Fallen's PoV.
24 hours later...
Oh ! Lord ! Nawalan na po nang Virginity ang tenga ko, mata ko tapos pati ngayon balat ko!?! Sinong babae ang sasaya na muntikan nang makahawak nang ahas nang lalake !?! Ang Manyak talaga nang lalaking yun ! Humanda talaga yun sakin !
"Oy ! May galit kaba sa can? Ba't mo naman iyan nilulupi?" Tanong ni Victoria habang kumakain nang sandwich.
"Di na ako Virgin"
Naibuga naman agad ni Victoria ang kinakain niyang sandwich at saktong may tumama pang Ham sa ilalim nang mata ko. Ay bastos !
Agad ko naman siyang inabutan nang tubig. Kumuha narin ako nang tissue at pinunas sa mukha kong parang panes na.
"Okay ka na ba?" Tanong ko sa kaniya habang himas himas ang likuran nito.
"Sino'ng hinayupak na unggoy ! Ang naka una sayo!?!" Pagalit niyang saad at nakatingin sakin nang matalim.
"Pano mo nalaman!?!" Gulat kong tanong sakanya. Binatukan naman niya ako.
"Kasasabi mo lang Tanga !" Ouch ha kung maka Tanga naman to.
"I mean pano mo nalamang unggoy ang nakauna sakin?" Naka kunot noong tanong ko sakanya.
"Haaay ! Fallen ! Oh ganito nalang , sino'ng lalake ang nakauna sayo? At saan iyon nangyari?" Diniinan niya pa ang pagkasabi nang 'lalake ' Sabay bigay nang mapanuring tingin sakin at ininom ang tubig na binigay ko.
"Si E-Erion Ba-Bautista. Sa Room natin" nauutal kopang wika.
Naibuga na naman niya ulit ang tubig sa mukha ko. Mukha ba akong halaman !?!? Parang hose kasi kung makabuga tong babaeng to eh.
"What the !?!?! Talaga bang hindi na kayo nakapagtimpi at gora na agad !?! At talagang kayo ang kauna unahang bumasbas nang room!" Sabay hampas niya sakin.
"Ano'ng pinagsasabi mo!?!" Tanong ko sakanya.
Hinimas niya naman ang kanyang kamay sa kanyang mukha."Ask The Turtle" tumayo nasiya at umalis. Ang dirty minded talaga ni Victoria kahit kailan, minsan naiisip ko nanunood kaya siya nang Porn? Ay ewan.
"Oh nakasimangot kajan" Biglang upo ni Denine sa harap ko. Malamang kagagaling lang nito sa Boyfriend niya.
"Wala naman" sagot ko sakanya. At muling ibinaling ang tingin sa spaghetti ko ngayong hindi pa nagalaw.
"Nga pala. Yung Jin Sy nakakilala mo? Doon nayun nag-aaral sa states ngayon. Akalain mo yun?" At nilamon ang burger niya. (Sa Chapter 2 po. Kung saan si Jin Sy XD)
Oooh ! So Kaya pala hindi ko na siya nakikita dahil doon na siya nag aaral ? Nalungkot ako haa.
"Bakit siya doon nag-aral?" Tanong ko sakanya.
"Exchange student. Akalain mong antalino niya" at kumagat ulit sa burger niya.
Kung sabagay muntikan na nga akong mainlove sa lalaking yun. Gwapo, mabait, sarap kasama, at matalino pa. All in one. Parang kape lang.
"Huy ! Ang laway mo tutulo na" tinignan ko naman kung may laway nga ako. Wala naman. Inuuto ata ako nang babaeng to.
"Bumalik ka na nga sa boyfriend mo! Puro kayo kalokohan ni Vic!" Sabay cross arms ko at sandal sa upuan.
"Tinataboy mo na ako? Talaga haa." At kumagat namn ulit sa burger niya. Mabulunan ka sana.
"Ewan ko sayo" tumayo na ako at akmang aalis. Nang makita ko kung sino ang lalaking makakasalubong ko agad naman ako'ng tumalikod at bumalik sa table namin kanina.

BINABASA MO ANG
Let's Start With Hatred
Fiksi Remaja"I hate that I love him" -Fallen Isle Moncemonte