seven//Welcome home Gabs

107 6 1
                                    

*third person *

"Gabrielle, ayos ka lang ba dyan?" sabi ng daddy ni gabby habang naghihintay sa labas ng pintuan ng banyo, matagal tagal na kase si gabby sa loob ng cubicle, nag aalala na ung matanda sa anak nya

"yes dad, lalabas na ko ahahha " sabi ni gabrielle sa loob, napangiti nalang ang tatay ni gabby 

"that's my brave little girl" napa singhal nalang sya at lumakad papalayo sa pintuan

" una na ko sa parking lot ok? aasist ka naman nung nurses, para maihanda ko na ung koche sa baba ok?" 

"opo pa," sabi ni Gabby, rinig nyang nagbukas na ang pintua sa kwarto nya, sigurado na syang wala na ang kanyang ama sa silid na iyon... nilinis nya pa kase ung mga nalagas na buhok dun sa cubicle nya, nakakahiya daw kuno sa mga nurse 

Di na sya nagpasama sa nurse na nakaabang sa labas ng kanyang silid, kaya't mag-isa nalang syang bumaba sa parking lot habang kumakanta pa. Nakasakay na sya sa koche ngunit tila ba naaaligaga sya, na para bang may mangyayare

"dad, wag kaya muna tayong umalis? I feel sick" sabi nya 

"because you are sick ahahhaha Xd juke lang nak, lika na uwi na tayo" pinaandar na ng daddy ni gabrielle  ang makina at nagsimula na syang magmaneho, inabot lang sila ng 10 minuto dahil walang traffic kuno 

malayo pa lamang ay tanaw na ni gabrielle ang sandamakmak na balloon na puro paboritong kulay nya pa.

"Daddy" wika nya, saglit nyang tinignan ang mga lobo at bumalik ang tingin nya sa kanyang ama na nakangisi

"si dad ginagawa akong bata... yung totoo? balloons? si dad talaga... pero anyways... salamat daddy, you're the best ever" sabi ni Gabrielle

"wag kang magpasalamat saakin, kay Jeff... he's the one who planned all of this" ramdam na ramdam ni gabrielle na umangat ang kanyang dugo patungo sa kanyang mga pisngi, rinig na rinig rin nya ang malakas na kabag ng kanyang puso

"tss... si Dad talaga, baba na nga tayo" umiwas sya ng tingin sa ama

"yiee... si Baby gabby ko, dalaga na, may pag-ibig na... kinikilig na yan ahahha" biro ng ama

" tss... daddy talaga, friends lang kami ni Kuya Jeff no... pero malay ninyo ahahha joke lang dad" bumaba na si Gabrielle at nakita nya lahat ng mga kaibigan nya, mga pinsan kaklase at ibang co-models nya

"Welcome back gabs~" bati nilang lahat kay Gabrielle, isa isa nila itong nilapitan at niyakap, halos maiyak na nga si Gabrielle, akala nya'y iniwan na sya ng tuluyan sa ere ng mga taong inakala niyang mga kaibigan sya na iiwanan sya dahil nasira na ung modeling career nya

Gabby*

Grabe... kinikilig ako ng parang ewan~ akalain mong gagawin un ni kuya jeff para sakin :"") sabagay...  para kay ashley naman lahat ng to e, what do I expect... may makakatangi pa ba sa hiling ng isang ama para sa anak nyang ilang araw nalang mawawalan na ng hininga... wala diba?

mabuti na rin yung ganito, ung kunyari wala akong alam... if i know they're actually trying their very hardest to make me feel special, to make me happy...

And I am forever thankful to them for doing this to me... especially si Kuya Jeff... nakaya nyang pagbigyan si daddy pati ako... kaya mahal ko yun ee... un nga lang di ganun ung nararamdaman nya sakin... :))

tama na nga, this is my day, inilaan nila ung araw na ito para saakin... I shouldnt spoil it, sayang naman efforts ni Jeff my labs so sweeeet ko

"gabbs" rinig kong may tumawag sakin, kala ko si kuya jeff... si Vince lang pala, aba't may boquet pa ang loko... naka tux pa, samantalang ung iba... naka pambahay nga lang ee... at nangunguna na dun si Alyanna, naka pantulog pa nga ee... di pa yan naliligo for sure XD

" oh vince? ano okasyon, bihis na bihis ka ata?" tanong ko sa kanya

"wala... masama bang magbihis ng matiwasay binibini?'' at may ganito pa syang alam ha? banatan ko nga rin tong unggoy na to

" wala naman ginoo... " sabi ko pa, natatawa na talaga ako sa ginagawa namin, tumawa nalang kaming dalawa, magdadalawang oras na ko mula ng makauwi, at parami na ng parami ung mga taong pumupunta, ayoko pang mapagod... wag nalang muna sana

sayang kase ee... 

"gusto mo bang sumayaw?'' out of the blue bigla nyang sinabi saakin yun ang kulet kulet talaga nitong si Vince, kaya mahal ko rin tong lalaking to ee

"sureee~" sigaw ko sa kanya, pang urat ba XD, nagpalit nalang bigla ung tugtog sa isang instrumental na parang classical na sobrang sweet... naramdaman kong parang may kumiliti sa spine ko... emergerd~ kinikilig ako...

hindi nooooo~ kay jeff lang pala ako, ni gabrielle... si Jeff ang Crush mo at di ang ungas na to XD

inilahad nya ang kamay nya at malugod ko tong tinangap... ang saya, naalala ko nanaman tuloy ung mga fairy tales na binabasa ko nung 14 years old ako :)) inilapat nya ang isang kamay nya sa bewang ko at ganun rin ako sa balikat nya, tinignan nya ko sa mga mata ko na para bang nangungusap, ung para bang may gusto syang sabihin saakin.... ano bang meron?

"Vince?" sa kalagitnaan ng aming pagsasayaw nasabi ko bila ang kanyang pangalan

"hmm?" wika nya

"may problema ba?'' tanong ko sa kanya.... kase nararamdaman ong meron, pero bakit ayaw nyang sabihin sakin? may problema nga ba talaga sya??

"g-gabrielle, may sasabihin ako sayo..." sabi ko na ee meron... tong si Vince talga kahit kelan, kung di mo tatanungin di nya sasabihin

"ano yun?" tanong ko, di sya nagsalita pero niyakap nya ko... ng sobrang higpit... nakakahinga naman ako, pero anong nangyayari?

"gabrielle, naalala mo dati nung umalis ako... umalis ako kase akala ko yun ang sulusyon para mawala lahat ng nararamdaman ko sayo, pero hindi e... di pa rin pala, mahal pa rin pala kita... pero hanggang ngayon sya pa rin pala... ang sakit Gabs... ang sakit, parati nalang ba ganito? kelan ba darating yung panahon na magiging ako laman ng puso mo? nagparaya na ko't lahat lahat... bakit ganun gabs?" ramdam ko ang mga hikbi ni Vince, napaka iyakin talaga nito kahitt kailan

napasinghal nalang ako... oo nga, bakit di nalang kase si Vince, pero wala ee, you can never teach a heart to love somebody you dont...

may mga bagay na kahit panahon di mababago... parang ung nararamdaman ko kay Kuya Jeff... Ipinagtabuyan na ko't lahat, mahal ko pa rin... mahal ko sya kase mahal ko sya :)) at wala nang magbabago doon...

" kase... mahal mo ko, na kahit gaano ka pa masaktan, di ka susuko... mahal mo kase ee... parang ako lang, nagmukha na kong tanga sa harap ng maraming tao dahil sa lintik na pag-ibig na to... pero wala ee... mahal ko si kuya jeff... as in sobra" sabi ko, tumigil na sya sa pag iyak pero nakayakap pa rin sya saakin pero di na ganun kahigpit

" di ka pa napapagod?" tanong nya saakin... 

" ikaw ba? pagod ka na? kapag napagod ka na... baka dun lang din ako tumigil"

"tsk.. tama na nga, isipin nila bakla ako..., pinaiyak mo kasi ako ee" at ako pa talaga ha?!

"Gabrielle..."

460 SecondsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon