The Combat Informant

248 9 0
                                    

Daan-daang taon bago ang kasalukuyang sitwasyon nila ngayon.

Namumuhay ng payapa si Data kasama ang kapatid niyang si Leonis. Dalawa na lang sila sa buhay kaya naman sobrang hirap para kay Data na makisalamuha sa iba habang binabantayan si Leonis.

Labing-limang na taong gulang pa lang si Data at labing-dalawang taon naman si Leonis.

Naglalakad silang dalawa ngayon sa pelengke ng bayan nila nung nagtanong si Leonis sa kanya.

“Kuya. Sino siya?” tanong ni Leonis kay Data.

Tinignan naman ni Data ang tinuro niya.

“Siya si Galle. Labing-anim na taong gulang. Naiintindihan niya ang mga damdamin ng mga hayop at isa siyang katulong sa sariling kaharian niya.” bulong ni Data sa kapatid niya.

“Eh? Mas matanda pala siya sayo Kuya.” sabi ni Leonis at nginitian lang siya ni Data. Naglakad naman na sila ulit.

Hilig ni Data ang mangulekta ng mga impormasyon. Hindi siya namimili ng estado sa buhay at wala rin naman siyang kinaaawaan kung ito man ay mas mahirap man sa kanila. Doon na nagsimula na magdevelop ang magos ni Data na informant. Naging trabaho niya rin ito sa ilalim ng kanilang pamahalaan.

Tumagal siya dito tatlong taon. Sapat lang ang kinikita niya para mapag-aral si Leonis sa isang magandang eskwelahan.

Nakitaan si Leonis ng isang pambihirang lakas. Pumasok siya sa isang pambihirang eskwelahan na nagtuturo kung paano mapapalabas ang natural nilang kakayahan.

Nalaman ng isang Fairy Warrior na tinatago ni Data ang isang Fairy Ring kaya naman inalok niya ito na isama sa kanila si Leonis. Pumayag siya dahil yun ang tama.

Sinusubaybayan niya sa malayong lugar si Leonis. Dalawang taon pa ang lumipas at lalo pang lumakas ang kapatid niya at napabilang sa labing-dalawang Fairy Ring at siyang kumokontrol ng araw at gabi sa buong lupain. Si Data naman ay naging lider din ng kanyang angkan… ang mga Imigrante.

Nagpunta si Data sa isang inn malapit sa syudad kung saan naninirahan ang mga Fairy Rings.

“Narinig n'yo ba? Ngayong gabi ay magkakaroon ng madugong digmaan sa pagitan ng mga Fairy Rings. Lalabanan nila ang master nila.” sabi nung lalake sa kausap niya.

“Mukhang hindi magiging maganda ito. Kapag nagkataon, sila na ang mamumuno sa atin.”

“Kaya nga, aalis na kami ng asawa't anak ko rito para makaiwas sa digmaang magaganap eh.”

“Mabuti pa nga. Aalis na rin ako dito.”

Agad umalis si Data doon at nagtungo sa syudad kung saan naninirahan ang lahat ng Fairy Ring. Mas maaga sa inaakala niya ang lahat. Wasak na ang buong syudad at nagkakagulo ang lahat.

“Mama! Papa!” sigaw ng isang batang lalake na may tenga ng isang lobo.

“Wolf. Age unknown. Type of magos loud roar. Skills not yet developed. Weapon none. Position none.” sabi ni Data sa isip niya habang tumatakbo papunta kay Wolf.

“Mama! Papa! Kuya!” umiiyak na sigaw niya nung hinablot siya ni Data papasok sa isang bahay.

“Anong ginagawa mo sa labas?” tanong ni Data habang dumudungaw sa labas.

“Nawawala po sila mama. Tutulungan n'yo po ba akong hanapin sila?” tanong ni Wolf habang humahagulgol.

Palinga-linga naman si Data at naghahanap ng mapagtataguan niya kay Wolf. Naglabas siya ng isang sleeping potion at ipinainom niya ito kay Wolf. Nakuha niya ang sleeping potion na iyon sa isang barrio malapit sa tahanan ng mga Elf. Nagtatago rin ito ng kahit anong klase ng magos na hindi makontrol ng gumagamit.

The Last Drop Of Magic(Mini-story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon