Huhuhuhu. Sorry kung hindi ko natupad ang promise ko na magu-ud kahapon. Nagkaroon kasi ng unexpected na lakad ang family so hindi ko na ito naasikaso. Pero now na may time na ulit ako, continue na naman ito.
-----------
Chapter 4
Kringgggg. kringgg. kringgg.
Pinatay ko ng madiin yung alarm clock sa tabi ko. Inaantok pa ko ayoko pang bumangon... Kainis kasi tong si kuya, nagyaya pa kasi manood ng sine kagabi, at huwag kayo pinili pa yung last full show kaya iyan midnight na kami nakauwi. Buti na lang at tulog na yung parents namin kundi baka masapok kami ng di oras.. Siyempre joke lang yun.
Sinabi ko rin naman kasi kay kuya na may pasok pa ako bukas kaya hindi kami pwede magpagabi, ayaw niyang pumayag. Sabi pa niya na namiss niya daw ako kaya lubusin namin yung araw na ito.
Eh?? Araw-araw kaya kami nagkikita so bakit naman niya ako mamimiss right?
Hay nako inaantok pa ko kaya matutulog muna ako.
Tinakpan ko yung mukha ko ng unan at kinumutan ko yung sarili ko, Maaga pa naman so okay lang na mag-extend ako kahit konti sa pagtulog ko.
"ARIANNE ANONG ORAS NA. MALE-LATE KA NA NAMAN. BUMABA KA NA DIYAN!" agad-agad akong napabangon mula sa pagkakahiga ko. Hay ang boses talaga ni mommy ang dakilang alarm clock ko. Kahit sino ata kapag narinig mong sumigaw yang si mommy, mawiwindang. Kasi naman parang may built-in mega phone sa bibig niya. Para rin yang horn o kaya naman sirena sa sobrang lakas ng boses niyan.
"ANO NA ARIANNE. PATAGALAN TAYO!" ayan na si mommy galit na. Ayaw kasi niya kaming nale-late sa kung saan kami pupunta. Mapa school or office pa yan o kahit na simpleng meet up lang sa mga friends, ayaw niyang male-late ka.
Gusto ko yung ganyang patakaran ni mommy kahit minsan ay nakakainis na kasi yan yung paraan niya para madisiplina ka.
Dali-dali kong kinuha yung towel ko at mga pampalit ko at dali-daling nagpunta sa banyo para maligo. PAgkababa ko sa hagdan ay dumiretso agad ako sa table para mag-almusal. Nandun na din si daddy at si mommy pero wala si kuya... Ay oo nga pala wala yung pasom ngayon kaya pala ang lakas magyaya manood ng sine at last full show pa... Kainis ka talaga kuya!
"Balit ba late ka na naman nagising ha?" bungad na tanong sa akin ni mommy.
Ah..Ah..Ah. Ano bang sasabihin ko. Na gabi na kami umuwi ni kuya? Nako baka pag sinabi ko yun ay maground kami ng one week. Mahirap yun no. No gadgets, hindi ko kaya.
"Pipi much Arianne? Saan kayo galing ng kuya mo?" (dug.dug.dug.) hala ano bang sasabihin ko?
Tumingin ako kay dad. Kainis din to si dad eh, ngitian pa ba naman ako habang nakaupo ako sa silya elektrika at tinatanong ni mommy. Dito talaga mana si kuya eh, parehas silang makulit.
Kay dad kasi okay lang maggala ka basta hindi mo ibabagsak yung grades mo, eh kay mommy? Naku bawal ang masyado sa kanya, kundi matitikman mo ang bagsik niyan. Hahahaha. Halimaw lang mom? Hehehe, joke lang.
"Ahmm. Mom si kuya po kasi, n-nagyayang mag-bonding kami sa labas." kinakabahang sagot ko kay mommy.
"At anong oras kayo umuwi?"
"A-ano po mga gabi na po." hindi alam nila mom and dad kasi parehas silang nasa work.
"Anong oras?" hala na.
"Midnight na po." ayan nasabi ko na ang magic word. Humanda ka na Arianne dahil sasabog na si mommy.
"What?! Ilang beses ko bang sasabihin sa inyo ng kuya mo na huwag magpagabi sa daan?" galit na sabi sakin ni mommy. Tumayo naman si dad at hinawakan yung mga balikat ni mommy.
BINABASA MO ANG
Until I Reach You
Teen FictionSi girl walang sawang pinapantasiya ang sinasabi niyang destiny niya. Obsessed siya kay boy na hindi naman siya pinapansin, pero hindi pa rin siya susuko hangga't walang improvement sa kanilang dalawa. Paano kung isang araw si girl na tinitingnan si...