A/n: Hi!! Kamusta :D Sorry late at lame ang update na 'to. Gagawa kasi ako ng project at magbabasa ng english book. Sige :D sana magustuhan nyo.
Lira's POV
"M-....."hindi ko na naituloy ang sasabihin ng biglang magsalita si raven.
"Kailangan na nating magpahinga."
Napatingin lahat sila kay raven. Buti at iniligtas ako ni raven. Una sa lahat, ayaw kong may ibinabahagi na kuwento ko sa ibang tao, lalo na kapag hindi ko pa ito lubos na kilala. Nakita ko si aries na nakataas ang kanang kilay.
"Ano ba yan!!! You're so kj raven!! Sometimes enjoy your life. Hayst." -aries
"Oo nga, gusto ko rin na malaman kung mayroon bang nakapagpasakit ng puso ni lira."-thea
Pati ba naman si thea. Hindi ba pwedeng tumunog 'yung bell ngayon para makaalis na 'tong mga lalaki na 'to.
"Sa tingin ko tama si raven. Kailangan na nating umalis dito at baka maabutan tayo ng curfew, lalo na't nasa girls dorm tayo."-shino
Nakita kong tumayo si raven. Pero bago pa iyon ay nakita kosyang ngumiti. Hindi ko alam kung namamalikmata ako pero nakita ko syang ngumiti sa akin. Hindi ko na lang iyon pinansin at humarap sa ibang direksyon. Tumayo na rin si vincent at shino.
"Sa susunod na lang lira.. o pwede din naman na sabihin mo sa akin secretly."sabi ni vincent at kumindat pa sa akin. Hindi ko alam kung umiinit ba ang pisngi ko dahil sa sinabi ni vincent o sa init ng temperature dito sa loob. Nagsimula ng lumakad si raven papunta sa pinto.
"Sige kita na lang tayo bukas."sabi ni vincent. Umalis na sila at agad ong isinara ang pinto. Napatingin pa ako kay aries dahil nakangiti sya ng nakakaloko.
"Alam mo sis.. you can tell us naman your secret. I know it's kind of embarassing pero i can understand naman you're situation."-aries
"Oo nga lira para sabihin ko rin sa iyo kung sino ang crush ko."bigla kaming napatingin ni aries kay thea. Napahawak sya sa bibig at halatang namumula ang mukha. 'Wag mong sabihin na sasabihin nya talaga iyon. Hindi ko pa na encounter ang ganitong scenario lalo na't hindi ganoon si ricca. Si ricca kasi ang tipong hindi sinasabi ang natitipuhan nyang lalaki pero halata ko naman na kung sino iyon.
"So, this is it!! I'll be your listener na lang..."sabi ni aries at nakangiti pa ng sobra. Sandali.. may naisip ako.
"It's unfair naman aries, kami lang ang magsasabi ng sikreto namin tapos ikaw makikinig lang. Magandang 'wag ka na lang sumali."sabi ko at lumapit kay thea.
"Doon tayo sa kwarto mo."sabi ko. Maglalakad na sana kami ng magsalita si aries.
"W-wait!! Ok fine.. pero promise na girl's secret lang ito ah.."
Parang nagsisi na ako kung bakit ako pumayag. Hindi ko sigurado kung nasa posisyon ba ako para sabihin na sinaktan ako ng taong iyon. Naglakad na kami at pumasok sa kwarto ni thea. As i expect.. puno ng libro ang kwarto nya.
"Hindi mo parin itinatapon iyan?"tanong ni aries. Parang diring-diri sya sa libro. Siguro ayaw nya sa libro.
"Lahat ng librong mayroon ako ay important. Binigay sa akin ni mama at papa ang lahat ng iyan. Dyaan ako nakakakuha ng mga information about sa mga bagay na hindi natin alam. Tara na nga."
Pumasok kami sa kwarto nya at nakita ko doon ang malaking kama. Kulay pink ang kama at ang dami nyang mga libro sa kama nya. Iba nga naman kapag bookworm. Umupo na silang dalawa kaya wala na akong nagawa kundi umupo.
"So let's start from you lira.."
"S-sandali.. pwedeng panghuli na ako?"sabi ko. Ayaw ko kasing nauuna at hindi ako sigurado kung sasabihin nila ang sikreto nila. Maybe magagamit ko ang sikreto nila as weakness.
"Sige..ako na lang ang mauuna."paninimula ni thea. "Hindi ko alam kung totoo ang nararamdaman ko para kay shino--.."
"Shino?!!"biglang bulalas ni aries. Agad kong tinakpan ang bibig nya. Alam ko kasi ang nararamdaman ngsyon ni thea.
"Wag kang maingay.. baka marinig nila tayo."sabi ko. Tumango na lamang si aries.
