Marvz (POV)
Aish hanggang ngayon iniisip ko pa rin kong anong gagawin ko.Bakit ba kasi ako pumayag,naisahan nanaman ako ng lukong yun.
Kailangan kong ipakita sa kanya na mali ang kinalaban nya.Ako yata si Marvelyn Gonzales at hindi ako papayag na matalo lang ng isang Shone dela Cruz na yun.
"Hoy bruha anong balak mo. Akala ko ba di ka sasali."sabi ni Grace. Nandito nga pala kami sa shop ko,Meron kasing isang kliyente na saamin na umorder ng cake for her daugther's birthday daw.Kaya pumunta agad ako para kausapin yung kliyente.Napag-isip isip ko nga na ano kaya kung gumawa kami ng personalise cake for any occasion tapos ipaorder namin. Kasi yung mga benta naming cake dito yung per slice slice lang. ...
Magandang ideya yun.
"Hoy bruha ano na.?"untag ni Grace.
"Anong ano na?" naguguluhan kong tanong,malay ko ba kung ano ang tinatanong nya busy ako kaiisip ng plano ko dito sa shop eh.
"Tinatanong ko kung ano ang plano mo.?" Yun lang naman pala eh,akala ko kung ano na.
"Balak ko nga sanang magpagawa ng mga personalise cake tapos ipapaorder namin,gaya kanina nagpagawa yung babae ng birthday cake para sa anak nya tapos----" pinutol nya bigla ang sasabihin ko.
"wait,ano ba yang sinasabi mo?" takang tanong niya.
"Nagtatanong ka kung anong plano ko,sinasabi ko lang sayo."
"Eh mali ka naman kasi ng dinig eh,
ang tinatanong ko kung anong plano mo para sa CBS election."
"Ewan ko rin eh,naguguluhan ako.Psh sakit sa skull...bakit kasi ako pumayag eh."
"Bruha ka kasi eh,bakit ba kasi lagi na lang kayong nagbabangayan ng Shone na iyon."-Grace.
"Ewan ko nga rin eh,pero talagang kumukulo ang dugo ko pagnakikita ko sya."
"Sabihin mo may gusto ka lang sa kanya,the more you hate the more you love." panunukso nya.
"love love ka dyan..don sa bwisit na yun,wag na!! Mas gugustuhin ko pang tumandang dalaga no. Isang malaking himala pag mangyari yun."tugon ko sa kanya.
"Sabi mo eh."
Bahala na bukas basta ang alam ko walang atrasan. God kaw ng bahala sakin.
__________________________________________________________________________
"San ka galing.?"tanong ni Grace sakin. Kararating ko lang kasi dito sa classroom.
"Nagfile lang ako."sagot ko. Nagfile na kasi ako eh,syempre ayoko namang magpatalo sa bwisit na yun no.
"So wala na talagang atrasan.?"
"Wala na talaga,tyaka may isang salita ako. At ipapakita ko sa Shone del Cruz na yun na hindi ako natatakot sa kanya."matapang kong wika.
"So kailan daw ang campaign period.?"-Grace.
"Magsisimula na daw bukas. Tapos last na lang hanggang mamayang hapon ang filing of candidacy."
"Ano namang gagawin mong pakulo.?"Medyo naguluhan ako sa sinabi ni Grace,anong pakulo?
"Ano yun.?"
"Hay maloloka ako sayo, syempre kumbaga sa mga lumalabang kandidato meron silang ginagawang pakulo may jingle,may mga flyers... yung iba nga di ba gumagawa pa ng advertisement sa TV." paliwanag nya.
"Kailangan pa ba yun?" inosente kong tanong. Syempre,para naman akong tatakbo bilang presidente ng Pilipinas sa lagay na yun.
"Bahala ka basta ako sinasabi ko lang ang alam ko. Sigurado akong may pakulo na yung kalaban mo." Napaisip tuloy ako,,,ano na kayang ginagawa ng bwisit na yun.Sigurado akong pinaghahandaan na nya ito.
"Sige na nga. ..tulungan mo ko sa bagay na yan." tanging nasabi ko na lang.
"So Ms. Gonzales nakahanda ka na bang matalo sakin.?" Ang hangin talaga ng lalaking to..pwede bang pumatay ng tao ngayon lang..pagbigyan nyo na ko,papatayin ko na talaga ang lalaking to.
Hindi ko na lang sya pinansin,alangan sabayan ko pa sya eh siraulo tong lalaking to eh.Baka mas lalong lumaki ang ulo pagpinansin ko pa.
"Nakakapipi na pala ngayon ang kagwapuhan ko." WHAT....
loading..
loading....
loading. ...
overload.
Di ko na talaga keri na hindi patulan ang isang to.
"Hahaha,Kaw gwapo sang parte brad.?" pang-aasar ko sa kanya.
Nabigla naman ako sa ginawa nya..bigla bigla ba naman nyang nilapit yung mukha nya sa mukha ko..bale ilang inch. na lang ang layo.
°__°
~lub dub~ <3
~lub dub~ <3
~lub dub~ <3
"Ano..sabi ko na sayong gwapo ako eh." parang di mairehistro sa utak ko yung sinabi nya..pano nakatingin pa rin ako sa gwapo nyang mukha,ngayon ko lang narealize na gwapo pala sya talaga......wait, di pwedeng mangyari to,hindi sya gwapo..pangit sya tama pangit sya.
GWAPO..erase erase.
"Laway mo tumutulo."
Amazona mode ACTIVATED..
"Alam mo,,alam ko namang halloween ngayon eh,kaya kung pwede lang sana tanggalin mo na yang maskara mo...nakakatakot eh."nag-iba ang expression ng mukha nya.
"So sinasabi mong nakakatakot ang mukha ko,bulag ka ba? sa gwapo kong ito panghalloween."galit nyang sabi.
Hahaha asar ka ngayon,Akala mo ha..
"Masyado ka kasing pinalaki ng nanay mo sa kasinungalingan. tignan mo hanggang sa paglaki mo naniniwala ka pa rin na gwapo.Tsk Tsk. Tsk kawawang bata." tinapik ko ang balikat nya."payong kaibigan lang,tumingin ka sa salamin.Masyado na kasing napuno ng polluted air sa edsa yang ulo mo.Kaya tuloy kung ano ano ang pinaniniwalaan mo."
"Halika na Grace labas tayo,masyado na kasing polluted ang hangin dito."yaya ko kay Grace.
Bago kami lumabas ni Grace tinignan ko muna sya..hayon halos di na maipinta ang mukha sa galit.
Pakialam ko naman sa kanya no.Sya ang nauna, sa susunod kasi kikilalanin na nya kung sino ang kakalabanin nya. Ako pa si Marvelyn Gonzales papaabog?!!?!
Pagkalabas namin ng classroom biglang nagsalita si Grace.
"Grabe ka Marvz,kawawa naman yung tao."
"Naawa ka sakanya sakin hindi..Ewan ko sayo." inis na sabi ko sa Kanya. Kampihan ba naman ang lalaking yun.
"Masyado ka ng madrama dyan,halika na nga pag-usapan natin yung gagawin nating strategy bukas."sabi ni Grace.
"Mabuti pa nga."
_____________________________________________________^__^_________________
vote
comment
BINABASA MO ANG
Sick of Loving You
RomanceA typical college girl who change because of LOVE. A love that she thought it will last Forever. BUT just like other relationship it cause her too much PAIN.. In the end, can love vanish all the pain that she had or it will end up another Pain that...