A/n: Update ulet :D Salamat nga pala sa pag vote at pag read ng story na'to kahit na kada week lang ang update. Hindi pala kada week , kada month :D Yaan nyo, babawi ako sa susunod. Sige sana magustuhan nyo dahil tamad ako ngayon sa mga pangyayari sa school. At congratulation pala sa mga estudyante na tulad ko na nakasali sa mga alitaptap sa langit ;)Lira's POV
" Show me what you've got."pagkasabi ng evan ang salitang iyon ay biglang lumutang si aries sa ere. Agad naman akong napatingin kay ricca. Ewan ko pero parang naninibago ako sa ricca ngayon. Tuwang-tuwa sya habang si aries naman ay hirap ng huminga. Wala akong magawa sa ngayon. Hindi ko alam kung lalaban ba ako para iligtas si aries kay ricca o hahayaan na lang si aries upang hindi masaktan si ricca. Ano bang uunahin ko? Hindi ko alam!!
"U-ugghh!! T-tulong uggh!! L-lira..."napatingin ako kay aries na hirap ng huminga. Anong uunahin ko? Ang taong matagal ko ng kilala o ang taong ngayon ko palang nakasama sa buhay ko? Nakita kong kumilos si raven pero biglang nagteleport si bryan at napunta sa harap nya. Bigla nyang sinipa si raven sa dibdib kaya napausog si raven. Kinuha ko na ang pagkakataon na iyon. Agad akong lumapit at sinipa si bryan sa tiyanan. Agad ko rin na hinawakan sya sa kamay. Hindi ko ito gusto pero alam kong may masasaktan sa gagawin ko.
"Sorry ricca..."ibinuos ko ang lakas ko para ihagis si bryan kay ricca. Nagulat pa si ricca sa ginawa ko kaya hindi na sya nakaiwas pa. Agad naman na nagteleport si bryan ng malapit na syang malaglag kasama ni ricca. Agad din namang sinalo ni edward si ricca bago pa mapagulong-gulong sa labas ng ring. Napalakas yata ang ginawa ko kaya nasaktan si ricca. Nakahawak kasi sya sa tiyanan na, na para bang ang sakit nun.
Nakita kong nalaglag si aries kaya agad akong lumapit. Halos habol hininga sya ng makalapit kami. Namumula ang mukha nya kasama ang mata nya na para bang kakatapos lang umiyak.
"Sorry aries..."panimula ko. "Hindi ko talaga sinasadya na hindi iligtas ka. Sorry talaga."nakita ko namang ngumiti si aries at hinawakan ako sa kamay. Parang nakaramdam ako ng iba ng gawin nya iyon. Parang hindi ko ito naramdaman kay ricca noong nasa bayan pa kami. Iba kasi ngayon ang nararamdaman ko. Para bang si aries ang totoong kaibigan ko at mapagkakatiwalaan ko sa ngayon.
"H-hey... bakit ka umiiyak sissy? It's ok na di'ba. Tsaka you save me from ricca while ago. So ano pang iniiyak mo dyan? Tara tapusin na natin 'to."sabi nya at binigyan ako ng matamis ng ngiti. Hindi ko na napansin na may tubig na pala na lumalabas sa mata ko. Hindi ko rin maitatanggi na masaya ako dahil ayos lang si aries. Lumapit ako sa kanya at hinawakan sya sa kamay.
"Thanks sissy..."
Tumayo na kami at humarap sa tatlong kalaban namin. 'Yung evan, bryan at si dianna ang natitira ngayon. Kailangan lang namin mapaalis sila dito sa gitna ng ring. Napansin ko na nagtitinginan silang tatlo. Parang nag-uusap sila pero sa mata lang. Tumatango pa sila habang nakatingin sa bawat isa. May balak sila sa amin. Kailangan kong maging handa sa gagawin nila.
"Be alert. That girl is using her ability to communicate with that two jerk."sabi ni raven. Hindi naman halata na galit sya? Tumango na lang kami ni aries.
"There's something wrong with that two man.. it's really strange."-aries
"Sa tingin mo anong balak nila?"tanong ko. Nakatayo lang kasi sila at walang ginagawa. Napatingin ako kay ricca sa tabi. Nakangisi sya habang nakatingin sa akin. Nagbago bigla iyon ng mapansin nya na nakatingin ako sa kanya.
"Okay let's go!!"sabi nung evan at biglang humawak sya sa balikat nung bryan. Nawala silang dalawa. Nagkaroon pa ng nakakabinging katahimikan ng mawala 'yung dalawa.Nilibot ko na ang paningin ko pero wala parin akong makita. Si dianna lang ang nasa harap nin ngayon.
"Anong binabalak nyo?"hindi ko pinakita sa kanya ang takot ng sabihin ko iyon. Halatang galit sya sa akin habang nakangiti ng nakakaloko.
"Paano kung sabihin ko sa'yo na nandyan lang sila sa paligid? Malay mo nasa likod muna o baka nasa tabi mo lang.."
"Are you scaring us girl with a big mouth?"sabi ni aries at halatang galit narin sya. Tumawa pa ng bahagya si vincent sa sinabi ni aries. Nakita kong iniyukom ni dianna ang kamay nya. Naasar ata sya sa sinabi ni aries.
"W-wait... may nararamdaman ako."sabi ko. Parang lumakas ang simoy ng hangin sa paligid. Para bang may babagsak na galing sa langit papunta sa baba. Hindi pa nagtagal at lahat kami ay napatingin sa taas. May parang kidlat na papunta sa amin. Kidlat?!! Tama ba ang nakikita ko ngayon? Hindi naman ata nila kami papatayin ngayon? Practice lang ito at hindi war.
"We need to stop this.. madadamay ang lahat ng nandito sa battle field."sabi ni raven. Napatango naman kami.
"Dianna.. pigilan mo sila bryan.. mapapahamak tayong lahat!!"sabi ko at tila bingi si dianna dahil nakatingin lang sya sa taas.
"Thats what we call thunder... no one can stop him lira.. baka nakakalimutan mo na sya ang leader namin."napatingin na lang ako kay raven ng sabihin iyon ni dianna. Nakatingin lang sya sa taas at mukhang nag-iisip ng gagawin.
"We need to counter his attack.."sabi nya. Maya-maya pa ay narinig kong sumigaw si aries.
"Kung ano ang binabalak mo ay itigil muna raven, its dangerous. You might out of your energy at baka hindi ka na gumaling pa."-aries
"We have no choice right now aries."-raven
Hindi ko maintindihan ang pinag-uusapan nila pero alam kong delikado iyon. Habang nagtatagal ay palinaw ng palinaw ang nakikita ko. Isang kidlat na sobrang laki. Nag-iba narin ang ulap. Naging maitim na sya. Ganoon ba kalakaas ang evan na iyon. Ibig sabihin thunder ang ability nya? Kung ganoon, hindi ba sya nag-iisip na makakasakit sya ng iba? Ganyan ba kaseryoso ang leader ng morido family?
Maya-maya pa ay pumwesto sa gitna si raven. Nagkaroon ng itim na aura palibot sa kanya. Nakapikit lang sya habang may binabanggit na ibang wika na hindi ko alam.
"Raven itigil mo 'yan!!"sigaw ni thea.
"Delikado ang gagawin mo raven!!"-vincent
"Mapapahamak ka lang raven kaya itigil mo na ang binabalak mo!!"pati rin si shino ay napasigaw narin. Napatingin ako kay hunter. Nakatitig lang sya kay raven. Wala ata syang balak tumulong. Kailangan kong mag-isip ng paraan. Naglakad ako papunta sa direksyon ni raven. Narinig ko pang sumisigaw sila aries at thea sa akin pero wala akong ibang magagawa kundi ang naisip ko.
Nahirapan pa ako dahil sa lakas ng hangin na nakapalibot kay raven. Itim narin ang aura na nasa paligid nya. Pati narin ang ibang estudyante dito ay nagsimulang maglabasan. Ng makalapit ay agad kong niyakap si raven. Nagulat sya at napabuklat ang paningin nya sa akin. Nakita ko rin na namula ang tenga nya. Pumikit ako at nag-focus. I need to focus right now.. Pinalawakan ko ang ability ko papunta sa kanya. Ng mahanap ay agad kong hinawakan ang dalawang kamay nya.
"Dark Barrier!!"sigaw ko. Biglang nagkaroon ng maitim na barrier na pumalibot sa buong lugar dito sa liraya academy. Maya-maya pa ay tumama ang isang kidlat sa barrier na ginawa ko at ni raven. Malakas at tila hindi nagpapatalo. Nararamdaman ko rin na humihina ako.
"What are you doing? Are you ok?"nakita ko naman na nag-aalala ang mukha ni raven.
"Ayos lang ako.. kailangan ko lang ng ability mo.."sabi ko. Maya-maya pa ay naramdaman ko ang ability nya na lumakas kaya agad ko itong isinama sa ability ko. Tumingin kami sa itaas na pinalibutan narin ng itim na aura yung dalawang lalaki.
"Dark Bomb.."sabi ni raven at biglang sumabog ang itim na pumalibot kina bryan at evan. Bigla akong napabitiw sa pagkakahawak kay raven at napahiga sa dibdib nya. Ang init at ang tigas ng katawan ni raven.. parang.. ano ba itong iniisip ko? Naramdaman ko na niyakap ako ni raven ng mahigpit. Nararamdaman ko na rin na anumang oras ay sasakupin na ng dilim ang paningin ko. Bago pa mawalan ng malay ay narinig kong may sinabi si raven.
"Stinkybrain girl..."
BINABASA MO ANG
Liraya Academy "School Of Special Abilities"
Fantasy'Wag nyong asahang maganda ang storya ko. First Time ko mag write ng story na fantasy ang genre. Inspired to sa Sky High kaya wala akong ginaya. At 'Wag nyo po i compare ito sa ibang story na nabasa nyo dahil iba 'yung akin. May pagka Adventure/Horo...