"Nung nakaraang buwan ko lang ito naramdaman. Pupunta kasi sana ako ng canteen ng biglang may mabangga akong lalaki. Hindi ko sinasadya na mahulog yung dala nung lalaki na pagkain. 'Yung una kala ko ay tatanggapin nya ang sorry ko pero nagkamali ako dahil nagtawag pa sya ng tatlong kasamahan. Alam kasi nila na liraya family ako kaya hindi ako basta-basta magpapatalo. Nung lumusob na silang lahat, wala na akong ibang magawa kundi ang protektahan ko ang sarili ko. Malalakas ang mga iyon dahil galing sila sa Rank-A. Biglang dumating ang isang lalaki sa harap ko. 'Yung una hindi ko makilala dahil nakatalikod sya sa akin. Biglang naglabasan ang insekto at kumapit doon sa apat na lalaki. Halos magsigawan 'yung mga lalaki dahil lang sa insekto. Hanggang sa humarap sa akin yung lalaki. Si shino. Hinawakan nya ang kamay ko at niyakap ako bigla. Doon ako nakaramdam ng pagbilis ng tibok ng puso ko. Lalo na nung sinabi nya na Nasaktan kaba?" Mahabang paliwanag ni thea. Hindi ko alam na ganoon pala ka sweet si shino, siguro dahil narin na sa mahalaga si thea kay shino kaya nya ito ginawa. Nakita kong namumula ang pisngi ni thea. Hindi ko alam ang gagawin, para maging maayos sya. Mabuti narin na mailabas nya iyon para wala na syang ikatakot pa.
"Kyaaaaaaaahhhhh!!!!!"biglang sumigaw ng pagkalakas-lakas si aries. Halos yumakap narin sa akin si thea.
"Oh my Thea!!! Nakakakilig naman ang story nyo..."sabi nya. Hayyss.. kailan ba mawawala ang pagiging hyper ni aries. Siguro kapag nawalnn sya ng bibig.
"Tapos na ako... ikaw naman aries."sabi ni thea. Napangiti ako sa sinabi ni thea. Malalaman ko rin ang ibang pagkatao ni aries.
"Ok fine.. this is not a fairy tail story para matuwa kayo. Nasa park kasi ako that time... and wala akong kasama kaya malungkot ako habang sumasakay ng mga rides. Hanggang sa nagkasalubong kami ni vincent sa isang Photo Shop. I want kasi ng proof patunayan na kinaya ko mag park mag-isa so nung malapit na ako sa pila ay biglang sumingit si vincent sa likod ko. Syempre i was angry dahil sumiksik sya. So nung ako na ay biglang nagloko ang photo shop. Ang sabi by pair na lang daw ang pwede kaya wala akong nagawa nung time ko. Pumasok kami sa loob at nag take ng picture. It's kind of embarassing because vincent hug me and kiss me on chick dahil nga may prize kapag kung sino ang the best picture. Hindi nga ako nagkamali dahil we won tje prize.. isang malakinf teddy bear na green at nakaukit doon ang pangalan naming dalawa ni vincent. Nasa kwarto ko iyon kasama yung dalwang picture. So that's it.. what a lame story." Ganun pala iyon. Hindi ko alam kung namumula ang pisngi ni aries ng ikuwento nya iyon, halatang pilit na itinatago nya ang nararamdaman nya. May pagkakatulad rin pala kaming dalawa. Im a kind of person na hindi sinasabi ang totoong nararamdaman. Ayoko kasing magamit ang fellings na iyon sa kahinaan ko.
"Wow!! Hindi ko alam iyon ah. Yun pala yung time na may dala ka na plastik at hindi mo ipinapakita sa akin. Ayiieee.. nakakakilig kayo.."pang-aasar ni thea. Hindi ko alam na may side pala si thea na maging masayahin, all i know is behave lang sya and shy. Hindi ko narin naiwasan at kiniliti rin si aries. Minsan kailangan ko rin maging masaya, kahit sa ganitong oras lang. Alam kong dadating ang araw na ang mga nakapaligid sa akin ay masasaktan.
Hindi na namin naituloy ang bonding dahil nakatulog na silang dalawa. Buti at malaki ang kama ni thea. Napahiga narin ako dahil sa antok, pero bago pa iyon ay narinig ko si thea na nagsalita.
"Goodnight ate lira."
BINABASA MO ANG
Liraya Academy "School Of Special Abilities"
Fantasy'Wag nyong asahang maganda ang storya ko. First Time ko mag write ng story na fantasy ang genre. Inspired to sa Sky High kaya wala akong ginaya. At 'Wag nyo po i compare ito sa ibang story na nabasa nyo dahil iba 'yung akin. May pagka Adventure/Horo...