Kabanata 48
Will you be my date?------------
Hindi ako makapaniwala na nakikita ko ngayon sa harapan ko si Code. Nakangiti sila ng mga kabanda niya at malayo ang kanilang tingin habang kumakaway sa mga tagahanga nilang nagtitilian.God! Ang gwapo-gwapo parin ni Code. Nakasuot siya ng v-neck shirt na pinatungan niya ng black leather jacket, may mga kumikinang na design pa nga iyon sa magkabilang balikat niya. Black tight jeans naman ang suot niyang pang-ibaba at boots na black din.
Bagay na bagay sa kanya ang haircut niya na maikli ang magkabilang gilid at mahaba-haba ang gitna, nakaspike pa nga iyon at naroon parin wa tenga niya ang hikaw niyang may krus.
"Are you guys ready for the show?" sigaw ni Code.
Itinaas niya pa ang hawak niyang microphone.
"Yes!"
"Kanina pa!"
"Simulan niyo na, baby!"
Hindi magkamayaw ang lahat sa kasisigaw.
"Alright, alright, alright." tumatawang sabi ni Code habang pinakakalma niya ang mga nagwawala na yatang fans nila.
Nag-usap usap si Code at ang mga kasama nito at matapos ang ilang minuto ay nagtungo na ang mga ito sa kani-kanilang pwesto, si Code naman ay naiwan lang sa gitna.
"We'll begin in ...3..." itinaas ni Code ang kamay niyang nakataas ang tatlong daliri. "2..." binawasan niya ng isa ang daliri niya. "...1" hanggang sa isang daliri nalang ang natira.
Nagsimulang umingay ang drumset.
"He's great." ani Joe na ang tinutukoy ay ang drummer ng Downtown.
Iniikot-ikot pa nito ang kanyang mga drum stick habang kagat labing hinahampas nito ang drumset, sumusunod sa galaw ng kanyang ulo ang hanggang balikat niyang buhok.
"Cool." napapapalakpak na si Joe habang pinanonood ito and at the same time ay pinupuri.
Umalingawngaw narin ang tunog ng electric guitar ng bass at lead guitarist, sinabayan pa ng keyboardist at kasunod ay ang pagkanta ni Code.
Parang mga bulating inasinan ang mga fans na nasa likod namin ng bitawan ni Code ang unang liriko ng kanilang original song na pine-perform nila ngayon.
They're all going crazy. Kahit ako, malapit ng sumigaw at mag cheer. Sadyang pinakakalma ko lang ang sarili ko, hindi ko rin alam kung paano ko nagagawa 'to.
Nagsimula ng iwagayway ng marami ang light stick na ibinigay sa kanila kanina kaya nakisali narin kami nila Robert.
Habang kumakanta si Code ay patalon-talon ito. Tumakbo pa siya sa stage ramp.
Inabot niya ang kamay niya sa mga fans na nasa magkabilang gilid ng ramp stage.
Para siyang santo na pinagkakaguluhan nila para mahawakan.
Ito ang unang beses na nakarating ako sa isang concert at hindi ko akalain na ganito pala kaingay ang lahat. Hindi na gaanong marinig ang performance ni Code sa ingay ng manonood, tinalo kasi iyon ng hiyawan ng mga fans niya.
Mas nag bend pa si Code para maabot ang kamay niya ng mga gustong humawak sa kanya. May eksena pang umupo siya sa gilid ng fans nila at kinuha ang cellphone ng isa sa mga ito at saka nag selfie siya habang nasa background niya ang mga fans.
BINABASA MO ANG
Kahit Konting Pagtingin (Book 1 of Ashralka Heirs #2)
General FictionKung sino pa yung mga taong wagas kung magmahal, sila pa yung madalas nasasaktan, sila pa yung hindi nakukuha yung mahal nila, sila pa yung naiiwan o kaya naman ay yung hindi napapansin. Minsan kasi dahil sa sobrang pagmamahal mo sa taong hindi n...