Kabanata 55

8.2K 193 20
                                    

Kabanata 55
Tougher

-------------

"We'll be leaving later. I guess you have to prepare now."

Nangunot ang noo ko sa sinabi ni Code. Pagkatapos niyang sabihin yon ay binuhusan niya ng isang tabong tubig ang katawan niya at saka niya sinimulang sabunan.

"S-Saan tayo pupunta?"

"Hindi ba sinabi sayo ng inay at itay mo? We're going to dodiongan falls."

Namilog ang mga mata ko sa sinabi niya. May iniwan ngang sulat si inay pero wala naman siyang sinabi tungkol doon.

"T-Tayo lang?"

Umangat ang sulok ng labi ni Code sa tanong ko.

"Inimbitahan ko rin ang barkada. Bakit? Gusto mo ba tayo lang? Pwede ko namang sabihin sa kanila na next time nalang sila suma--"

"Hindi no! Tumigil ka nga dyan! Nagtatanong lang."

Napanguso ako at naramdaman ko ang pag-iinit ng pisngi ko, palagay ko nga ay nangangamatis na sa pula ito.

"A-Anong oras ba yan?"

"Siguro bago magtanghalian. Sila Tyron na ang magdadala ng pagkain natin."

"Pupunta naman pala tayo ng dodiongan, bakit naligo ka na?"

"Ang init e."

Sumimsim ako ulit sa kape ko bago ako muling nagsalita.

"Ang sabihin mo, hindi ka na sanay sa bentilador. Mas sanay ka na sa aircon."

"I don't think that's the reason, masyado lang talagang mainit kapag naiisip kita. I was thinking about you the moment I woke up and it feels like burning."

Binuhusan niya ng sunud-sunod ang ulo niyang puno ng sabon.

Ako naman ay napaisip sa sinabi niya. Bakit kasi parang may kahulugan yon?

"I like your bed hair and your just woke up, face." nakangisi pang sabi ni Code habang nakangiti siyang nakatingin sa akin.

Napalunok naman ako sa sinabi niya. Kung ano-anong lumalabas sa bibig niya.

Bakit ba ako nagtatagal pa dito sa pwesto ko? Pakiramdam ko buwis buhay ako dito. Imagine, nasa tapat ko ang basang-basa na si Code.

Tumayo na ako sa kinauupuan ko.

"Persis, maliligo ka na ba? Gusto mong igiban kita?"

"Wag na. May stock naman kami ng tubig parati sa banyo."

"Okay. If you need something just call me."

Tinanguan ko lang siya at saka ako pumasok na sa bahay namin at nag-handa ng isusuot kong gagamitin ko sa pupuntahan ko.

Bago kami umalis nila Code ay gusto kong puntahan muna ang lugar na'yon.

Pagkatapos kong maligo at makapagbihis ay agad akong umalis ng bahay namin.

Nagtungo ako sa palengke pero hindi na ako tumuloy sa pwesto namin, hanggang bungad lang naman ako. Sa bilihan ng mga bulaklak.

Alas-nuebe palang ng umaga kaya hindi pa gaanong mainit ng makarating ako sa malawak na sementeryo.

Agad kong hinanap ang puntod ni aling Narcisa at Nakeisha na magkatabi lang.

Nang makita ko yon ay napansin ko agad na may kanya-kanyang basket ng bulaklak sa harap ng lapida nila.

Marahil ay dinalaw sila ni Code kahapon dahil hindi pa gaanong nalalanta ang mga nakabasket na bulaklak nila. May tig-isang kandila rin na upod at nakatirik sa tapat ng lapida.

Kahit Konting Pagtingin (Book 1 of Ashralka Heirs #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon