Hershey POV
"Hoy tulala ka."
Nagulat ako sa biglang pagsulpot ni Kaye sa harap.
"Can you believe that Kaye?"
"The what?"
"The Red. He named it after me."
"What? Nino?"
"Si Heize. Siya diba yung nagpangalan sa The Red. He said that he named it like that because it was my favorite. Pano niya nalaman yun?"
Nag isip lang siya saglit.
"Hindi kaya?"
Sabi lang niya hinintay ko yung kasunod ng sasabihin niya.
"What?"
Tumingin ulit siya sakin.
"Heize is your stalker matagal na."
"What the?"
Nahihibang na ba siya sa gwapo na yun ni Heize at sa yaman hindi mag aaksaya ng panahon yun para sundan lang ako.
"It's possible shey."
"Tumigil ka nga dyan baka may makarinig sayo. Baka marinig ka nila."
Posible nga kaya? How did he know my favorite color? Nakasulat ba sa mukha ko?
"Hey hershey. Makinig ka ha? This song. Para sayo to'."
Kinanta niya yung Marry me by Train. Paulit ulit talaga ko magagandahan sa boses niya hindi nakakasawa.
May iba kay Heize. Unang una bakit niya ipapangalan yung grupo niya sakin kailan lang kami nagkakilala? Bakit niya alam yung favorite color ko?
Ang gulo grabe. Pano niya nalaman lahat yun?
Natapos ang pagdedaydream ko sa pagtulak sakin ni Kaye.
"Ang sweet namern shey! Ikaw na tsokolate."
Tapos na pala yung kanta di ko man lang namalayan.
Maya maya lumapit na sakin si Heize.
"Tara na hatid na kita."
Sabi niya sakin.
"No. I'm okay magcocommute nalang ako."
Tinignan niya ko ng masama.
"Sabi ko nga tara na at ihahatid mo pa ko e."
Ngumiti lang siya. O-em-ji that smile of him ang sarap kuhanan ng picture at ipadevelop ng madaming madami.
"Shey una na ko. Sabay ako kay Seven my loves."
Bulong sakin ni Kaye. What the? Myloves? Ang landi niya be.
"Tara na."
Hinatak niya ko palabas ng music room. Holding hands kami shit. Nakukuryente ako. Ang gwapo ho kasi ng ipinagkaloob niyo lord 🙏🏻
Hindi naman ako ganun kabait para bigyan ng ganito kagwapo e.
"Hey hershey. Sakay na."
Natauhan naman ako bigla dun nasa parking lot na pala kami.
Binilisan ko na yung pagsakay. Napailing nalang siya napansin niya atang nagdedaydream ako.
"You okay? Seatbelt mo."
"Yes okay lang ako."
Kinabit ko nalang yung seatbelt ko.
"Sure ka? Nagdedaydream ka baby."
What the? Ano daw baby? Namumula ata ko. Ang iniiiiiittttt my god. Wag niyo hong gawin sa akin ito.
"Yea sure ako."
"Daan muna tayo ng park ha? Kain tayong balut."