Nasa Timog ng Fairy Land si Airy. Wala siyang kasama at inis na inis siya sa sarili niya dahil wala siyang magawa sa Fairy Ring na nakaharap niya.
Anong ibig niyang sabihin sa sinabi niya? Ani Airy sa isip niya.
"Airy ang pangalan ko!" sigaw ni Airy at nagpakawala siya ng isang tira pero hindi tumama ito sa target niyang puno. "Nakakainis. Lagi na lang ba akong magiging mahina sa harap ng kalaban?" sabi niya pa at humiga sa damuhan.
Tumingin siya sa langit na sobrang ganda. Maaliwalas ito at walang bakas ng posibilidad na pag-ulan. Kumurap si Airy at tinignan muli ang langit. Pumikit si Airy at pinakinggan ang huni ng mga ibon sa paligid niya.
* * *
"Ether."
Tok! Tok! Tok!
"Ether."
Tok! Tok! Tok!
Minulat ni Ether ang mga mata niya. Hirap na hirap siyang bumangon pero pumunta pa rin siya sa pintuan ng kwarto niya at binuksan ang pintuan.
"Ether. Ilang beses ko bang sasabihin sa 'yo na ibigay mo sa 'kin ang susi ng kwarto mo para magising kita agad. Mala-late ka na sa school." sabi ng mama niya. Si Song.
"Ma. Good morning." bati niya kay Song sabay yakap na may kasamang hikab.
"Morning. Bilisan mo na d'yan at baka ma-late ka sa klase mo. Nandito rin pala yung kaklase mo. Si Hue? Tama ba ko?" sabi pa ni Song.
"Si Hue? Teka. Ma. Sabihin n'yo sa kanya sandali lang. Mag-aayos lang ako ng sarili ko." sabi ni Ether habang natataranta.
"Teka. Anong meron Ether? Bakit natataranta ka? Every week ka naman sinusundo non di ba? Hindi mo nga ako sinasabihan eh." sabi ni Song habang naka-cross arms.
"Ma. Hindi ganon yon. Hindi ko lang talaga kayo maabutan."
"Ganon ba?" tanong niya. "Anak. Siya na ba yung taong mahal mo?" tanong niya pa.
"Ma! A-ano bang sinasabi n'yo d'yan? Kaibigan ko lang yon. Trip niya lang akong sunduin. Kayo naman." sabi niya habang namumula.
Ngumiti naman si Song at pinabayaan na niya si Ether sa ginagawa niya na wala ng ibang sinabi pa.
- - -
Third year Highschool lang si Ether. Sabay na naglalakad sa school sina Ether at Hue. Lahat ng mga tao ay nakatingin sa kanila. Sikat kasi silang dalawa dahil parehas silang athlete. Lalo pa silang sumikat nung ipinagkalat ng dalawang kaibigan ni Ether—si Josephine at Shaina—na lumalabas daw sila ni Hue. Wala lang naman kay Hue yon kaya simula non ay sinusundo niya na si Ether sa bahay nila.
"Ether." tawag ni Hue sa kanya.
"Ba-bakit?" tanong ni Airy habang namumula. Magmula kasi nung dumating si Hue sa school nila ay nagustuhan niya na ito.
Bigla namang hinawakan ni Hue ang kaliwang kamay ni Airy.
"♪Si Ether at Hue. Walking in school. H-O-L-D-I-N-G.♪" kanta ni Shaina.
Sabay dugtong ni Josephine ng "♪Hands♪" sa tonong hindi mo aakalaing nag-e-exist.
Agad namang tinanggal ni Ether ang kamay niya. Nagtitilian naman yung mga nakakita.
"Hoy. Kayo talaga!" sabi ni Ether at hinabol ni Ether ang dalawa niyang kaibigan papasok ng school. Nakangiti lang naman si Hue habang pinapanood si Ether.
- - -
Lumipas ang oras. Pumunta si Ether sa clinic para kumuha ng gamot para sa t'yan. Walang tao sa clinic pero nakakuha pa rin siya. Naglalakad na siya pabalik sa classroom nila nung napansin niya si Hue na nakaupo sa bench sa may field. Nagpalinga-linga siya. Tinitignan niya kung may teacher ba. At nung all clear na ang paligid niya ay lumabas siya ng building at pinuntahan si Hue sa may field. Habang papalapit siya ng papalapit ay nakikita niya na may iginuguhit si Hue sa papel. Aalis na sana siya para di na guluhin si Hue nung lumingon si Hue sa direksyon niya. Nagulat naman si Ether.