Kabanata 53

7.6K 212 48
                                    

Kabanata 53
Start over

----------
"God! I love that song, seriously...nakaka LSS, Persis." ani Ms. Lorenzales ng salubungin niya ako pagbaba sa stage.

Kinanta niya pa nga ang ilang linya sa chorus ng kinanta ko.

Lahat ay pinupuri ako, hindi ko akalaing magugustuhan nilang lahat ang kanta ko. Sa dami ng kantang naisulat ko noon, sa dami ng papel na nilamukos at tinapon ko sa basuraan. Finally, nakagawa ako ng kantang nagustuhan ng marami.

"Akalain mo nga naman. Hindi ka lang pala maganda, you also have a beautiful voice and a song writer skills. I swear! I love that song!" wika naman ni Gervin pagbalik ko sa upuan ko.

"Damn! Alam mo, Persis. Yung kanta mo, yan yung dinadownload at higit sa lahat, inaalbum." Dagdag pa ni Val.

"That's right, madaling kabisaduhin yung chorus at yung melody. Maganda. Congrats, that's a very nice song." nakipagkamay pa sa akin si Ashton.

"It's beautiful . You're voice haven't changed." dinig ko namang sabi ni Code.

Nilingon ko siya pero hindi naman siya nakatingin.

Lumapit pa ako kay Code. "Ah...Code."

"Uhm?"

Diyos ko po! Sumagot siya.

Napalunok ako at humugot ng malalim na hininga.

"M-Mag-usap naman tayo, promise. Pagkatapos non. Maglalaho na'ko sa buhay mo." namamaos kong sabi wag lang marinig ng kahit sino ang sinasabi ko.

Lumingon siya bigla kaya napalayo ako sa kanya. Kunot ang noo niya ng tignan niya ako.

"P-Pero kahit mamaya nalang after siguro nitong individual date. Basta sana...m-mapakinggan mo lang yung mga sasabihin ko."

Tumaas ang isa niyang kilay at muling bumalik ang tingin niya sa kanyang pinggan.

"Alright."

Napangiti ako sa sagot niya. "Thank you. Thank you, Code."

Pagkatapos ng group date namin. Isa-isa na kaming dinala ng staff sa kanya-kanyang location para sa date namin kasama ang Downtown member na nagbigay ng rose sa amin nung concert.

How I wish na after ng date ko kay Gervin ay magkaroon pa ako ng time para makausap si Code. Ang hirap kasi talagang kumuha ng tyempo kanina, kung hindi lang ako kumanta at binati ni Code ay hindi ako magkakalakas ng loob na batiin din siya.

"Persis, dito kukuhanan ang date niyo ni Gervin. Just stay right there, okay?" instruction sa akin ng isa sa mga staff. Wala si Ms. Lorenzales ngayon dito, siguro nagbabantay siya sa ibang girls.

Gustong-gusto ko 'tong kinaroroonan ko ngayon. Nakaharap ako sa payapang dagat habang nakaupo ako dito sa tila malaking puting unan.

Maraming ganito rito, nakahilera pa nga pero hindi lahat occupied. Hindi masyadong maingay sa spot na'to, napaka-romantic ng ambience dito, parang yung sa mga napapanood kong movie. How I wish si Code ang makakasama ko dito.

"Persis, get ready he's here. Siguro maganda kung nakaharap ka lang muna dyan, tapos pagtumabi siya sayo at saka ka haharap, tapos magugulat ka. Alright?"

"S-Sige po."

Sinunod ko ang instruction sa akin ng director na kasama namin. Nanatili akong nakaharap sa payapang dagat habang hinihintay ko si Gervin.

Enjoy na enjoy ako sa panonood sa paglubog ng araw. Kitang-kita yon rito, unti-unting naghahati ang liwanag at dilim ngayon. Para bang, lumulubog ang araw sa tubig, namamatay ang apoy na nakapaligid dito.

Kahit Konting Pagtingin (Book 1 of Ashralka Heirs #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon