Fallen's PoV.
2 days later.......
'Fallen okay lang yan. Virgin pa naman ang mata mo diba?' - sarili ko
"Tam tama virgin pa" pag sang.ayon ko naman sa kanya.
'Wala kang nakita. Pero may narinig ka' -sabi nanaman nang sarili ko.
"Tama tama may narinig lang ako"
'Mga nakakapanindig balahibong tinig'- sarili ko nanaman
"Tama tama mapanindig na balahibong tinig"
'Ang manyak mo Fallen'
"Tama tama ang manyak ko"
"WHAT THE HELL ON EARTH !?! Isle ??? Totoo ba ang narinig nang mga tenga ko!?!"
"Tama tama ang narinig m--- ay Putspa ! Anong pinagsasabi mo!?! " Nakakunot noong wika ko kay Victoria na biglang sumulpot. Problema nito?
"My Goodness !! Hindi mo ba naririnig sarili mo!!!!?" Sigawan daw ba ako?
"Syempre naririnig. Nag-usap panga kami"
"Ghaad !!! Nasapian ka na nga" sabay face palm niya.
"Ooooh~ sinapian ako nang masamang espiritu~ooooh~" sabay gaya ko nang pose nang mga white lady at tinakot tong OA kong bespren.
"Umayos ka nga ! Dalawang oras ka nang tulala dito. Tignan mo nga yang itsura mo! Magkamukha na kayo nang baliw na nakatambay sa palengke" sabay turo turo sa mukha ko.
"Ba't ka ba kasi nandito ha? Namiss moko no?" Sabay ngisi ko nang mapang asar sakanya at tinusok tusok ang tagiliran niya.
"Misss your Face ! May naghahanap sayo" nakataas kilay niyang saad.
"Tao ba ? Hayop ? Halaman ?" Tanong ko naman sakaniya.
"E-W-A-N ko sayo. Si ERION BAUTISTA siya ang naghahanap sayo, kaya maiwan na kita" sabay flip hair at naglakad palayo.
Problema nun? May dalaw ata yun eh. At teka nga? May naghahanap sakin ?
AY SHING SHONG SHANG !!
SI ERION ! SI ERION ! HINAHANAP AKO!!!!
Lord please ! Ayoko pa pong mamatay ! Di ko pa po nakikita ang asawa ko mga anak ko pati narin ang mga apo ko. Gusto ko pa pong makita ang mga apo ko sa tuhod. Maawa po kayo sa ibang mga lalake dahil iiyak talaga sila nang balde baldeng luha dahil sa pagpanaw ko.
"Hoy Babae"
Hindi ko pa po napaplanuhan ang disenyo nang kabaong ko kung ano ang ilalagay sa lapida ko at kung ilang lote ang bibilhin ko para doon ako ilibing. Di pa po ako naka pa picture para ilagay sa labas nang lamay ko. Wala pa po akong napiling flower shop para mag ayos nangbulaklak ko. Di ko pa po alam kung ano'ng kape ang ipahahanda sa mga taong pupunta.
"Hoy Baliw"
Di ko pa po alam kung ano'ng kulay nang kanilang idadamit kapag ihahatid na nila ako sa sementeryo. Please po Lord. Gusto ko pa pong maka 2 points sa Math. Gusto ko pa pong ma experience ang girl scout. Teka nga? May girl scout pa ba sa ganitong grade level? Nevermind !
"Hoy manyak"
Lord please ! Di pa po ako nakatungtong nang college. Magpapakamatay po talaga ako sakaling mamatay po ako, Para double kill. Magpapaturo pa po akong maglaro nang plants vs. Zombies. Di ko pa po pinapanood ang bagong episode nang Barney.
Hindi pa po ako nakabili nang bago-----
"Tumingin ka nga sakin!!!" Biglang hatak sakin nang lalake...... Si Erion para maharap siya.
Nandito na si kamatayan. Tumulo na ang luha ko ayoko pang mamatay.
BINABASA MO ANG
Let's Start With Hatred
Fiksi Remaja"I hate that I love him" -Fallen Isle Moncemonte
