Chapter^__^15

56 5 1
                                    

Shone's (POV)

"Ano nanaman ba ang balak mo?" tanong ni Paul habang nakatingin sa tablet nya.

Kaaalis lang kasi nila Marvelyn,babalik daw sya mamaya para bantayan ako.Magpapalit daw muna sya dahil sinira ng bastos na yung ang damit nya.Pasalamat ang Jayson na yun at nawalan ako ng malay kung hindi ako na mismo ang papatay sa kanya,hayup sya.

"Wala,ano naman ang babalakin ko?"sagot ko.

"Budz kilala na kita. Hindi ka naman naniningil sa mga ginagawa mo but how come kay Marvz ginawa mo yun." sabi naman ni Kevin.

"Porket ganon ang ginawa ko may balak na hindi ba pwedeng gusto ko lang syang maging kaibigan."

"Kaibigan? Malakas ba ang impact ng pagkakapalo sayo kaya kung ano ano ang pinag sasabi mo."Paul,Ang harsh talaga ng lalaking to.

"I find her interesting.Kakaiba kasi sya eh.Kung ang ibang babae ang nasa lagay nya kanina malamang iyak na yun ng iyak but sa kanya parang wala lang.Halos hindi rin nya iniinda ang mga pasa nya,mas malakas pa yata sya sakin eh."

"Alam ko na kung saan natamaan si Budz Shone." sabi ni Kevin.

Kumunot naman ang noo ko sa sinabi ni Kevin.

"Saan?" tanong ni Paul.

"Tinamaan sya sa Puso. In love nayan kay Marvz."

"Ako inlove?hindi no. Na aastigan lang ako sa kanya,Yun lang yun."

Sya nga pala alam kong medyo naguguluhan kayo kung bakit kami nakasunod kay Marvelyn.Ganito kasi yun.

~Flashback~

Napag usapan namin nila Kevin at Paul na maaga kaming papasok may meeting daw kaming mga CBS officer.Syempre kailangan kasama yung dalawa boring kasi pag wala sila.

On the way na kami sa skol ng may makita kaming isang babae na nakikipag basag ulo sa pitong maton.Hininto muna namin yung sasakyan at tinignan kung sino yun,Nagulat kami kasi si Marvelyn pala yun.Tutulungan na namin sya kaso naipasok na sya sa loob ng Van kaya sinundan na lang namin kung saan nila sya dadalhin.

Huminto sila sa isang bakanteng lote.Lalabas na sana ako ng pigilan ako ni Paul.

"Hindi pwedeng basta basta na lang tayo papasok dyan.Malay ba natin na marami pala sila dyan.Kailangan muna nating magplano."

"Plano? nagsasayang lang tayo ng oras para dyan.Pano kung ano na ang ginawa nila kay Marvelyn."sabi ko.

"Eh pano kung imbes na makatulong tayo eh mas lalong malagay sa panganib si Idol kung di tayo magplaplano."saad naman ni Kevin.

Wala na lang akong nagawa kundi sumang-ayon sa kanila. Napagdesisyonan namin na tatawag sa pulis si Kevin habang kami ni Paul ang papasok.

"Hanggang maari Shone wag kang gagawa ng kahit anong ingay para di nila tayo makita."

Sumang-ayon naman ako sa kanya.

Dahan dahan lang kaming pumasok,medyo madilim sa loob kaya di namin maaninag kung nasaan sila.

"Boss ano ang plano nyo don sa babae?Kung papatayin nyo sya ibalato nyo muna samin bago nyo patayin.Ang ganda ganda kasi tapos ang kinis kinis pa."narinig kong sabi nong isang maton. Uminit ang ulo ko don sa narinig ko,susugod na sana ako kaso pinigilan ako ni Paul.

"Di ba napag-usapan na natin to Shone."Seryosong saad ni Paul,nakinig na lang kami ulit sa usapan nila.

"Manahimik kayo,Nasaan na yung babae?" Nang humarap yung boss nila,nabigla kami ni Paul kasi yun yung pinsan nya.Yung kinalaban dati ni Marvelyn sa isang racing.

Sick of Loving YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon