemahin"
"pinagbibigyan lang kita, sa abot na makakaya ko ay naga adjust ako sa sitwasyon"
"alam ko, kaya nga responsibility mo na sa akin na gawin ng Kristiyano ang sanggol na ito"
"san nga tayo magpapabinyag? yung walang problema?"
"may nakausat na akong isang mabuting relihiyon, Christian believers din naman ang mga ito eh.. ang pastor nila ay magbibinyag ng isang bata kahit ang mga magulang ay gaya natin" halatang inayos na ng kanyang asawa ah
"rehistrado rin bilang Kristiyano si baby? natitiyak mo ba yan?"
"oo naman Marco, magtiwala ka saken.. maabilidad naman ako di ba? ang importante lang ay umoo ka na, lalo na at balak kong bigyang ng magarbong handaan ang binyag ng ating anak" excited niyang sabi
"ikaw na nga ang bahala" baśta sa ikakaligaya ng aking asawa
ang name ng sanggol namin ay Elisa Aya Gomez Perez.. apelyido namin parehas ang ginamit at ang nickname nya ay "Elia" meron pa syang 2 yaya, ito ay sina Rose at Sela.. pero kahit may yaya na ang aming anak ay hands-on pa rin si Lea, ang kabataan nya az naging buhay prinsesa..
sa katunayan nga niyan ay meron kaming biniling van na para lang sa kanya at ang taga maneho nito ay palitan na sina Romeo at Carlo..
BINABASA MO ANG
The Princess
Teen FictionPROLOGUE Ako ay isang prinsesa na inampon ng isang gay at isang lesbian, ako ay nagrebelde dahil ayaw ko silang maging magulang at ayoko sa kanila kase di naman sila yung totoo kong nanay at tatay. Pero naisip ko na di ko na kailan...