Kabanata 20

8K 188 23
                                    

Kabanata 20
Sagala

----------
Humugot ako ng isang malalim na buntong hininga at mahigpit kong hinawakan sa kanan kong kamay ang banal na krus mula dito sa harap ng exaltation of the holy cross parish. Nakakapit naman ang kaliwa kong kamay sa braso ni Philip na napakakisig sa suot niyang barong, nasasamyo ko pa nga ang amoy ng kanyang panlalaking pabango na kumakamit sa ilong ko. Hindi iyon matapang at masakit sa ilong.

Ang arko naming kawayan ang siya ring pinakamaliwanag sa lahat ng arko na narito at sa magkabilang gilid ay hawak-hawak ito ng dalawa sa magsasakang nakatira sa farmhouse ng mga Bergancia. Sa likod namin ay naroon naman ang karosa ni birheng Maria, malamlam ang liwanag na nagmumula sa nakapalibot na ilaw sa karosa, marami itong dekorasyong bulaklak na kulay puti, pula at dilaw. Puno ng kaelegantehan ang karosa at hindi rin magpapatalo ang glamorosang suot ng imahe ng birheng Maria na si SM din mismo ang nanahe.

Sa gilid ng arko namin ay naroon si inay at itay, pati si donya Alena, Wilma, SM at Nora. May mga hawak silang kandila na kasisindi lang nila. Panay rin ang pagkuha ng picture ni donya Alena sa amin habang nakasabit sa leeg niya ang camera ni Philip na ginamit niya kanina ng mag picture taking kami sa mansyon, bago kami umalis papunta rito sa simbahan.

Sa likod ng karosa ni birheng Maria ay may ilang matatandang may hawak ring mga kandila at sa likod nila ay naroon naman ang van ng mga Bergancia na minamaneho ni Richard, baka raw kasi mapagod ang senyora sa paglalakad kaya nakasunod ang van sa prosisyon.


Sa ngayon ay pinapaypayan pa si donya Alena ng isa sa mga kasambahay nila. Marami ang kumukuha ng atensyon niya at binabati siya na animo close na close siya sa mga ito, lalo na yung mga nanay ng ibang reyna na kasali sa sagala.

"Wag mo na'kong paypayan, si Philip at Persis nalang." Reklamo ng donya sa kasambahay na nakabuntot sa kanya.

Samantala, hindi naman sumama si don Leonardo dito sa sagala dahil marami daw itong mas importanteng inaasikaso at wala itong hilig na sumama sa mga pagdiriwang na tulad nito, naunawaan naman ni Philip ang daddy niya. Ganoon naman daw talaga ito, puro trabaho ang inaatupag.



Ilang saglit lang ay magkasunod na pumutok ang dalawang kwitis mula sa madilim na kalangitan na sinundan ng malalakas na tunog ng tambol na nasa unahan ng mahabang parada. Kasabay ng tunog ng tambol ay ang tunog ng kampana, iyon narin ang simula ng pag-usad namin.

"Ready?" ani Philip. Napalingon ako sa kanya. Nakangiti siya sa akin kaya nakangiti rin akong tumango sa kanya bago kami nagsimulang maglakad.

Hindi ko alam ang ire-react ko sa tuwing may tatawag sa pangalan ko. Parati lang akong nakadiretso ng tingin, hindi ko magawang lingunin sila at ngitian, tulad ng ginagawa ni Philip. Wala kasi akong lakas ng loob. Nahihiya ako, paano kung kaklase o kaeskwela ko ang mga yon? Hindi ko rin nga alam kung bakit ako nahihiya sa kanila. I must be proud of myself right now. Ako ang reyna Elena at kahit si donya Alena ay nagagandahan sa itsura ko ngayon, kaya bakit ako mahihiya diba? Pero hindi ko talaga maiwasang mahiya e,  siguro dahil mahina lang talaga ang tiwala ko sa sarili.

"Persis, ngiti naman dyan. Baka isipin ng mga tao masungit ka." bulong sa akin ni Philip, ramdam ko pa nga sa bungad ng tenga ko ang kanyang mainit at nakakakiliting hininga.

"Nahihiya ako."

"Don't be shy. There's nothing to be ashamed of, you have to be flattered because you're queen Helena. You're the highlight of this procession."

"Hindi lang talaga ako sanay. Nakakahiya rin kasi pagnakita ako ng mga schoolmates kong nakakakilala sa'kin. Magugulat sila na yung titibo-tibo nilang kaeskwela ang reyna Elena."

Kahit Konting Pagtingin (Book 1 of Ashralka Heirs #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon