Chapter 1: Popularity

46 2 5
                                    

"Margarette." ang gwapo talaga niya.

"Yes? May sasabihin ka?" kilig to the bones ako. AYIEEE..

"Margarette, matagal ko na talaga tong gustong sabihin sayo." ang ganda ng boses niya.

"Ano yun?" ayan na malapit na.

"NATATAE NA KO!"

"AHHHHHHHHHHHHHHHH!" hay. panaginip lang pala. Akala ko pa naman magtatapat na siya sakin. Kahit sa panaginip lang okay na ako basta mahal niya ako at mahal ko rin siya.

Weird ko ba? Kahit panaginip pinapatos na.

Hay! Ano ka ba Margarette para ka talagang sira ulo. *tapik sa noo.*

Nagsimula na akong gawin ang morning rituals ko. Habang nagto-toothbrush naalala ko pa din yung panaginip ko.

Sasabihin ko ba sa inyo kung sino yung napanaginipan ko....

IHHHHHHH.. Kiniikilig na naman ako sa tuwing naaalala ko siya.

Wag na natin alalahanin yung panaginip ko. Ewan ko ba kung bakit ganon yung dream ko. Inaasahan ko pa man na maganda yung panaginip ko, pero hayaan mo na, ipagdadasal ko na lang na sana matuloy yung panaginip ko. Pero iba na yung sasabihin niya sakin mamaya.

Bumaba na ako ng hagdan at nakita ko na si mommy na naghahanda ng almusal.

"Good morning ma!" masaya kong bati sa kanya, sabay kiss ko sa pisngi niya.

"Good morning nak. Teka bakit parang narinig ko na sumigaw ka kanina," concen na ttanong sakin ni mommy. Sasabihin ko ba? Naku baka naman tawanan pa ako ni mommy kapag sinabi ko pa sa kanya.

"Ahh.ehh. May ipis lang po kasi sa kwaro ko kaya ako napasigaw."

"Anong ginawa mo?"

"Napatay ko na po. Mommy nagugutom na po ako." umupo na ako sa may table.

"Tawagin mo muna ang kapatid mo."

"Sige po."

Tumayo na ako at pumunta muna sa c.r. para kumuha ng tubig. Alam niyo na kung anong gagawin ko. Umakyat na ako papunta sa kwarto ni kuya.

Oo may mas matanda pa sa akin, pero minsan ako siyempre ang feeling ate.

Nilagabog ko ang pintuan niya.

"AHHHHHH! KUYA GUMISING KA NA DIYAN KASI NASUSUNOG KANA!  *wisik wisik ng tubig* kala niyo ibubuhos ko ito sa kanya, pero siyempre hindi baka pagalitan ako ni mommy.

Nagulantang bigla si kuya at ayun biglang tumayo.

"AHHHHH! Margarette patayin mo yung sunog! Dali ang init!"

"HAHAHAHAHA! Kuya walang sunog, ginising lang kita kasi handa na yung breakfast. Tsaka anong mainit, tingnan mo nga yung aircon nakabukas." hay naku kuya, shunga lang minsan?

Ayun parang bumalik sa katinuan nung narinig yung sinabi ko. Tiningnan niya ako ng masama at alam ko na kung ano ang susunod na mangyayari.

"Ikaw! Sinong maysabi sayo na ijoketime mo ko" kinaladkad ako ni kuya papunta dun sa sa kama niya tapos nangiliti.

"Ahahaha kuya-- Ahahaha tama-- Ahahaha na Ahahaha"

"Ikaw sa susunod na pagtripan mo ko hindi lang yan ang matitikman mo."

"Sorry-- Ahahaha na-- Ahahaha-- Kuya Ahahaha." pikon much talaga to kung minsan.

Tinigilan na niya yung pagkiliti niya sa akin. Dali-dali siyang bumaba sa hagdan. Hay naku magsusumbong na yan kay mommy. Minsan kasi may pagka-childish ang kuya ko minsan kahit 20 na.

Until I Reach YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon