“Pen. Anong balita sa kanila?” tanong ni Season kay Pen.
Nasa loob sila ng chalet ni Geo. Nagpaplano kasi si Pen nung biglang pumasok si Season.
“Ikinagagalak ko na pinaunlakan ng isang myembro ng Fairy Ring ang aking alok na samahan ako sa aking pagsasanay sa mga nakatakda.” sabi ni Pen na may kasamang pagyuko.
“Haha. Sa akin ang karangalan pero di naman talaga ako myembro ng Fairy Rings.” sagot naman ni Season.
“Isang taon na ang lumilipas at kalahati pa lang sa kanila ang may magos na. Si Pipe, Data, Drown at Kill. At mga babae magpasa-hanggang ngayon ay di pa rin nagkakaroon ng sapat na lakas para makuhang muli ang magos nila.”
“Kung ganon. Dapat nating pagtuunan ng pansin ang apat na babae. Lalong-lalo na si Airy dahil siya lang ang may kakayahan na talunin ang mga Fairy Rings.”
“Naiintindihan ko.” sabi naman ni Pen habang nakatitig sa mga estudyante niya sa labas na nagsasanay.
“Sa katunayan, marami tayong oras pero kung hindi nila maibabalik ang magos nila sa mga susunod na araw ay baka kumilos na ang mga Fairy Rings at sirain si Airy.” sabi ni Season.
“Teka. Bakit si Airy ang sisirain nila?” tanong ni Pen dahil bigla siyang naguluhan.
“Dahil para sa kanila, si Airy ay isang hadlang para makamit nila ang gusto nila. Si Airy ay ang reincarnation ni Eth—”
Tok! Tok! Tok!
Bigla na lang may kumatok sa pintuan ng chalet. Agad naman itong binuksan ni Pen at nakatayo sa harap niya ang nakayukong si Risk.
“Uhm. Gusto ko lang po sana kausapin si Season.” nahihiyang sabi ni Risk.
Nagkatinginan si Pen at Season. Tumango naman si Season at lumabas si Pen para magmasid sa pagsasanay nila Airy.
“Anong kailangan mo sa 'kin?” tanong ni Season.
“Nakita ko kung paano mo tignan si Airy.” sabi ni Risk.
Hindi naman nagsalita si Season at hinintay niyang magsalitang muli si Risk.
“May tinatago ka sa amin. May tinatago ka kay Airy. Siguro tungkol sa tunay na nakaraan niya. O kaya naman sa magiging kapalaran naming walo.” sabi ni Risk at sa unang pagkakataon ay tumingin siya sa mga mata ni Season na noo'y nakatingin din sa kanya ng diretso.
“Risk. Wala akong itinatago sa 'yo o kaninuman. Halika at magkukwento ako sa nakaraan ko at ng mga Fairy Rings. Kung paano nagsimula ang lahat ng ito.” sabi ni Season. Sa katunayan ay iniwasan niya lang ang sinabi ni Risk.
Lumabas sila at hinarap ang mga kasama. Nagsimulang magkwento si Season sa kanila. Matapos niyang magkwento ay iba-iba ang naging reaksyon nila. Pero si Airy ay nanatiling kalmado kahit na alam niyang malalakas ang makakalaban nila.
“Ngayon, hindi ko alam kung kumikilos na sila o hindi.” sabi ni Season at bigla na lang siyang nakaramdam ng malakas na magos na papalapit sa direksyon nila.
Gayon din naman ang apat na lalake at agad nilang pinalibutan sila Airy at kasama na rin si Pen. Hindi lang simpleng magos ang nararamdaman nila. Bigla na lang may lumabas sa harap nila na matangkad na lalake.
“Hindi maaari.” sabi ni Season.
Nakatayo sa harapan nila ang pinakamalakas na Fairy Ring. Ang kumokontrol sa lahat. Si Caper.
Agad nilibot ni Caper ang paningin niya at nakita niya si Season. Lumapit pa siya ng konti at ibinaba ang lebel ng kanyang magos.
“Season. Anong ginagawa mo d'yan?” tanong ni Caper pero neutral lang ang expression niya.
“Tinutulungan ko silang pakalmahin kayo.” sagot ni Season at lumapit din siya kay Caper.
Ngayon, parang silang dalawa lang ang nasa lugar na yon.
“Kumalma? Bakit? May nagawa ba kami para ikulong ulit sa kulungan na yon?” sabi ni Caper. Tinutukoy niya na kulungan ay ang mismong weapon nila na kanilang ginagamit.
“Wala. Pero hindi ko pwedeng hayaan na mangyari ulit ang mga digmaang naganap apat na siglo na ang nakararaan.” sagot pa ni Season.
Tinignan ni Caper si Season ng masama. Walang saysay ang pag-uusap nilang dalawa. Agad tumaas ang magos ni Caper habang hindi nagbabago ang kanyang expression.
“Season. Ikaw ang may dahilan kung bakit kami nakulong ng apat siglo sa kulungang yon. Bilang pinuno ng mga Fairy Ring pilit kong iniintindi ang dahilan mo para gumawa ng ganon. Tapos na ang pag-iisip ko ng dahilan. Tinraydor mo kami dahil sa pansarili mong kagustuhan. Ikaw… ang sinunod namin kaya nagkaroon ng digmaan.” sabi ni Caper. Sa likod ni Season ay nakita ni Caper si Airy na noo'y nanginginig na sa sobrang takot. “Hindi pwede.” sabi nya at bigla siyang nagtungo sa direksyon ni Airy.
“Airy. Umilag kayo!” sigaw ni Season na hindi na nahabol pa si Caper.
Agad nakaiwas ang iba pero nahawakan ni Caper ang leeg ni Airy at dumiretso sila sa isang malaking puno at doon nahuli ni Caper si Airy na walang laban. Bumagal naman ang oras ng buong paligid. Papunta ang lahat sa direksyon ni Airy pero sobrang bagal nila.
“Airy? Yun ba ang pangalan mo?” tanong ni Caper.
Hindi naman makasagot si Airy at patuloy niyang pilit na tinatanggal ang pagkasakal sa kanya ni Caper. Nakita niya sa mata ni Caper ang isang palatandaan. Ang pulang hiyas na sumisimbolo sa kanyang kahinaan. "Dito ba nakatago ang armas mo? Sa pulang hiyas?" Wika ni Airy sa kanyang isip Pilit niyang inaabot ang mata ni Caper pero pilit siyang sinasakal nito.
“Ang kasaysayan ay muling mauulit. Dahil sa inyo kaya namatay kami at dahil din sa inyo kaya kami muling magkakaroon ng digmaan. Hindi ko hahayaan na mahanap mo kami kaagad. Isinusumpa ko na hindi mo makukuha ang magos mo sa mga susunod na buwan at masisiguro ko sa 'yo na kapag nagkita tayong muli, handa na kami para lumaban sa 'yo.” sabi ni Caper.
“Airy!” sigaw ng lahat ng muling nagbalik ang oras.
Hindi pa rin sila umabot dahil bago pa sila makarating kina Airy ay biglang nagliwanag si Caper at nasilaw ang lahat.
Nang muling magmulat ang lahat ay tanging si Pen at Pipe na lang ang natira sa city.
“Isang taon. Pagkatapos ng isang taong pagsasanay namin ay magiging handa na kami sa inyong pag-atake.” sabi ni Caper at naglaho na siya ng tuluyan.
Nagkatinginan naman si Pen at Pipe at hinanap nila kaagad ang mga kasama para ibalita ang sinabi ni Caper pero hindi nila mahanap ang lahat.
Napunta sa iba't ibang parte ng Fairy Land ang lahat. Lahat sila ay napunta sa gubat na malayong-malayo sa mga city. May iba ay napunta sa Kanluran, may iba naman sa Silangan at iba sa timog.
Magkasamang nahiwalay sa Kanluran si Bloom ay Drown. Sa may Hilaga naman sila Data at Fade malapit sa kung nasaan sila Pipe. Nasa Silangan naman sila Risk at Kill at nasa Timog si Airy.
“Pipe. Alam kong kaya mong ikalat ang magos mo. Sabihin mo sa lahat na bumalik dito sa loob ng isang taon. At habang ginagawa nila yon ay mag patuloy lang sila sa pagsasanay nila. Lalong-lalo na si Airy.” nag-aalalang sinabi ni Pen.
Agad namang sinunod ni Pipe ang utos ni Pen. Tanging may mga magos lang ang naabot ng komunikasyon ni Pipe kaya naman nag-aalala siya kay Airy dahil wala siyang kasama. Hindi niya rin alam kung nasaan siya ngayon.
Nangangamba rin naman si Pen dahil pati si Season ay nawala. Hindi niya alam kung napunta rin ito sa ibang lugar o nakuha siya ni Caper.
Isang taon. Yan ang palugit ni Caper pero hindi sigurado ni Airy kung maibabalik niya ang magos niya sa loob ng isang taon. Lalo pa't naramdaman niya ang galit ng isang Fairy Ring. Hindi niya alam kung kakayanin niya ang laban na ito ng mag-isa.
- End -