♦ Chapter 28 ♦

112 9 5
                                    



Lira's POV

Nakalipas ang dalawang araw at magaling na ako ngayon. Maraming nangyari. Hindi na nga ako nakasali sa training dahil sa bagong galing daw ako. Pero ngayon, ayos na ako at kaya ko nang lumaban. Hindi naman sa kaya pero mayroon paring kirot akong nararamdaman pero kaya ko naman tiisin.

Naglalakad kami ngayon papuntang head office. Ewan ko pero ang sabi ay kailangan daw namin pumunta doon dahil may mahalagang sasabihin sa amin ngayon si rain. Minsan nagtataka narin ako sa mga kilos ng tao dito sa academy. Una, may nakita ka bang naglalampungan sa lobby? Pangalawa, nakakita ka na ba ng magkaibigan na naghahalikan? At ang pangatlo, nakakadiring isipin pero nakakita ka na ba ng same sex na naglalambingan?. Oo, tama ang narinig nyo dahil ito ngayon ang nangyayari sa loob ng academy.

Ang sabi pa nga ng mga nakausap namin ay true love daw iyon at hindi kalokohan. Pero, ang ipinagtataka ko lang ay kung bakit sila lipad magsalita. Lipad- 'yung taong hindi pinag-iisipan ang bawat salita na lumalabas sa kanyang bibig. Sorry sa term dahil ayan lang ang alam kong salita dahil ito ang madalas na marinig ko simula ng mga bata pa ako sa aming bayan.

Habang naglalakad ay nakita kong nakatingin si raven sa mga estudyante na nadadaanan namin. Parang seryoso sya na parang may gustong tuklasin ngunit hindi nito alam ang sagot. Hindi ako matalino, pero alam ko sa sarili ko na may mali sa academy. Napansin ata ako ni aries na nakatingin kay raven kaya agad akong napatingin sa ibang direksyon.

"Ayiee!! I see that lira.."pang-aasar nya. Lumapit sya sa akin at lumapit papunta sa kanan kong tainga. "You can tell me naman if you fall inlove with raven. Malay mo magaya sya doon sa ibang estudyante at bigla ka nyang niyakap."

Napatigil ako at hinihintay na pumasok sa utak ko ang sinabi ni aries. Yakap? Si raven yayakapin ako? Iniisip ko pa lang ang mangyayaring iyon ay nag-iinit na ako.

"Hey lira.. your cheeks is getting to red. Nag-blush ka!!"

Hindi ko na namalayan na namumula na pala ang pisngi ko. Napatigil sila raven at napatingin sa direksyon ko. Nakita ko ang mata ni raven na nakatitig ng diretso sa mata ko. Mapang-akit na mata 'wag kang tumingin. Maya-maya pa ay may biglang sumigaw sa kabilang tainga ko at dahil doon ay nahimasmasan ako.

"Kung hindi pa ako sisigaw hindi kapa matatauhan. Ano bang nangyari lira?"tanong ni thea habang nakahawak sa kaliwang kamay ko.

"Baka may iniisip ka na hindi namin alam. 'Wag kang mag-alala, pamilya tayo dito. Pwede mo naman sabihin sa amin ang problema mo."wika ni shino habang nakangiti. Hindi ko tuloy maiwasan na mailang dahil sa tatlong lalaki sa family namin. Kung iba ata ang babaeng nasa katauhan ko, siguradong na in-love na sya sa tatlong 'to.

"O baka may iniisip tungkol sa isang tao?"pang-aasar ni vincent at kumindat. Teka parang mahihimatay yata ako. 'Wag ngayon.

"She might be tired so we need to go in head office or else..." pabitin pa si raven. "Or else?"sabay na wika namin. "Or else we might be infected of that potion in our academy. So we need to solve this before it's too late."sabi nya at naglakad at bago pa iyon ay may sinabi sya na nagpapula lalo ng pisngi ko. "Lira, you don't want me to hug you right?"

-*-*-*-*-*-

Pagpasok palang ng head office ay ramdam ko parin ang pag-init ng pisngi ko. Ayaw ko ba ng yakap nya? Este.. ayoko talaga. Hindi naman ako malandi para magpayakap na lang sa kanya. Una sa lahat wala akong gusto sa kanya.

Pinaupo kami ni head rain sa upuan paharap sa kanya. Halata sa muka nya na seryoso sya at wala sa oras na makipagbiruan. Nakita ko rin na seryoso ang mga kasamahan ko kaya naman naging seryoso narin ako.

Liraya Academy "School Of Special Abilities"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon