The Clone

169 8 0
                                    

“Okay. Meron muna akong ipapakilala ako sa inyo.” sabi ni Pen sa harap nila Kill habang nakapamewang.

“Kailangan pa ba natin ng distraction sa panahon ngayon?” tanong ni Kill.

Tumingin si Pen ng masama kay Kill at itinuloy ang pagpapakilala sa makakasama nila. “Magiging gabay n'yo rin siya sa misyon n'yo.”

Bigla na lang lumabas ang isang lalaki sa likod ni Pen. Itim ang kulay ng buhok niya. Mala-abo naman ang mga mata niya. 5'2 lang naman ang height niya. Mas maliit siya ng konti kay Airy na 5'4 ang height. Inobserbahan naman ni Kill ang reaksyon ng apat na babae. Si Fade ay walang reaksyon. Napatakip naman si Bloom ng bibig. Namula naman si Airy na para bang may koneksyon sila nung lalakeng kaharap nila. Si Risk naman ay parang hindi makapaniwala sa nakikita niya.

“Season?” tanong ni Risk.

Ngumiti naman ang lalake at saka siya sumagot. “Tama at tsaka na tayo magkwentuhan. Balik na muna tayo sa pagsasanay.” sabi ni Season sabay tingin kay Airy at ngumiti.

“Tch.” sabi ni Kill at tumalikod na siya.

* * *

“Kill. Anong gusto mong kainin?” tanong sa kanya ni Fright, ang nanay niya.

Ito ay ang kaganapan Ilang buwan lang bago pa man mapasakamay ni Fright ang Fairy Ring. Si Kill ay walong taong gulang lang sa panahon ito.

“Kahit ano po ma. Basta po kasama ko kayo.” sagot ni Kill sa kanya.

Si Fright ay maituturing na isa sa mga mahinahon na tao na nakatira sa Fairy Land. Kontento na ito sa kung anong meron sila ni Kill. Itinuturing din siyang isang Prinsesa at prinsepe naman ang kanyang anak na si Kill.

“Mama. Lalabas lang ako ah.” paalam naman ni Kill pagkatapos nilang kumain.

“Umuwi ka ng maaga dahil pupunta tayo sa kaharian ng Silangan ah.”

“Opo mama.” sigaw ni Kill sa kanya.

Pumunta siya sa bahay ni Ice para bisitahin si Risk at maglalaro sila.

“Kill!” sigaw ni Risk sa kanya. Nakaupo si Risk sa isang punong makahiga na sa lupa. Kumakaway naman ito sa kanya.

Agad naman niyang binatukan si Risk nung makarating siya doon. “Hoy. Hindi ba sabi ko tawagin mo akong Kuya?”

“Ahaha. Pasensya na po. Isa ka nga palang prinsepe. Sorry Kuya Kill.”

“Ano nang natutunan mong magos?” tanong ni Kill.

“Tignan mo na lang 'to.” sabi ni Risk at tumagos siya sa punong nakahandusay sa harapan niya.

“Hmm.” sabi ni Kill habang tumatango. “Eh paano naman yung sa pagtingin mo sa hinaharap?”

“Uhmm. Pangalan pa lang ang lumalabas sa isip ko kapag sinusubukan ko yon.”

“At ano naman yon?”

“Uhmm. Airy. Data. Drown. Fade. Bloom. Pipe. Ikaw at ako. Kasama na rin si Helium.” nakangiting sinabi ni Risk.

“Kanino naman yong mga yon.”

“Ewan ko. Basta sabi sa isip ko isa sa kanila Fairy Warrior. Isa ay dalawang informant. Dalawang peasant. Dalawang maharlika. Isang martial at isang royal maid.”

“Isang martial?” tanong ni Kill.

Nagpaalam siya agad kay Risk at nanakbo pabalik ng bahay nila.

“Kill. Sakto ka lang. Magbihis ka na at aalis na tayo.” sabi ni Fright sa kanya.

Hindi matanong ni Kill ang gusto niyang itanong kay Fright kaya naman mas minabuti niyang sumunod na lang sa mama niya.

The Last Drop Of Magic(Mini-story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon