Eleven// Gabrielle

76 8 0
                                    


*Gabby*

And just like that, I was back in my hospital bed. Matapos naming mag palitan ng vows ni Kuya Jeff, nawalan na ko nang malay... Syempre ba naman, Ilang taon kong hinintay yung 3 salitang yun na manggaling sa kanya

Those 3 words... Na hindi ko inaasahang sasabihin nya sakin. Rinig na rinig mo yung tunog ng airconditioner, hindi ko alam kung anong oras na, pero sa madilim na sa labas ng bintana. Nakahiga sa sofa si kuya jeff...

Tulog na tulog, tumayo ako sa kama ko at umupo sa sahig para matapatan yung mukha nya. Ang amo amo nya tignan...

Sobrang amo nya tignan... Na sa sobrang ka-cute-an nya ayaw ko na syang tigilang tignan.

Ngumiti ako nang bahagya at isinara ang maliit na gap sa pagitan ng mga labi namin. Di ko na namalayang tumutulo na pala yung luha ko...

Sabi ko sa sarili ko noon... Kapag marinig kong mahal nya ko kahit di totoo, lumabas lang yung tatlong salita na inaasamasam ko, ayos na na mamatay ako... Pero ngayon... Ayoko na, gusto ko pa syang makasama... Gusto ko pang bumuo nang pamilya kasama sya... Pero sa natitirang araw na mayroon ako?

Sa iilang oras na nalalabi? Parang impossible...

"pasalamat ka, asawa na kita..." biglaan nyang sinabi, naka sara ang mga mata nya pero bahagya syang ngumiti sa akin

"ayoko pang mamatay... Ang daya, ang daya daya... Ilang taon yun Kuya Jeff. Ilang taon akong nagpapansin nang bongga, tapos kung kelan gusto mo na rin ako..."

"importante pa ba yun?lika nga dito" niyakap nya ko kaya napasubsob ako sa dibdib nya

"oo importante yun... Ikaw kase, ang tagal mong mainlove sa akin"

"You wont die... Di pa nga kita nabubuntis." pinalo ko yung tyan nya at napaupo sya bigla, tawa lang sya nang tawa sa akin

"ikaw ang bad mo, bata pa ko." pero parang kanina lang sinasabi ko na gusto kong bumuo ng pamilya kasama sya

"bukas na bukas..."

"bubuntisin mo ko?" sinapok nya yung ulo ko. Masakit, battered wife pala ang abot ko dito

"sira. Diba nga bata ka pa para dun, ang ibig kong sabihin... Bukas na bukas, may session ka ng chemotherapy." napangiti nalang ako dito... Chemo? Stage 4 na cancer ko... Anong magagawa ng chemo?

"ayoko... Uubusin lang nun yung buhok ko. Ayokong mamatay na pangit."

"ako, ayaw kitang mamatay Gabrielle" nanghina na kong tuluyan sa sinabi nya, nahirapan na kong huminga... Bumaba sa sahig si Kuya jeff and wrapped his arms around me

"ang hirap... Ang sakit... Ang sakit sakit, kase nakuha kita para ipamigay lang uli, ang tagal kong hinintay yun para mawala lang uli... Ang daya. Lagi nalang ako yung taya, lagi nalang ako yung naghahabol... Nung una ikaw... Ngayon yung buhay ko... Hindi na maidadaan sa chemotherapy yung sakit ko... Wala nang makakagamot sa akin, hui nang lahat. Pero kahit na ganun, masaya ako kase adyan ka... Mahal kita. Bata pa lang tayo alam mo na yan. At hanggang sa kahuli hilihang hininga ko... Mahal at mamahalin pa rin kita"
"matulog ka na, masama sayo ang pagpupuyat..." pero ayoko. Natatakot ako na bukas sa pagising ko, wala na ako... Natatakot ako na sa pagising ko hindi na si Jeff ang makita ko... Im scared to death... Sino ba namang hindi?

Niyakap ko sya ng huli beses... Ayokong bumitaw... Ayoko pa

"mahal na kita Gabrielle... " hinalikan ko sya sa pisngi at bumalik na sa kama ko, nagtalukbong ako ng kumot at inilagay yung kamay ko sa bibig para hindi lumabas ang mga pag hikbi ko... Napahawak ako sa dibdib ko dahil sobrang hirap na ko sa pag hinga.

Naramdaman kong hinalikan ni jeff yung ulo ko bago sya lumabas... At sa paglabas nyang iyon... Tumayo ako at ikinandado ang pintuan...

Ang bigat bigat... Ang sakit sakit. Nakakagago, pakiramdam ko pinaglaruan ako nang tang inang tadhanang yan... Ngayon, mas gugustuhin ko na sana pala, hindi na ko nagustuhan ni kuya jeff, sana pala hanggang ngayon si ashley pa rin ang mahal nya, na sana hindi nalang sya nahulog sa akin...

Kase ngayon mas mauuna akong bumagsak sa kanya, pero yung masakit? Pinaka nakakalugmok sa lahat? Yung kung papaano mo mabibitawan yung taong sobrang tagal mong hinawakan... Yung taong hindi mo sinukuan... Para ano? Bitawan mo lang sa huli? Kung kelan humawak na rin sya sayo?

Sana hindi na sya nahulog, kase mas masasaktan akong makitang nasasaktan sya...

Hindi ko kaya... Hindi ko kay

*Third Person*

Sa paglabas ni jeff, sumandal sya sa pintuan ng kwarto kung nasaan si gabby at tahimik na umiyak.

pati ba naman si gabby?

Sabi nito sa kanyang sarili. Ayaw nyang mawalan nang pag-asa sa pangalawang pagkakataon, dahil pati ang babaeng mahal nya, wala na ring kasiguraduhang mabubuhay pa tulad nang sa kapatid nya.

Kinabukasan na pagpatak na pagpatak nang araw, dinala si Gabby sa operating room para isagawa sa kanya ang isang bone marrow transplant. lubusan syang natuwa kahit na may maliit lang syang tyansa na mabuhay pagkatapod nang operation, bukod sa sobrang advanced na nang cancer cells nya, mahina na rin ang immunity system nito.

Ganap na ika-siyam nang umaga nang nagsimula ang operasyon. Sobrang kritikal ng nasabing operation, maingat ang bawat doctor at nurses na nasa loob nang nasabing silid. May kurtinang nakalagay sa gitna na naghahati para sa donor at kay gabby.

Tanging ang tunog lang ng mga machines na nakakunekta sa kanila ang naririnig sa loob. Dahan dahan at maingat inilipat kay Gabby ang bone marrow ng kanyang donor. Alas quatro na nang hapon natapos ang operasyon. Hindi pa rin nagigising si gabby, inilagay sya sa ICU( intensive care unit) Naka-isolate pa rin sya sa para maiwasan ang kahit anong bacteria na pwede nyang masagap.

Ang tanging nagawa nalang ng mga magulang nyay maghintay sa labas ng kwarto, at tanging mga doctors at nurses lang ang nakakapasok...

Magdamag silang naghintay na magising ito... Hangang sa gumuhit na nang isang tuwid na linya ang machine na nagchecheck nang vital signs ni Gabby. Agad na pumasok ang mga doctor at nurses na may dalang defribillator.

Pinunit ng bahagya ng isang nurse ang labgown na nakasoot kay gabby. Kinuha ng doctor ang defribillator

"Clear!" sigaw nito kasabay ng alingawngaw ng machine. Inilapat ito sa dibdib ni gabby, pero wala pa rinf nangyari... Hindi pa rin bumabalik sa normal ang heart beat nya

"clear!" nakayakap ang ina ni gabby sa ama nya habang pinapanood nilang pilit na binabawi ang anak nila sa kamatayan nang mga doctor.

Naka-wheel chair na nagpunta si Jeff sa harap ng kwarto king nasaan si Gabby. Tulala lang itong nanood habang inirerevive nang mga doctor si Gabby

At sa pangalawang pagkakataon wala pa ring nangyayari sa tuwid na linya.

Dahan dahang tumulo ang mga luha ni Jeff at mas hinigpitan ang hawak sa timer ni Gabby. Naka-reset na iyon sa Zero... Tumingin na ang doctor sa orasan nya at tinignan pa ang ibang nurses, pati sa mga tao sa labas

"time of death " nabitawan na ni Jeff ang hawak hawak nyang timer.

Ikaw kuya jeff? Anong gagawin mo sa huling 460 seconds nang buhay mo?

Bakit naman 460 seconds? Ano namang meron sa 7 minuto

Naguusap sila habang nakasandal sa pintuam nang magkabilang panig.

7 hindi mo alam kung anong meron sa 7? 7 ako nung una kitang makilala

Anong gagawin ko sa huling 7 minuto ko? Wala... Wala akong gagawin, kase ngayon kuntento na ako sa kung anong meron ako... Yung kasama ka... Na hindi ko na kakailanganin ng huling 7 minuto para sumaya... Ikaw... Anong gagawin mo sa huling 7 minuto mo?

Hihintayin kita...

"gabby..."

460 SecondsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon