Chapter 10: I Won

13 0 0
                                    

Fallen's PoV.

"Woooh ! Go Irvis! Go Irvis!"

"Hwaaah!! Papa Irvis !"

"Goo Roberts!!"

"Go! Erion!!"

"Syet! Bautista!"

"Babe Erion!!"

Hala ! Sige tili pa hanggang mabutas yang mga butsi niyo ! Nakakasira nang eardrums ! Ba't ba kasi pumatol ang magaling ko'ng kaibigan sa isang unggoy. Isang malaking Paking Tape -_-

"GO ! Julian !" Tili ni Denine na katabi ko.Naglalaro din kasi ang 'boyfriend' niya. Saksakan ko kaya nang popcorn tong bunganga niya. Kumakain kasi ako nang popcorn kaya lang hindi ko ma enjoy dahil sa mga mahaharot na Fans na nakapalibot sakin.

"Oohh! Ooohh! Aaaah! Aaaaah!" Tili nang mga unggoy--- este Fans nang Unggoy dahil naka 3pts. Shoot ito! Mga unggoy nga naman ang tataas tumalon.

Tumingin naman ako sa court at na hagip nang mata ko ang mata nang unggoy na kumindat pa sakin. Nabulunan naman ako nang popcorn. Ulol niya ano siya indorser nang Wink Milk??

"Hwaaaaaaah ! Fallen !! Nag wink siya! nag wink siya!" Sigaw ni Victoria habang yinuyugyog niya ako. Sapakin ko kaya? Wag nalang medyo public at madaming witness.

"Nakita ko ! Ano ngayon mag lelechon na tayo?" At inirapan ko siya! Di niyo ako madadala sa mga kindat kindat nayan. Tusukin ko nang ballpen yang mga eyeballs niyo. Che!

"Ang manhid mo naman! Kung ayaw mo sakanya edi akin nalang" naka duckface na wika ni Vic. Ba't ba andaming hayop dito sa court may unggoy na naglalaro at Bibe dito sa tabi kong umuupo. Nagmistulang zoo ata dito.

"Edi saiyo! Ngayon lang ako nakakita nang unggoy at Bibe na magkarelasyon. Pffft. Hahahhaha" Medyo nagsisigawan kami dahil maingay dito sa court, inihagis ko naman ang walang laman nang popcorn ko sa mukha ni Victoria.

"Ouch ha ! Napaka judgemental mo talaga" Sabay irap niya at umupo nang naka cross arms habang naka pout. Hahaha ! Confirm Bibe nga.

Ibinaling ko nalang ang atensyon ko sa Court mukhang mainit ang laban. Mas lamang ang mga unggoy nang 2pnts. Sa Lollipop boys.(Lollipop boys nalang dahil mahilig ang lider nila sa lollipop.)

"Hoy ! Lollipop boys bumawi kayo!" Nakisama narin ako sa mga nagsisigawan a.k.a. Fans. So ganito pala yung feeling.

Napatingin naman sakin ang ibang babae na nakaupo sa unahan. Siguro nabighani sila sa boses ko kaya napalingon sila.

"Sorry girls I don't patol to a Same Sex Relationship" Sabay pag ekis nang kamay ko at iling iling nang ulo. Nanlaki naman ang mga mata nila.

"What the Effin' "  sabay tingin sakin na parang nandidiri. Ba't mukhang nagalit sila dahil hindi ako pumapatol sa kapwa babae ko?.Talagang gusto nilang makipag relasyon sakin. Mandiri nga sila.

"I'm so sorry girls" sabay bow pa para mas sincere. I can't believe this. Habulin talaga ako mapa lalake man o babae. I'll thank Mom for this.

"Hoy! Tomboy ka ba!?!" Sigaw nang babaeng katabi ko sabay hampas. Ay bwiset !

"Paki mo ba!?! Eh sa hindi ko sila type eh!" Sabay irap ko din sakanya. Natapos na pala ang 3rd quarter at may 5mins. Break ang mga players.

Napalingon ako sa pwesto ni Denine na ngayon ay wala na siya. Asan nayun nagpunta? Inilibot ko ang aking mata at tama nga ang hinala ko nandoon siya sa boyfriend niya at nagpupunas nang pawis neto. Ewwss kaderderss Ang ewwy kaya nang pawis.

Maya maya pa ay bumalik na ang mga players para sa next quarter. Mukhang magiging malamig ang laban(parati nalang mainit ang laban para maiba naman ginawa kong malamig XD)

Let's Start With HatredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon