Chapter 2: Ikaw

30 0 0
                                    

Hay sa wakas nakumpleto ko din ang update, sorry mga readers kung matagal ang update. Nalalapit na kasi ang aming quarter exam so i need to review kaya wala munang update.

By the way medyo revise itong chapter na ito at tsaka for info lang binago ko na ang name ng aking main character dito. May nag-suggest din kasi sakin eh.

So ang name na niya ay.

ARIANNE BEVERLY SANTOS.

May game ako, kung sino ang first 5 na mg vote and comment sa story ay ifa-follow ko.

I'm serious readers. So game na!

---------------------------------

Chapter 2

"Hmmm" grabe ang lambot naman ng unan na ito. Super thank you talaga dahil walang pasok at makakatulog ako ng matagal, yun lang hindi ko makikita si crush.

"Hoy Arianne gumising ka na." ano ba naman yan si mommy wala kayang pasok. Bakit naman niya ako ginigising? Nasanay na siguro si mommy na laging may pasok.

"Mommy inaantok pako tsaka wala namang pasok eh." pagrereklamo ko.

Itinakip ko ang isang unan sa mukha ko para matakpan yung nakakasilaw na liwanag pati na din yung nakakarinding boses ni mommy.

"Loka ka hindi ito ang nanay mo, ako ito si Vianca bestfriend mo." hay naku nananaginip lang pala ko. Ano ba tong si Vianca, hanggang sa panaginip sinusundan ako.

"Balak mo bang matulog dito sa clinic buong araw? Okay kung yan ang gusto mo mauuna na ako at may summative pa tayo na kailangan kong itake. Bahala ka diyan mag-adjust." Sabi ni Vianca. Hay ano bang panaginip ito?

Tinanggal ko ang unan na nakatakip sa akin at idinilat ang mga mata ko.

Nakita ko ang puro puting kulay ng dingding. Sa may kaliwa ko naman ay nandoon ang mga bakanteng beds, tiningnan ko yung suot ko at hindi ako makapaniwala na naka-uniform pa pala ako. Bakit ba ako nandito? Ang alam ko wala naman akong sakit, at bakit naka-uniform ako eh ang alam ko ay wala namang pasok. Nilinga ko ang tingin ko sa kanan at at nakita ko ang isang pamilyar na figure ng babae na naka-uniform din, may mahabang buhok at nakasalamin. Si Vianca ba ito? Anong ginagawa niya dito?

"Napasarap ata yang tulog mo. Masyado ka kasing nag-enjoy eh." mataray na sabi niya sa akin.

"Anong ginagawa mo dito? At bakit ako nandito sa clinic? At bakit ako naka-uniform eh wala namang pasok?" pag-uusisa ko.

"Ang dami mo namang tanong. Pero bago ko sagutin niyang mga nakakaloka mong tanong, sabihin mo sakin, mukha ba akong nanay mo?" taas kilay niyang tanong sakin.

"Pwede na din." nakangiting sagot ko sa kanya.

"What?!" gulat na sabi niya.

"Joke lang, maganda ka naman eh pero mas ma--- Aray ha." pagrereklamo ko. Pano ba naman kasi pinalo ako sa braso, parang isang tonelada yung kamay sa sobrang bigat.

"Nasagot ko na yung tanong mo, so it's my time naman para sagutin mo yung mga tanong ko." mataray na sabi ko.

"First of all hindi ka nananaginip totoo lahat ito." sinubukan kong kurutin at sampalin ang mukha ko at nakaramdam nga ako ng sakit, so totoo nga ang lahat.

"Nandito ka sa clinic dahil nahimatay ka." sabi niya habang pinipigilan ang tawa niya.

"Anong namang nakakatawa don?" tinaasan ko siya ng kilay.

"Sabi sakin nung ibang estudyante, nahimatay ka daw nung nilapitan ka ni ileng."

Biglang nanigas ang buong katawan ko. Bumalik lahat ng mga nangyari sa araw na ito, yung pagtitig niya sa mga mata ko, nung kinausap niya ako at.at.at.

Until I Reach YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon