Hahahaha. Bitin ang update ko, sorry kung late na rin ako nag-update dahil nga sa kadahilanan na busy sa bakasyon. Siyempre pasukan na next week so lubusin na ang bakasyon. I want to live free.
HAHAHAHA. ANO DAW??
HAPPY NEW YEAR SA INYO READERS. I HOPE NA MAGING MASAYA ANG BUONG TAON NA ITO PARA SA ATIN, AND SANA PATULOY PA ANG NINYONG PAGTANGKILIK SA WATTPAD, NA PINAGKUKUHANAN NATIN NG INSPIRATIONS SA BUHAY.
-------
Chapter 5
"Ui Arianne anyare sayo?" -Vianca
"Palaka ka!" ano ba naman tong si Vianca lagi na lang nanggugulat. Tiningnan ko siya ng masama. "Ano na naman Vianca?"
"Kanina ka pa kasi nakatulala, masyado ka yatang nagwapuhan kay Dylan, tingnan mo may laway ka pa." sabay tawa ni Vianca.
AHHHHHHH!!!! KADIRI!
Agad-agad kong pinunasan yung labi ko. Ano ka ba naman Arianne, lagi ka na lang bangag kapag nakikita mo si Dylan, with matching tulo laway ka pa. Kadiri talaga, buti na lang at si Vianca lang yung nakakita sakin, kundi baka tampulan na naman ako ng tukso sa buong school. Nung first year kasi ako, napaka shunga ko kaya hindi ko nakita yung putik sa dadaanan ko kaya nadulas ako dun tapos sumubsob yung mukha ko dun. Hay ako lang naman ang naging topic ng mga students sa loob ng isang buwan, kaya lagi na akong nag-iingat sa mga moves ko pero hindi ko pa din magawa.
"Ano tulala na lang tayo maghapon?" ito na naman si Vianca.
"Ewan"
Natapos na yung speech ni Dylan about sa future plans niya sa school. Hay hindi na ako a-absent sa bawat meeting ng org dahil nandiyan na si Loves ko.
Naglelevel up na ko. Sana siya din naglelevel up na sakin.
Asyumera talaga ko kahit kailan. Pagpasensiyahan niyo na.
Nagpatuloy na ng pag-announce ng mga officers para sa org.
"Okay the Assistant secretary for this year will be..
Arianne Beverly Santos..
OMY GULAY...
Nagtinginan ang mga tao sa akin. Ito na nga ba ang ayaw ko eh, yung makakuha ng atensyon ng mga tao, para akong nagiging tunaw na ice cream kapag tinitingnan nila ako. Ewan ko ba kung bakit wala akong ganong confidence sa sarili ko.
"Can you please come here infront to introduce yourself," sabi nung host.
ito na nga ba ang sinasabi ko, parang nanlalambot yung mga tuhod ko. Pwede bang wag na lang, tutal naman makikita nila ako araw-araw so makikilala na rin ako.
Nakaupo pa rin ako, parang namagnet na yung butt ko sa upuan ko.
Tiningnan ako ni Vianca.
"Beshie kaya mo yan, just be yourself, tingnan mo nakatingin na yung mga tao sayo kaya dalian mo na." Tinulak-tulak ako ni Vianca para tumayo ako.
"Ano ba Vianca?" inis na sabi ko sa kanya. Mag-walk out na kaya ako, ayoko na.
"Beshie kaya mo yan. Para kay Dylan."
Biglang nabuhayan ang loob ko ng marinig ko ang pangalan ni Ileng.
Hay kahit kailan, marinig ko lang o makita lang kita, buhay na ako at siyempre buo na araw ko.
Dali-dali na akong tumayo at naglakad na papunta sa unahan. Pinagtitinginan pa din ako ng mga tao.
Nakarating na ako sa stage at iniabot na ng host yung mike sa akin... Shems ang lamig ng kamay ko. Pumunta na ako sa gitna at nagsalita.
BINABASA MO ANG
Until I Reach You
Ficção AdolescenteSi girl walang sawang pinapantasiya ang sinasabi niyang destiny niya. Obsessed siya kay boy na hindi naman siya pinapansin, pero hindi pa rin siya susuko hangga't walang improvement sa kanilang dalawa. Paano kung isang araw si girl na tinitingnan si...