Restart

939 17 1
                                    

Tatlong araw magmula nung natapos ang digmaan sa pagitan nila Airy at ng rebeldeng si Sand.

Inihatid nila si Airy sa may lagusan at tumalikod na sila. Hawak naman ni Data ang kamay ni Fade non.

Naglalakad pa lang palayo ang lahat ng biglang magpakitang muli si Airy. Napalingon ang lahat sa kanya.

"Eh?" tanong ni Airy sa sarili niya.

"Ehhhhhh???!!!" sigaw ng lahat maliban sa kanya.

"Airy! Anong nangyari?" tanong ni Geo. Ang papa ni Airy.

"Hi-hindi ko rin alam. Basta ang alam ko kinausap ako ni Ether."

"Ether?" tanong naman ni Data sa isip niya.

"Mga kasama. Magsibalik muna kayo sa mga bahay n'yo. Tapos na ang palabas." sabi naman ni Pen. Isa sa mga Fairy Warrior.

"Hindi ko talaga maintindihan." sabi ni Airy habang naka-quarter sit. "Teka. Bakit ba tayo nandito in the first place?" tanong niya at tumayo na siya.

Nakapalibot naman ang lahat sa kanya. Nagkakatinginan pero walang konkretong maisagot kay Airy.

"Anak. Nandito ka para bumalik sa mundo ng mga ordinaryo." sabi ni Geo.

"Para saan? Nandito naman kayong lahat ah. Sinong pupuntahan ko don?"

"Sa kasalukuyan. Mukhang may ilan sa alaala niya ang nawawala. Mukhang ang mga parteng yon ay ang panahon nung nananatili pa siya sa mundo ng mga ordinaryo." sagot ni Data.

"Airy. Anong pangalan ng mama mo?" tanong ni Pen.

"Song Motore." sagot nito.

"Sinong asawa niya?" tanong naman ni Pipe.

"Halata naman. Edi si papa. Geo Motore."

"Paano namatay si Song?" tanong ni Drown.

"Nakipaglaban siya sa isang dambuhalang bestia. Kasama niya si Blue at ako."

"Saan nangyari yon?" tanong naman ni Bloom.

"Sa..." sabi ni Airy. "...hindi ko maalala." bigla na lang nangamba si Airy dahil nararamdaman nga niyang may nawawalang alaala sa kanya. "Saan namatay ang mama ko?" tanong niya.

"Namatay ang mama mo sa ordinaryong mundo. Hindi mo maalala iyon gawa ng magos ng FairyLand. Nabura ang alaala mo sa mundo ng Ordinaryo.

"Mabuti p-pang bumalik na muna tayo." pag-aaya ni Airy.

"Mabuti pa nga habang pinag-uusapan natin ang pinag-usapan n'yo ni Ether." sabi ni Pen at bumalik na silang lahat sa bayan.

* * *

Naipaliwanag na ni Airy ang kanyang sarili sa lahat kaya naman ginawa rin naman ni Pipe ang dapat niyang gawin.

"Prinsepe. Naghahanap na sila ng panibagong mamumuno sa kanila." sabi ni Geo sa kanya.

"Nakapili na ako. Ihanda mo ang sarili mo at ngayon din ipapakilala ko na ang bagong hari."

"Mahal na prinsepe. Kung inyong mamarapatin, gusto ko lang po malaman kung sino ang inyong pinili."

"Hindi mo na ako kailangang tawaging prinsepe. Ayos lang kahit Pipe na lang." sabi ni Pipe. "Ikaw ang magiging hari nila habang wala ako dito."

"Hindi ko kayang gawin yon. Bulag ang mga mata ko at isa lang akong hamak na Fairy Warrior."

"HAMAK? Hindi ka lang isang hamak na Fairy Warrior. Ikaw ang nagturo sa 'min kaya alam kong kaya mo 'to kahit na wala ka pang makita."

"Kung yan ang gusto n'yo mahal na... ah... Pipe."

The Last Drop Of Magic(Mini-story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon