Chapter 6: Sorry

9 1 0
                                    

Fallen's PoV.

Namamagang mata at namumula ang ilong ko habang dina-dial ang numero ni Irvis. Siya lng talaga ang kailangan ko ngayon. Tagos to the heart and bones talaga ang mga salita ni payatot.

"Oh anong problema?" Bungad nya agad sakin. Tanging hikbi lng ang naisagot ko sakanya.

"Ba't ka umiiyak!?! Sino ang umaway sayo!?!" Pagalit nyang saad.

"A-a-ako ang na-nang away" sabi ko sa gitna nang aking pag hikbi.

"Oh? E ba't ikaw ang umiiyak? Natuluyan mo na ba ang inaway mo?"

"Gago ka!! Umiyak nga sakin eeh!!" sigaw ko sa kanya.

"Ganun naman pala eh, E ano ang dinadrama mo jan?"

"E kasiiiii Irv. Na gi-guilty ako" sabay singhot sa lalabas na sanang sipon ko.

"Ba't mo naman kasi pinatulan kung alam mong ma gi-guilty ka. Tsk mga babae talaga"

"Huhuhuhu, Irv ano ang gagawin ko?" Habang pahikbi hikbi parin.

"Ganito. Pupuntahan nlng kita jan. Basta ihanda mo nlng ang paborito kong chupachups okay?"

"Oo na ! Bilisan mo nlng!" At inend ko na ang call.

Tumayo na ako sa aking hinihigaan at bumaba para sabihin kay momy na ipag handa si Irvis nang chupachups.

Ang hilig talaga sa lollipop. Minsan nga pinanalangin ko na mabulunan sya at tuluyan na nyang malunok ang stick nang lollipop pero sadyang mahal siya nang panginoon at hindi pa ito nangyayari sa kanya.

"My, punta dw dito si Irvis" malumanay kong sabi dahil katatapos ko lng sa madramang pag iyak.

"Busy ako baby kaya ikw na ang mag asikaso" habang humihiwa nang karne.

"Okay po" akmang tatalikod na ako nang tawagin nya ako ulit.

"Fallen"

"Po?"

"Hindi ko na tinuloy ang pagkuha ko nang bodyguard para sayo"

"Po?"

"I know that you are strong. You don't need someone to defend you darling" sabay ngiti nya sakin nang matamis at bumalik na sa paghihiwa nang karne.

Akala ko naman sasabihan nya ako kung saan nakastock ang mga chupachups yun pala mga bodyguard ekek ang pinagsasabi nya. Nakoo! Ano na gagawin ko di ko alam kung saan naka tago ang mga lollipops nayun.

Bumalik ako sa kwarto at nag ayos nang sarili dahil wasted na wasted talaga ang baby face ko, daig ko pa ang babae na iniwan nang kanyang jowa.

Maya-maya pa ay dumating na si Irvis na naka long sleeve na polo na tinupi hanggang siko tapos naka faded blue jeans at sneakers tapos idagdag mo pa ang buhok nya na nka brush up. Minsan nga naiimagine ko, panu kapag may nalaglag na butiki galing sa kisame at biglang nalaglag sa buhok nya sigurado tusok na tusok ang butiki nayun. Ba't ba kasi pinili nyang mag dive sa buhok nang Irvis nato, kawawa naman ang lizard.

"Oy Fallen! Nakikinig kaba?" Sapay pitik pitik nang daliri para makuha ang atensyon ko.

"Ano nga ulit yun? Napasukan kasi nang langaw ang tenga ko kanina kaya di kita narinig."palusot ko sakanya. Di ko naman namalayan na sa sobrang imagination ko kanina di na ako nakaconcentrate kay Irvis.

"Ang sabi ko. Humingi ka nlng nang tawad sa kanya."

"Eh !! Siya naman ang may kasalanan eeh"

"Ano'ng klaseng kasalanan?" Sabay kunot nang kanyang noo.

Let's Start With HatredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon