The Accelarator

123 4 0
                                    

Nasa isang bahagi lang ng Hilaga si Fade. Luminga-linga siya para tignan kung may kasama siya. Natulala siya nung maalala niya kung gaano kalakas ang isa sa mga makakalaban nila. Maya-maya pa ay may kaluskos siyang narinig sa may damuhan sa gilid niya. Nangingilid na ang luha ni Fade sa sobrang takot.

"Fade." sabi ni Data na noo'y hingal na hingal dahil sa pagtakbo.

Agad namang niyakap ni Fade si Data.

"Data. Natatakot ako. Paano kung hindi ko kayanin? Paano kung hindi ako makalaban? Masyado silang malakas." umiiyak na sinabi niya kay Data.

Hinawakan naman ni Data ang braso ni Fade habang nanginginig din. "Fade. Maski ako natatakot. Nakita ko na silang lumaban noon. At inaamin kong hindi ko sila kayang labanan. Pero meron tayong isang taon para magpalakas pa. Tutulungan kita. Hinding-hindi kita iiwan. Pangako." sabi ni Data.

Tumigil naman na sa pag-iyak si Fade. Makalipas ng ilang araw ay nagsanay na silang dalawa at nakuha na ni Fade ay tamang pagkakataon para mailabas ang magos niya.

* * *

"Uwaa! Sino kayo at anong ginagawa n'yo dito?" tanong ng isang batang martial sa kanila. May katabi naman siyang isa pang martial na mas matanda sa kanya.

Bagong dating lang sila sa kaharian ng Hilaga nung mga panahong iyon. Nasa harapan sila ng tarangkahan ng kaharian kung saan nakapwesto ang batang martial.

"Ako si Fade at siya si Drown. Kakambal ko. Bagong dating lang kami dito. Sana itrato mo kami ng maganda." nakangiting pagpapakilala niya habang nagtatago sa likod niya si Drown.

"Ako si Helium. Tagapaglingkod ni Prinsesa Fright."

"Wow. Gusto ko rin maging tagapaglingkod ng mga prinsepe't prinsesa." sabi ni Fade.

"Hindi pa kayo pwede. Bata pa kayo at wala pa kayong alam sa mga ganito." sabi ni Helium sa kanila.

"Kung magsalita parang di bata. Hmp. Ikinagagalak kitang makilala. Aalis na muna kami at baka hinahanap na kami ng mama namin." sabi ni Fade at tumalikod na siya.

"Sandali! Sa mga susunod na araw, magkaroon tayo ng pagsasanay." sabi ni Helium.

Magmula rin sa araw na iyon ay nagsanay ng patago si Fade kasama si Helium at sa kabilang dako rin ay nagsasanay si Drown kasama ni Kill.

Pagkalipas ng araw.

"Fade! Fade!" sigaw ni Drown. Nananakbo kasi siya galing sa loob ng nipa house.

"Bakit ka ba sumisigaw?" tanong ni Fade habang kasama si Helium na nakaupo sa damuhan.

"Nabalitaan ko kasing nandito ang martial na namamahala sa Hilaga. Gustong-gusto ko talagang makita yon." sagot niya.

"Huh? Bakit pa? Hindi naman tayo ang kinakausap nila." sagot naman ni Fade.

"Isa pa. Kumukuha sila ng bagong pwedeng makatulong doon sa kaharian." sagot naman ni Helium.

"Pero gusto ko lang naman talaga." sabi ni Drown.

"Alam mo, may ipapakita na lang ako sa inyo." sabi ni Helium at hinatak niya ang dalawa papunta sa isang bangin kung saan makikita ang maganda ng paglubog ng araw.

"Wow. Ang ganda naman dito." sabi ni Drown. Sakto lang para mawala ang pagnanasa niya na makita ang martial na gusto nyang makita.

"Tama. Ang ganda nga pagmasdan. Kasing tingkad ng buhok n'yo." sabi naman ni Helium.

"Sana dalasan natin pumunta dito." sabi naman ni Fade.

Nakatitig kasi silang tatlo sa lumulubog na araw.

The Last Drop Of Magic(Mini-story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon