♦ Chapter 18 ♦

153 9 1
                                    


Vincent's POV

Ang kulit talaga ng babaeng iyon. Masama bang ngumiti? Diba hindi? Hayss mga babae nga naman, hindi maintindihan. Naglakad na lang ako papuntang cafeteria. Nagugutom ako eh. Habang naglalakad ay nakita ko si thea na nakikipag-usap sa ibang rank.

Parang seryoso ang pinag-uusapan nila dahil 'yung babae ay nakahawak kay thea sa kamay na parang may hinuhulaan. Dahil narin sa pagiging dakilang tsimoso ko ay lumapit ako. May babae pa akong nakasalubong na nagpa-pirma sa akin, kaya kinindatan ko. Ayun kinilig ng sobra. Isang kindat ko lang talaga, talagang pamatay.

Ng makalapit ako sa kanila ay may narinig akong sinabi ng babae na hindi ko maintindihan. "May mapapahamak na mahalaga sa'yo thea. Kailangan ka nya ngayon. Kailangan mo syang iligtas dahil nasa kapahamakan sya."sabi nung babae.

"Hey!!"bati ko. Sabay silang napatingin sa akin.

"Anong pinag-uusapan nyo?"tanong ko. Napadako ang tingin ko kay thea. Parang natatakot sya na iiyak na ewan. Lumapit pa ako sa kanila dahil walang sumasagot eh.

"A-ah.. vincent. Ako nga pala si julia."sabi nung babae. Maganda at maputi sya. Matambok din ang puwetan at malaki ang pangharap. Napansin nya atang nakatitig lang ako dito kaya nahiya sya. Namumula sya na nakipag-hawak kamay sa akin. Agad ko naman tinanggap iyon at ngumiti.

"Nice to meet you lady.."sabi ko. Mas lalo atang namula ang pisngi nya dahil sa sinabi ko. Tumingin naman ako kay thea. Ano ba kasing problema nito. Para syang iiyak na hayy.

"Ayos ka lang ba?"tanong ko.

"Ayos lang... may malaking problema kasi..."sagot ni thea. Pabitin din 'to eh.

"Anong problema...? Tungkol ba yan sa lalaki? Sabihin mo lang ng maupakan ko."-ako

Umiiling naman si thea. Ang hirap intindihin kapag matalino ang nasa harap ko.

"May mahalaga kasi sa buhay ko an mapapahamak vincent. Kailangan natin syang iligtas bago mahuli ang lahat."-thea

"Si julia ang nakapagsabi sakin nun..may ability sya na makita ang hinaharap ng isang tao. Lumalabas lang iyon kapag kailangan talaga."dagdag pa nya. Kaya pala... Ano? Mapapahamak?

"Mapapahamak? Sino?"-ako

"Yun na nga ang problema vincent, hindi ko alam kung sino? Maaring kaibigan ko na malapit sa akin o isa sa pamilya ko. Si mama at si papa ay nasa bahay lang ngayon. Nakausap ko sila kanina, kaya imposibleng sila iyon."-thea

"Ibig sabihin ba nun ay isa sa liraya family?"tanong ko. Kahit playboy ako ay may utak din ako. Kung hindi ang pamilya nya ay isa sa family namin. Mag-isa lang na anak si thea kaya nanay at tatay nya ang isa sa mahahalagang tao sa buhay nya. Pero ako, baka lahat ng babae dito ako ang kahalagahan nila. Sa kagwapuhan ko pa naman.

"Tama na nga 'yang iniisip mo vincent. Kailangan na nating hanapin sila."sabi ni thea at bigla na lamang akong hinila.

"San ba tayo pupunta?"tanong ko habang tinatahak ang mahabang hagdanan. Excercise din to. Nakita kong ginamit ni tjea ang ability nya para hindi sya mapagod. Bakit ba naman kasi sa hagdanan pa dumaan. Agad kaming tumigil ng makita si shino na naglalakad pababa. Nakatingin sya sa amin habang takang-taka ang kanyang mukha.

"Sumama ka sa amin."sabi ko. Naintindihan nya ata ang nangyayari kaya agad syang sumunod. Mga bookworm nga naman. Agad kaming nakarating sa head office. Naabutan naman si head rain na nakaupo. Alam nyang darating kami. Malakas kasi ang pakiramdam ni sir rain. Simula bata pa kami ay tinuturuan nya kami kung paano pakiramdaman ang paligid.

"Anong problema mga anak?"bati ni head rain. Anak ang tawag nya sa amin simula nung bata kami. Kapag hindi naman kami magkakasama ay pangalan namin mismo ang tinatawag nya. Dahil narin sa nawala ang anak nya na kasing edad namin.

"Ah tito.. pwede po bang pahiram ng watch para ma track namin kung nasaan sila lira,raven at aries. Kailangan po namin talaga tito."sagot ni thea. 'Yung watch na sinasabi ni thea ay 'yung naimbento na gudget ni head rain. Kahapon lang nagawa 'yun. Nakita ko naman na nag-iisip si head rain. Sana pumayag ka. Papayag yan.

"Ahhh... OK... pero kailangan nyong ingatan iyon dahil anim palang ang nagagawa natin."agad naman na pumalakpak si head rain kaya bumukas ang nasa likod nyang frame. Naglagay sya ng code doon at bumukas iyon.

"Ito. Kayong liraya family palang ang naka scan dyan kaya malaya nyong mahahanap agad sila."

-----*-----*-----*----*

"Bilisan na natin.."sabi ni lira.

Nahanap nanamin si lira at raven. Si lira ay nasa dorm natutulog samantalang si raven ay nasa rooftop. Kimakabahan ako pero pilit kong iniisip na hindi mapapahamak si aries. Nasa masukal na gubat kami ngayon. Mag-gagabi na kaya kaioangan naming magmadali.

"Malapit na tayo.."sabi ni thea. Napatingin naman ako sa watch, may pulang nakalagay doon na hugis bilog. Siguradong si aries iyon. Agad akong dumaan sa kabilang daan. Natatandaan ko ang lugar na'to.

Maya-maya pa ay nakita ko ang isang flare na nakatalikod sa akin. Flare?!! Hindi na ako nagdalawang-sip na patamaan sya ng light ball ko ngunit may puno na humarang dito.

Nagtaka ako dahil bigla humarap ang flare habang dala-dala si aries na parang baby. Kumunot ang noo ko dahil doon.

"Hi!!! Na remember mo pa ba sya?" sagot ni aries at tila tuwang tiwa sya ng bigla syang kiniliti nung flare. Bigla kong nakita sila lira kasama ang iba.

"Anong nangyayari?"tanong ni shino.

"Kala ko ba mapapahamak?"sagot naman ni lira.

"Waste of time."cold rin ng isang to.

"Naaalala nyo pa ba sya?"biglang singit ni aries sa katahimikan namin. Kala ko kung ano na. Nag-alala pa naman ako tapos ito lang. Biglang ibinaba nung flare si aries. Tumakbo si aries at bigla akong niyakap. Nagulat ako doon kaya nakatayo lang ako.

"Maraming salamat."sabi nya at bigla akong hinila palapit kila raven at doon nya kami niyakap.

(A: kala nyo napahamak si aries. Hindi :p itong pov nya ang magsasabi kung bakit naging ganun.)

Aries's POV

"Ikaw....."sabi ko at bigla ko na lamang syang niyakap. Simula nung nasaktan namin sya nung mga bata kami ay nagpupunta ako dito para hanapin sya. Ngunit hindi ko sya mahanap kaya nung makita ko sya ngayon ay parang nakaramdam ako ng awa. Parang naiintindihan nya ako dahil bigla syang nag respond sa yakap ko. Napatingin ako sa kanyang mata. Nag-iba iyon at naging normal.

"Sorry ah.. hindi namin sinasadya iyon nangyari nung mga bata kami."sabi ko. Kumuha ako ng prutas at pinakain sa kanya iyon. Halos matuwa sya dahil doon.

"Rooh..roooh."sabi nya. Bigla nya akong dinala sa balikat nya at nagtatakbo sya. Tuwang-tuwa ako dahil doon. Isa sa mga ability ko ang pakiramdaman o intindihin ang isang hayop. Pero hindi ko pa sya na mamasterm. Ang sabi ni mommy darating din agad iyon.

"Ito kain ka pa."sabi ko at kumuha muli ng prutas. Tuwang-tuwa sya at bigla na lamang akong kinuha at pinatayo. Gumulong sya bigla sa lupa. parang pakiramdam ko tuloy na kailangan nya ng pamilya na gagabay sa kanya. Ang sabi kasi ni tito rain ay may mababait din daw na flare kaso bilang lang daw at suwerte ka kung may makita kang mabait na flare dahil magiging pet mo sya.

A/n: Update ulit dahil may nag read agad ng chapter. Yung pov ni vincent pabayaan nyo na. Masyadong mahangin ang adik :D

Liraya Academy "School Of Special Abilities"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon