♦ Chapter 13 ♦

196 12 0
                                    


A/n: Hello guyss :D Hindi ko inakala na may magbabasa nito. Akala ko kasi bilang lang. Thanks sa pagbasa ;) ito na 'yung update ko. Sana magustuhan nyo ^^


Lira's POV


May nararamdaman ako na humahawak sa kamay ko. May naririnig din ako na nagsasalita at may nararamdaman din akong nakaupo malapit sa akin. Unti-unti kong minulat ang mata ko. 


Unang nakita ko ay ang masilaw na ilaw sa taas ko. Napapikit akong muli at dumilat ng kaunti. Narinig kong pinapatahimik ni thea sila. Alam ko ang boses ni thea. Masyadong mahinhin at malambing.


"Psstt!! Gising na si lira."tuluyan ko ng idinilat ang mata ko. At nakita ko ang mga kasama ko na nakapalibot sa akin. Nakatingin ang mata na para bang nag-aalala. Nakangiti pa sila sa akin. Uupo sana ako ng pigilan ako ni aries.


"Ops!! 'Wag ka munang umupo. Baka hindi mo pa kaya."hindi ko sya pinakinggan at tuluyan ng umupo. Tinulungan ako ni vincent para makaupo. 


"Anong nangyari? Bakit ako nandito?"tanong ko. Wala akong matandaan. Bakit ba ako nandito? Ang huling natatandaan ko lang ay nung nasa cafeteria kami. Tapos naglaban kami ni raven at nagbago ang paligid. Nagbago at nakita ko na pinapatay ang mahahalaga sa buhay ko. Nagulat ako ng tuluyan ko ng natatandaan ang nangyari. Tatayo sana ako pero pinigilan ako ni vincent. Sinamaan ko sya ng tingin at pilit na tumayo ngunit mas malakas talaga sya.


"Kailangan kong puntahan si lola at lolo!! Kailangan ako ni ricca at edward!! Bitiwan mo 'ko sabi!!"nagpupumilit akong tumayo. Nakita kong pinatigil ni thea si vincent sa pagpigil sa akin. Tumigil sya kaya napatigil ako at tumingin kay thea. Ngumiti sya sa akin at umupo sa tabi ni aries na nakaupo dito sa kama. Ngayon ko lang napansin na halos lahat ng bagay dito kulay puti. Pati itong kama puti, pati ilaw puti. 


"May sasabihin kami sa'yo lira."paninimula ni aries. Tuluyan ng binalot ng nakakabinging katahimikan ang apat na sulok ng kwarto. Nakatingin lang ako kay aries at hinihintay ang kanyang sasabihin. 


"Hindi totoo ang lahat ng nakita mo lira. Walang totoo doon."sabi nya na ikinasira ng ulo ko. Hindi totoo? Nakita ko na sinaksak si lolo at lola ng sabay. Si ricca na nakatingin sa akin bago bawian ng buhay. At si edward na hindi ko malubos maisip ang kalagayan nya dahil sa dugo sa mukha at buong katawan nya. Napahawak pa ako sa ulo ko at ginulo iyon. Pinigilan ako ni thea.


"Anong hindi totoo!! Nakita ko!! Kaya kung pwede kailangan ko ng umalis!! Hindi ko naman kailangan ng tulong nyo!!"sigaw ko. Napatingin silang lahat kay raven na nasa harap ko ngayon. Nakapamulsa at nakatingin sa akin ng diretso. Pansin ko lang. Lagi syang nakaitim. Naka jacket sya ngayon ng black at nakapantalon ng mahaba. 


"Lahat ng nakita mo ay illusion. You fall on her ability. She used your fear. And one thing is, you didn't realize that you can't touch anything you can see."tuluyan ko ng narealize ang lahat. Bakit ang tanga ko? Hindi ko man lang naisip na hindi ko nahawakan si lolo at lola dahil illusion lang 'yun. May natatandaan ako. Ang mga katagang sinabi sa akin ni hannah.


  "Kailangan mong maging matatag, lira. Ikaw lang ang susi para makaalis dito."  

Liraya Academy "School Of Special Abilities"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon