Chapter 7: GreenMinded

7 2 0
                                    

Fallen's PoV.

Tatlong araw na ang nakalipas nang magkita kmi. Habang nagkakasalubong kmi nag-iiwas sya nang daan. Kung minsan tinitignan nya ako nang masama. Gaano ba ka tindi ang naidulot ko sa ate nya?

"Hoy ! Babae ! Tama na ang pagluluksa." Ani ni Vic habang lumalamon nang sandwich.

Vacant hour kasi namin ngayon kaya tambay mode muna kami. Naisipan naming kumain dito sa field dahil wala namang mga football players ang nag papractice dito.

"May lamay ba dito? Sayang wala akong dalang bulaklak" Sabay indian sit ni Denine sa tapat ko. Kagagaling niya lng sa boyfriend niya at OO! Taken natong hinayupak nato !

"Uy! Kumibo ka naman jan oh! Baka mamaya nyan iisipin na talaga namin na ikaw ang lalamayan" sabay tulak niya sakin nang mahina para makuha ang atensyon ko.

Nagpakawala nalng ako nang isang malalim na buntong hininga.

"Sa tingin nyo? Mapapatawad nya pa kaya ako?"

"Ewan. kami pa ang tinanong mo. Wala namn kaming alam" Napa face palm nlng ako. Ba't ko pa kasi tinanong ang dalawang to? Wala naman akong mapapala na matinong sagot.

"Haaay! Buhay ko na parang life!" Sabay higa ko sa mga damuhan.

"Nga pala Fall, Pwede mo bang makuha ang payong ko sa room namin mamaya?" Sabay lamon ulit ni Vic nang sandwich nya.

"Ba't ako? Ba't di ikaw?" Sabi ko naman sabay lagay nang dalawang kamay ko sa likod nang ulo ko.

"Eeeh kashi ! May shcreening ako mamaya para sha Glee Club." Habang nguya nguya pa nya ang sandwich. "Shige na! Malapit lng naman ang room mo doon diba?" Pagpipilit nya pa sakin.

"Asan ba ang room mo doon?" Habang nakanguso kong tanong.

"Yung malapit sa stockroom." Sabay kagat ulit sa sandwich nya.

"Okay" simpleng sagot ko nalng at bumuntong hinga. Stress na talaga ako. Ba't ba kasi ako nagkaroon nang ganito ka topaking kaibigan ?

"Malapit na magtime. Tara na" paalala naman ni Denine. At tumayo na sa kina uupuan.

Sabay kaming tatlong tumungo. Nahiwalay nalang si Victoria samin dahil magkaiba ang section niya. Magkaklase lang kami sa Math,Science at History dahil doon siya nag e-excel. At OO ! Isa itong Genius ! Pero hindi siya nerd nag cocontacts lng. Ang pinagkaiba niya lang? PINAKAMAINGAY SIYA SA LAHAT NANG MATATALINO.

Nakayuko akong naglalakad dahil nawawalan ako nang gana. It was a big blow to me lahat nang mga sinabi sakin nang lalaking yun. Hanggang ngayon masakit parin. Hindi kasi ako sanay na sinasabihan o napapagalitan.

Pag dating naming room nagkakagulo ang mga ka klase namin. Ano kaya nangyayari?

"Uy, nabalitaan niyo na ba?" Salubong samin ni Wine ang dakilang chismosa sa loob nang classroom.

"Ang alin Wine?" Tanong naman sa kanya ni Denine.

"Merong transfer student dito sa section natin galing siya sa section 4-C" Pabulong niyang saad.

"Ano naman ngayon?" Tanong naman ulit ni Denine.

"Balita kasi nila fiancee daw ito nang Hot na si Erion Bautista" kinikilig kilig niya pang sabi.

Teka nga. Narinig ko na ba ang Erion? Bautista?

"Sino siya?" Tanong ko naman.

"Lintik ! Ka klase natin siya ! Di nyo kilala?" Napa facepalm nalng si Wine at umalis na sa harapan namin at bumalik sa mga nagkukumpulan naming mga ka klase.

Let's Start With HatredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon