Chapter 3: Libre ko

26 0 0
                                    

Jeremy's Pov

Kasalukuyan akong nag-dadrive papunta sa mall dahil nga sa promise sakin ni Bevs na ililibre niya ako ng ice cream. Siyempre ako tumatanggi ng libre especially ng ice cream na favorite ko... No way.

Pero pansin ko na wala sa katinuan si Bevs. Ewan ko ba, basta simula nung marinig niya yung sinabi nung kaibigan niya ay nagkaganyan na yan.

Ano ba kasi yung sinabi nung kaibigan niya? Para kasi akong shunga na nakatingin sa labas kaya di ko na alam kung ano na yung nangyayari sa paligid ko.

Namamana ko na ata yung bangag characteristic ni Arianne. Tsk

Speaking of bangag, yun nga ang itsura niya ngayon, nakatingin lang siya sa labas na parang ang lalim ng iniisip. Ano ba kasi yung narinig niya??

Tumingin ako sa rearview ng sasakyan at ganun pa rin yung posisyon niya.

"Bevs may problema ka ba?" worried na tanong ko sa kanya. Siyempre baka kung ano na ang nangyari dito, as a kuya, responsibilidad ko si Arianne kundi baka mabugbog ako ni Dad.

"Ay palaka!" gulat na reaksiyon ni niya. Saan niya ba nakuha yung ganyang expression niya? Nakakatawa siya.

Boring na tumingin sakin si Arianne. Ewan ko ba, sa tuwing tinitingnan niya ako ay parang natatakot ako. Ako kaya ang kuya so bakit ako natatakot? Minsan din talaga, siya yung mas matanda kung kumilos saakin kaya napapanganga na lang ako.

Kailangan ko na sigurong mag-mature pa.

Arianne's POV

Ahhhhhh!! Totoo ba? Totoo ba na si Ileng yung nagdala sakin sa clinic? Ha? Ha?

Totoo kaya yung sinabi ni Vianca? 

Yun ba yung dahilan kung bakit ako pinagtitinginan ng mga tao sa school?

Ano kaya yung reaksyon ni Ileng nung binubuhat niya ko?

Nabigatan kaya siya?

"Bevs may problema ka ba?"

"Ay palaka ka!" nagulat ako sa biglang pagtawag sakin ni kuya.  Wrong timing naman to si kuya kung tumawag, kung kailan busing-busy ako sa pag-iimagine ng mga nangyari kanina dun pa siya sisingit. Vadtref.

Hinarap ko siya in a boring way. 

"What kuya?" iritang dsabi ko sa kanya. Kainis kasi.

"Para kang bangag diyan, well hindi naman ako naninibago kung bangag ka, it's just that parang kakaiba ka ngayon. Is there any problem?" Eww ayan na naman siya sa pagtawag sakin ng Bevs.

"Nothing kuya. At ilang beses ko bang sasabihin sayo na huwag akong tawaging Bevs?" inis pa rin ako sa kanya.

"Bakit? Ang cute kaya... Hindi mo pa sinasagot yung tanong ko Arianne."  biglang nagseryoso yung mukha ni kuya. Omy, hindi ako sanay na ganito siya. Sanay ako na palagi siyang nakatawa.

"Wala to kuya, marami lang akong iniisip." I lied... Nako mga bata, huwag niyong gagayahin ang kalokohan kong ito. Remember, may nakakakita sa inyo.

"Really? Eh ano ba yung sinabi sayo nung kaibigan mo kanina?" hindi pa din siya convinced.

"Si Ileng"

IHHHHHHHH. Grabe. Sasabihin ko ba? Nako malamang aasarin lang ako nito tapos baka sabihin pa kila mama.

"Samin na lang yun ni Vianca." pag-iiwas ko.

"Ano nga kasi yun?" tingnan mo to, pinagpipilitan pa. Minsan talaga napapaghalataan natong si kuya eh. May pagka-tsismoso talaga. 

Until I Reach YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon