Kabanata 13
Pasyal----------
"Mukhang type ka ng senyorito, Persis. Na-love at sight yata sayo." ngingisi-ngising sabi ng isa sa mga kasamahan ni Code habang tinatanaw parin namin ang papalayong si Philip na inaalalayan na makasakay sa magarang sasakyan nila.
"Gusto lang po yatang makipagkaibigan."
Umiling-iling ito. "Nako. Hindi ganon ang nakita ko. Kakaiba ang mga tingin sayo e, yung mata niya parang may bituin...kumikislap."
Marahan akong tumawa. "Namamalikmata lang po kayo."
"Basta yun ang nakita ko kanina."
Binalewala ko nalang ang mga sinabi nito at nilingon ko si Code na kasama si Nakeisha.
Itinabi ni Code yung puting kabayo kay Bagwis at habang abala ang dalawang kabayo sa pagkain ng damo ay hinahaplos-haplos ni Code ang buhok ni Bagwis, si Nakeisha naman ay nakangiting pinanonood ang puting kabayo habang kumakain ito.
Lumapit ako sa kanilang dalawa at narinig kong tinatanong ni Nakeisha kay Code ang pangalan ng puting kabayo.
"Malaya ang pangalan niya. Isa siyang babaeng kabayo at Magkaedad lang sila ni Bagwis." ani Code habang nakangiti ito.
Ilang araw narin siyang nagtatrabaho dito kaya siguro marami siyang alam tungkol sa kabayo ng mga Bergancia.
"Nakeisha, halika na. Malapit ng mananghalian." Agad naman itong lumapit sa akin.
"Wala kayong masasakyan dito. Malayo pa ang lalakarin niyo papunta sa gate, dyan lang muna kayo at itatawag ko kayo ng tricycle." ani Code na agad sumakay kay Bagwis.
"Kaibigan, tama na muna ang kain." anas niya kay Bagwis. Tila naintindihan nito si Code ng tumigil nga ito sa pagkain ng damo, nag-angat ito ng ulo at umungol.
Hinila ni Code ang tali na nakakonekta kay Bagwis at mahina niyang sinipa ito na signal para gumalaw ito. Mabagal na naglakad sa una si Bagwis at saka ito mabilis na tumakbo.
Habang hinihintay namin ni Nakeisha si Code ay naaaliw kaming pinanonood ang mga kasamahan ni Code na tinataga ang mga nabalatan nilang buko.
"Persis o, inumin mo ang sabaw. Sariwang-sariwa."
Inabot sa akin ng nagpakilala sa aking si kuya Matias ang isang buko na may maliit na butas sa gitna, inabutan din nito si Nakeisha.
Napatingala ako habang sinisimot ko ang huling sabaw ng buko na talaga namang napakasarap. Nanunuot sa lalamunan ko ang tamis nito.
"Uhm! Natanggal ang uhaw ko. Pwede pa po makahingi ng isa?" Nginitian ko siya. Nagbibiro lang naman ako pero hindi ko alam na tototohanin ni kuya Matias iyon. Kumuha siya ng plastic na hindi ko alam kung saan niya nakuha at nilagyan niya yon ng dalawang buko, tig-isa daw kami ni Nakeisha.
"Kayo naman po, kuya Matias di kayo mabiro."
"Sige na tanggapin mo na bago magbago ang isip ko."
Agad kong tinanggap ang buko. Grasya na 'to tatanggihan ko pa ba?
"Salamat po."
BINABASA MO ANG
Kahit Konting Pagtingin (Book 1 of Ashralka Heirs #2)
General FictionKung sino pa yung mga taong wagas kung magmahal, sila pa yung madalas nasasaktan, sila pa yung hindi nakukuha yung mahal nila, sila pa yung naiiwan o kaya naman ay yung hindi napapansin. Minsan kasi dahil sa sobrang pagmamahal mo sa taong hindi n...